Chapter 9 (Letting go is hard...holding on is harder) Umaga pagmulat ng mata ni Dianne ay kinapa niya sa ibabaw ng side table ang kanyang cellphone doon nagrehistro ang mensahe ni Rupert sa kanya. I’m sorry honey I can’t give a call last night napahaba ang overtime ko sa work I’ll make it up later send me a message kung pwede na kitang tawagan.... I love you so much, Rupert. Humugot ng malalim na buntong hininga si Dianne matapos basahin ang mensahe ni Rupert hindi matukoy kung ano ang nasa isip at nasa loob nito muli ay naghanda ito para sa pagpasok sa iskwelahan. “After class daw mamayang hapon we will have a meeting sabi ni Madam,” paalala ni Clarizz kay Dianne. “Okay sige daanan mo na lang ako sa room ko mamaya para sabay na tayong magpunta saan ba venue ng meeting?” tanong ni D

