Naramdaman ni Cleo ang paghigpit ng hawak ng kaniyang mama sa kaniyang palad nang pumasok sa gate ng Brillante Mansion ang kotse ni Bryan na kinalululanan nila. Ang binata na ang nagkusang sumundo sa kanila at naging driver nila sa gabing iyon. Tinapik niya ang kaniyang mama upang iparating dito na huwag itong mag-alala sapagkat kasama siya nito. Nauunawaan niya ito na makaramdam ng bahagyang kaba at pagkailang sapagkat napakatagal na panahon na rin na hindi ito nakakatapak sa tahanang kinalakihan nito. Mula nang piliin nito ang kaniyang papa at talikuran nito ang marangyang buhay ng pagiging isang Brillante ay ngayon na lamang ito ulit nakabalik doon. Nang maihimpil na ni Bryan ang kotse sa bahagi kung saan naroon ang iba pang kotse ng mga bisita ay agad niyang nilapitan ang pinto kung s

