Panay ang pagbuga ng hangin ni Calyx habang nagmamaneho patungo sa Brillante Tower kung saan naroon ang opisina niya. Napangiti naman si Maxene habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ng dating nobyo. Salubong ang kilay nito at may paggalaw pa ang mga panga na tila nagngangalit ang mga ngipin. Noon lang niya nakitang ganoon si Calyx. Noong karelasyon pa niya ito ay parati itong relax at kahit pa nga may hindi sila pagkakaunawaang dalawa ay tila hindi man lang ito nababahala o namomroblema. Marahan niyang idinantay ang kanyang mga palad sa braso nito ngunit hindi man lang ito natinag. Mukhang malalim ang iniisip nito. Pinagapang niya pababa ang mga kamay niya hanggang sa humantong iyon sa ibabaw ng hita ng lalaki. Pilyang pinisil pa niya ang masel sa bahaging iyon ng hita ni Calyx ng

