“HI, grandma… kumusta po kayo?”
Ayan ang bungad na tanong ko nang masagot ko ang tawag ng lola nung unggoy na lalaking iyon. Kagigising ko nga lang at medyo droggy pa ako kaya nga nasagot ko yung tawag e. Kung alam ko lang na si grandma ito– hindi ko sasagutin kasi ayokong magsinungaling kay grandma.
“I’m good, iha… I actually miss you so much,” sagot nito sa akin na bahagay kong ikinakaba.
Hindi ko alam para bang may iba kasi sa tono ng pananalita niya, minsan talaga itong si grandma ang hirap hulaan ng mga sinasabi.
“Talaga po? Miss ko na rin po kayo,” usal ko na bigla niyang ikinatawa. “Kayo po ni grandpa…” pahabol ko pa dahil baka bigla siyang magsabi kay grandpa, magtatampo yon.
Pero mabuti pa nga sila kahit papaano kinakamusta ako, yung totoo kong pamilya hindi man lang ako matawagan. Busy sila na suportahan si Althea sa ginagawa niyang career na hindi ko naman alam kung natuloy ba talaga– ang huling sabi sa akin ni mama, nagpunta raw si daddy sa amerika para sundan si Althea dahil narinig nilang uumiiyak ‘to.
“Lara, are you still there dear?”
Agad akong napa-ayos ng upo nang marinig ko ang boses ulit ni grandma na medyo nag-aalala. Ilang minuto na ba ako nakatunganga dito para mag-alala siya.
“Yes, grandma. Still here, alive and kicking,” biro ko kaya muli ko siyang narinig na tuwa. “Ano po ba sabi ninyo kanina?” tanong ko dahil nga hindi ako nakinig kanina baka may importante pala siyang sasabihin tapos hindi ko naman pala narinig.
Nakarinig naman ako ng pagtawa sa kanya na medyo ikinahiya ko. Nakakahiya naman kasi talaga na kausap ko siya tapos nag-dedaydreaming ako.
“I said, I called Kane last time and I told him that we will visiting you two,”
Agad akong napaayos ng upo nang marinig ko ang katagang iyon.
“Po? Ah! Talaga po– hindi niya po nasabi sa akin,” saad ko na bahagya pang nauutal sa mga sinasabi.
“I said we’re going to visit you and Kane. Maybe 3 months from now. We'll just finish our agenda here then we will go there in the Philippines to have a vacation,”
Hindi naman ako agad nakapagsalita at napakagat lang sa labi ko. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko…
Saan ko naman kasi hahanapin ang unggoy na yon? May ganito pa lang plano sila grandma, hindi man lang sinabi sa akin! Magpaparamdam, manlalait pa!
“Ah! Talaga, grandma… sige po! I'll wait for you and grandma…” usal ko na pilit pinapasigla ang boses. “Grandma, I need to go. I need to prepare for work,” pagpapaalam ko kahit ang totoo ay hindi pa naman ako aalis talaga.
Feeling ko lang ay kailangan kong tawagan yung number na pinantawag sa akin ng unggoy na iyon para naman matanong kung anong balak niya sa lola’t lolo niya!
“Oh! Yeah! Okay, dear. Take care and see you in 3 months,” usal nito na mababakasan ng pagkaaliw.
Matapos naming magpaalam sa isa’t-isa, agad na ring pinatay ni grandma ang tawag habang ako naman ay napasampal na lang sa noo ko.
“Anong gagawin mo ngayon, Lara Lyrisse?” saad ko sa sarili ko habang nakayuko. Mabilis akong napaangat ng ulo nang maalala ko ang sinabi ni grandma. “Three months… meron pa akong three-months na palugit para mahanap ko ang kumag na iyon,” usal ko at mabilis ma kinuha muli ang cellphone ko.
Agad akong nagpunta sa call logs ko para mahanap ang number na pinantatawag sa akin.
Mabilis ko rin namang naibaba dahil bigla akong nanlumo– ang daming number na nandito at hindi ko alam kung alin dito ang dapat kong tawagan…
“Bakit kasi hindi mo manlang sinave yung number?” sermon ko sa sarili ko at muling ibinato ang cellphone ko sa malayo.
Naiirita kong ginulo ang buhok ko bago padabog na tumayo sa higaan ko. Kailangan ko ng mag-ayos ng sarili at totoong papasok ako sa trabaho.
“HOY, Lara! Hoy!”
“Ano?” naiirita kong sagot kay Ame nang harapin ko siya.
Kita ko naman ang gulat sa mukha niya dahil sa sagot ko. Nakahawak pa siya sa dibdib niya na para bang sinaktan ko siya ng todo.
