Chapter 10 (The Wrong Call) Pagkaalis sa presinto ay walang tiyak na direksyon kung saan pupunta si Dennis ang isip nito ay punong puno ng tanong na sa mga oras na iyon ay wala siyang makapang sagot. Dala ng labis na sama ng loob dinala siya ng kanyang mga paa sa lugar namadalas nilang puntahan kapag nais nilang huminga sa nakakasakal at nakakapagod na trabaho. Sa beerhouse kung saan madalas niyang kasama si PO1 Marvin Lopez. Pagpasok ay dire diretso siya at pinili niya ang pinakasulok na bahagi ng lugar at agad umorder ng alak. “Sir mukhang solo ka ngayon ah ano pong order ninyo?” Bati ng waiter na madalas na nag se-serve sa kanila ni Marvin kapag nakatuwaan nilang uminom ng tig isang bote bago umuwi. “Bigyan mo ko ng Red Horse tatlo,” seryosong tugon ni Dennis. “Pulutan sir?” muli n

