Chapter 2 - Annulment?

1182 Words
“AKYAT kayo dito ha! Sabay tayo maglunch,” “Sure ba? Sige pero baka naman mapagalitan kami,” tugon ko kay Esha habang naglalakad ako papuntang working place ko. Aga-aga nitong batang ‘to tumawag sakin dahil raw gusto niya kaming makasabay ni Ame maglunch na bago sa pandinig ko dahil simula nang umakyat siya sa opisina ni Mr. Acosta– hindi na kami nakakapagsabay ng lunch, hindi na nga rin namin siya nasisilayan dito sa building dahil nandoon lang siay at hindi bumababa. Nawala na nga rin yung mga secret admirer niya na laging nagbibigay ng mga padessert niya. As in nawala talaga! Hindi na namin nakikita– ewan ko kung anong nangyari sa mga ‘yon. “Oo nga… sure! Nagpaalam ako kay Sir Jeremiah kung pwede ba akong magyayaya dito dahil wala akong kasama– sabi niya okay raw basta wag akong bababa,” tugon nito na ikinataka ko pero hindi ko na lang uusisain at baka hindi niya rin naman sabihin. “Ah! Okay, sabihan ko si Ame!” nakangiting usal ko. “Okay! Kitakits mamaya,” masayang tugon niya bago siya tuluyang nagpaalam sa akin at katulad niya ay nagpaalam na rin ako bago mabilis na pumunta sa pwesto ko. Habang naglalakad naman ako papunta sa pwesto namin ay marahan akong napahinto nang makarinig ako ng hindi magandang komento tungkol kay Esha na matagal na naman namin naririnig ni Ame pero pinagsasawalang bahala lang namin pero ngayon parang hindi na tama. “Nandiyan na raw yung fiance ni Mr. Acosta ha! So, goodbye na rin doon sa secretary kuno ni Mr. Acosta?” usal ng isang babae na nasa tapat ko lang na naglalakd– may kasama siyang dalawang babae at isang beki. “May secretary ba? Parang s*x-ritary lang naman! Alam mo na para lang painitin ang gabing malamig dahil wala si Ms. Aurelia,” saad nung beki na kasama nila kaya naman agad akong napasimangot dahil hindi ko nagustuhan yung sinabi nila. “True! Hindi naman siya mapupunta doon kung hindi niya gagawin ang mga ganung bagay–” “HOY!” Sabay-sabay kaming napatingin sa babaeng sumigaw na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala kaya naman pati yung mga nag-uusap kanina ay napatingin na rin sa akin. Mabilis rin naman bumalik ang tingin ko kay Ame na alam kong handa ng makipag-away dahil sa narinig niya tungkol sa kaibigan namin. “Alam ninyo– inggit lang kayo kay Esha kasi napromote siya sa taas kung saan gusto talaga ninyo magtrabaho para maharot ninyo sila Mr. Acosta,” walang preno nitong usal na syang ikinagulat ko. Kahit kailan talaga ang babaeng ito walang pinipiling tao– baka ata kahit si Mr. Acosta kastiguhin nito kapag nakita niya e. “Ano ha! Hindi kayo makasagot kasi totoo yung sinasabi ko! Mga babaeng maharot!” usal nola muli bago tumingin doon sa beki na kasama nila. “Hindi ka kasama kasi beki na maharot ka!” pagtataray muli nito bago ako mabilis na hinila papaalis doon. Nag-iwan pa siya ng matalim na tingin sa mga inaway niya at bago kami tuluyangakaalis nag-iwan pa siya ng salitang alam kong ikakainis na ng mga kaaway niya kaya naman mabilis ko na siyang hinila pa paalis doon. “IKAW talaga! Gusto mo talagang mapaaway dito at matanggal…” sermon ko sa kanya na ikinanguso niya. “Kasi naman e! Nakakainis yung mga sinabi nila kay Esha!” saad nito at padabog na umupo sa upuan niya na nasa