“O to the M to the G! Anong ginawa ko sayo?” gulat pa ring usal niya. “Bakit ka naninigaw?” gulat pa rin nitong tanong.
Malalim naman akong napahinga at napahawak na lang sa ulo ko. Sumasakit kasi dahil sa kakaisip kung paano ko ako magkakaroon ng contact sa unggoy na yon.
“Sumigaw ka rin naman ha!” balik kong sagot sa kanya pero ngayon medyo mahinahon na. “Bakit ka ba kasi tawag nang tawag diyan?”
Kita ko naman ang pag-irap nito sa akin bago sumagot sakin. Alam ko namang hindi siya galit sakin at sadyang ganyan talaga ang ugali niya kaya kahit paano ay sanay na rin ako.
“Kasi naman, kanina pa ako salita nang salita dito wala ka man lang reaksyon o sagot. Tinatanong kita kong anong gagawin mo mamaya pag-uwi, nakatunganga ka lang diyan. Ano ba kasing iniisip mo?” tanong nito sa akin. “Tignan mo, sumimangot ka na naman!”
Dahil kasi sa tanong niya naalala ko na naman ang problema kong hindi ko alam kung paano susulusyunan!
“Wala, may problema lang ako…” saad ko at muling huminga nang malalim. “Anong gagawin mo kapag may hinahanap kang tao pero hindi mo alam ang pangalan?” tanong ko sabay tingin sa kanya.
Kita ko ang pagtataka nito sa akin na siyang ikinairap ko. “Girl, paano mo hahanapin kung hindi mo alam ang pangalan? Kahit pulis kapag tinanong mo niyan, walang maisasagot sayo,” tugon nito.
Napahinga naman ako ulit ng malalim dahil totoo naman ang sinasabi niya. Kahit pulis naman talaga hindi mahahanap kapag hindi alam ang pangalan…
“Pero pwede mo namang hanapin kung alam mo ang surname,”
Mabilis akong napatingin kay Ame nang marinig ko yon sa kanya.
“Pwede ba yon?” tanong ko na mabilis niyanb ikinatango sakin.
“Buang ka ba? Makalumang tao ka ba at hindi mo alam ang social media?” pangungutya niya na mabilis kong ikinairap.
Bwisit talaga ‘to!
“Sorry ha! Nakalimutan ko kasi sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip,” sarkastiko kong tugon na ikinatawa niya.
Mabilis siyang humarap sa laptop na gamit niya at may kung anong kinalikot doon.
“Game! Ano bang surname?” tanong niya na agad kong ikinailing.
“Hindi na. Ako na hahanap…” mahinang sagot ko, sapat para marinig niya. Napatawa naman ako nang makita kong tumingin ito sa akin na para bang gusto na niya akong murahin. “Hindi na… ako na bahala,” pag-uulit ko.
“Aw! Sad. Tinanggihan ako,” saad niya sanay irap. “Edi wag… nag-aalok ng tulong para naman makabawas sa isipin mo tapos tatanggihan mo ako,”
Napahinga naman ako ng malalim bago humarap sa kanya. Hindi ko napigilan na mapailing ng ulo nang makita kong sumusulyap-sulyap siya sakin.
Ito talagang babae na ‘to, alam na alam kung paano magpapaawa at magsusunod ang gusto niya.
“Sige na. Pero may iba akong ipapahanap sayo,” saad ko para lang matapos na ang pagpapaawa niya.
Kita ko naman na biglang nagliwanag ang mukha niya at agad na humarap sakin.
“Sige! Ano yon?” masiglang tanong niya na malawak ang ngiti.
“Hanapin mo naman yung Elite Sentinel Security” saad ko na ikinataka ng mukha niya kaya bago pa siya magtanong ng iba– inunahan ko na siya. “Hindi ako mag-aapply diyan, may kailangan nga kasi akong ipahanap baka sa kanila ako magpatulong,” usal ko kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan ko.
Sa pagkakatanda ko kasi ayan ang pangalan ng company nung unggoy na yon… parang ganon yung narinig kong sinabi ni grandma noon kaya para makasiguro, papahanap ko na lang.
“Okay… promise ha! Hindi ka mag-aapply dito ha!” tugon ni Ame na ikinatango ko na lang.
Agad na rin naman siyang humarap sa laptop niya ulit at doon nagtype habang ako naman, nagsearch kung meron pa bang ibang Elite Sentinel Security or ibang Elite Sentinel…
“Girl! Nahanap ko na! Ang gwapo ng may-ari tignan mo,” rinig kong saad ni Ame kaya naman mabilis akong tumingin sa laptop niya.
Nang makita ko naman yung sinasabi niya may-ari– hindi ko naiwasang mapangisi.
“Huli ka balbon,” bulong ko sapat para ako lang ang makarinig…
--------