Chapter 53 Pagdating ni Dianne sa bahay ay natanaw niyang nasa teresa ang kanyang ama at halatang nag aantay sa kanyang pagdating. “Sir Dennis baka gusto mong bumaba muna at magkape kahit saglit,” alik ni Dianne. “Naku nabusog ako sa kinain natin pero bababa ako saglit para makausap si Tatay Delfin,” tugon ni Dennis. “Magandang gabi po,” bungad ni Dennis kay Tatay Delfin. “Mukhang naabala ka na naman namin Sir Dennis nabanggit sa akin ni misis na nagtext si Dianne na medyo malalate ng uwi at magkasama naman daw kayo kaya kampante na ako na walang masamang nangyari sa kanya,” tugon ni Tatay Delfin. Nagkatinginan sina Dennis at Dianne sa sinabi ni Tatay Delfin nagkaunawaan na sila na hindi na banggitin ang nangyari kanina ng maiwasan na ang anumang alalahanin. “Naipagpaalam ko naman n