tapat lang ng computer niya. “Hindi naman ginusto ni Esha na mapunta siya sa taas at gawing secretary ni Mr. Acosta… masaya naman siya dito ha! Kung hindi lang siya kinuha e… kung hindi lang siya naaksidente…” Totoo naman na masaya si Esha dito kahit pa maraming nai-insecure sa kanya dito dahil naman ang ganda ng kaibigan ko ay talaga namang out of this world kaya nga nagulat na lang kami na bigla siyang kinuha at doon na magtatrabaho. Nagulat naman ako nang biglang tumingin sa akin ulit si Ame at para bang handa ulit makipag-away. “Alam mo! Ang may kasalanan talaga nito ay yung babaeng kokak na nandoon sa loob ng admin head!” gigil na bulong niya sabay tingin doon sa office ng head namin. Mabilis ko naman siyamg pinigilan nang makita kong nagbabalak siyang tumayo. Alam ko na yan e– aawayin na naman niya yung head namin tapos sasabihin niya kambal niya yon o kaya naman ay lasing siya. “Kumalma ka nga muna! Aawayin mo na naman si Maria Theresa tapos sasabihin mo kambal mo yung umaway sa kanya! Kapag ikaw talaga matanggal, sisisihin pa ni Esha sarili niya kasi pinagtanggol mo siya kaya ka natanggal,” paliwanag ko na mukha namang natauhan siya. Huminga lang siya ng malalim bago padabog na sumandal sa upuan niya. “Hay! Nakakainis talaga ang mga iyon! Sila ata nagpapakalat na nagiging call girl si Esha e!” gigil pa rin na usal niya pero ngayon ay medyo kalmado na. “Itanong na lang natin kay Esha mamaya kapag nakita natin,” saad ko na bigla niyang ikinaayos ng upo. “Bakit? Bababa siya mamaya dito?” tanong niya na may excitement sa mukha. Hindi man halata pero alam kong namimiss niyan si Esha e– lalo pa at baby kasi talaga namin si Esha. “Hindi siya ang bababa, tayo ang aakyat doon. Wala raw kasi sila Mr. Acosta kaya naman pinayagan raw siyang magpaakyat doon basta hindi siya bababa,” saad ko na ikinataka niya. Kung ako naman ay napigilan magtanong– alam kong si Ame ay hindi kaya bago pa siya magsalita, inunahan ko na. “Hep! Hindi ko alam kung bakit siya bawal bumaba, basta sinabi lang niya sakin na akyat tayo doon para may kasabay siyang maglunch,” usal ko na bigla nitong ikinatawa. “Halata ba na magtatanong ako?” usal niya na mabilis kong tinungan bago umupo sa upuan ko. “May subtitle kaya iyang mukha mo,” saad ko na may kasamang pang-aasar kaya naman agad akong nakaramdam ng hampas sa kanya na ikinatawa ko lang. Ayan! Kahit papaano ay kumalma na siya nanghahampas na siya e. “Pero mabuti na lang at pinayagan siyang magpaakyat doon ‘no? At least makakausap na natin siya ulit… ilang buwan na rin yung last na usap natin– lagi na lang kasi silang busy e,” usal niya na ikinatango ko. Akmang sasagot ako sa kanya nang biglang tumunog ang phone ko at dahil nasa floor na kami, mabilis kong sinagot iyon na hindi tinitignan ang pangalan. “Hello! Sino po–” “You can’t hide from me, Lyrisse! I know where you are. AGC huh!” Mabilis kong binaba ang tawag nang marinig ko ang boses na iyon at hindi na siya pinatapos pa magsalita. Ano bang problema ng lalaki na iyon? O baka kailangan na niya magpaanul dahil magpapakasal na siya? Oo nga ‘no! Baka nga magpapaannul na siya kaya ako biglang hinanap! Bakit kasi hindi mo muna pinatapos magsalita, Lara! ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD