bc

DARE NOT TO LOVE YOU

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
campus
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

ELENA POV Ngayong araw, nakatakda kong bayaran ang tuition fee ko na nagkakahalaga ng 15 thousand. Two weeks later na lang ay finals na namin. At itong 15 thousand na ito, pinaghirapan itong kitain ng mama ko sa paglalabada. Pudpod na nga ang kamay nya at halos mamalat na sa tambak na labahan. Kinita nya ito sa loob ng isang buwan at ayaw kong masayang lang ito. Kaya nagsunog talaga ako ng kilay sa pag aaral para maipasa ko ang last na exam namin. After that, graduation fee na lang ang iintindihin ng parents ko. Not allowed to take exam pa naman kapag walang bayad. 4 pm na ng hapon at dumaan na ako sa short cut dito sa eskinita namin palabas sa aming lugar at isang sakay lang ng jeep para makarating ako sa aming school.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
ELENA POV Ngayong araw, nakatakda kong bayaran ang tuition fee ko na nagkakahalaga ng 15 thousand. Two weeks later na lang ay finals na namin. At itong 15 thousand na ito, pinaghirapan itong kitain ng mama ko sa paglalabada. Pudpod na nga ang kamay nya at halos mamalat na sa tambak na labahan. Kinita nya ito sa loob ng isang buwan at ayaw kong masayang lang ito. Kaya nagsunog talaga ako ng kilay sa pag aaral para maipasa ko ang last na exam namin. After that, graduation fee na lang ang iintindihin ng parents ko. Not allowed to take exam pa naman kapag walang bayad. 4 pm na ng hapon at dumaan na ako sa short cut dito sa eskinita namin palabas sa aming lugar at isang sakay lang ng jeep para makarating ako sa aming school. Ang sabi nila, medyo delikado raw sa lugar na ito kase marami raw ang holdapan ang nagaganap. Pero kapag 'di ako dumaan rito, baka ma late ako at maabutan ako ng cut off. 3 pm lang kasi inabot ni mama ang perang ibabayad ko at weekend na bukas. Baka magastos pa itong pera sa ibang bagay kapag di ko ito ibinayad sa tuition fee ko. Pagkatapos kong magbayad ng tuition fee ay kikitain ko si Jay, ang boyfriend ko for 3 years. Nagkakilala kaming dalawa sa school kasi magkaklase kami sa isang subject. Na cute-an daw ito sa akin at sinuyo ako, niligawan so palihim na naging kami. For now, kami lang at kaunting mga friends lang namin ang nakakaalam ng relationship namin. Neither of our parents ay alam ang tungkol rito. Sasabihin lang namin ito after graduation upang maging legal na kaming dalawa. Masarap sa pakiramdam na magkaroon ng boyfriend habang nag aaral. Mayroon akong inspirasyon at mas lalo akong nagpupursigi. Sa dami ng babaeng nagkakandarapa kay Jay, ako ang babaeng natipuhan nito kahit na average student lang ako. Palabas na sana ako sa eskinita ng may tatlong lalaki na humarang sa akin. Mga mukang adik ang mga ito, nakahubad at kala mo ay hari sila ng daan. Dededmahin ko na sana ang mga ito ng bigla na lang naglabas ng kutsilyo ang isa sa kanila. "Holdap to! Akin na ang bag mo kung ayaw mong masaktan," ang pananakot ng lalaking may patalim. Patakbo pa lang ako pero hinawakan na ako ng dalawang lalaki sa magkabila kong mga braso. Nakakatayo ng balahibo ang tingin ng mga ito sa akin. Pinilit nyang inagaw ang handbago ko pero pumapalag ako. "Wag po, please! Pambayad ko ng tuition ang pera ko," pagmamakaawa ko pa. "Ibigay mo ito sa akin kung ayaw mong masaktan ka," pagmamatigas nito, pinipilit nyang wag sumigaw. "TULONG, TULONG!" pagsigaw ko upang mayroong sumaklolo sa akin pero bigla na kang akong sinuntok ng babaeng ito sa aking tyan. Sa lakas nito ay nabitawan ko ang aking bag at napahawak ako sa aking dibdib. Natumba ako, hirap huminga at hinang hina sa lakas ng suntok na ito. Lumingon ako sa mga lalaking ito na mabilis nagsipag takbuhan. Nanlumo ako ng makita ko ang bag ko na bitbit ng isa sa kanila na pinakamablis na tumakbo. Para akong 'di makapanawila sa nangyari. Sa isang iglap lang ay nawala na kaagad ang perang pinaghirapan ng nanay ko na nagkakanda kuba para lang kitain ang ganitong kalaking pera sa loob ng isang buwan subalit sa isang iglap lang ay naglaho ito na katulad ng isang bula. Kasabay nitong nawala ang ID ko at iba pang mga gamit. Natulala na lang ako ng ilang saglit, cellphone na lang ang tanging meron ako kasi nilagay ko ito sa aking bulsa. 6 pm ng gabi, kasama ko ang jowa ko dito sa mall. Nanood kaming dalawa ng sine, treat nya sa akin kasi malapit na ang graduation. Pinilit ko man na maging masaya pero wala na talaga ako sa mood. Pagkiss sa akin ng boyfriend ko after ng palabas, nayamot ako sa kanya. "Ano ba Jay? Kiss ka ng kiss jan! Kanina ka pa!" pag susungit ko rito na dala lang ng pagkakalugmok ko sa panghoholdap sa akin kanina. "Bakit ka nagagalit? Ganito naman tayo palagi kapag tayo lang ang magkasama 'di ba? Palagi kitang kini kiss kase bawal natin itong gawin sa school o kahit saan na pedeng may makakilala sa atin. Walang makakakita sa atin na kakilala natin kase nasa mall tayo." "Eh nakakainis pa rin eh! Nakaka irita!" pagsusungit ko, sinamaan ko ang tingin ko sa kanya. "Ba't ba wala sa mood ha? Di ka ba nakapag bayad ng tuition fee mo ngayon?" Ipinaalala pa nya sa akin ang nangyari kanina kaya mas lalo akong na bwisit rito. As in, wala na ako sa mood at wala akong gustong kausap ngaun. Masakit sa dibdib ko ang nangyari. "Alam mo, wala kang pakialam! Next time na nga lang muna tayo magkita. Naba badtrip ako sayo eh!" Tumayo ako at narinig ko syang nagsalita, "Ang sungit ng babaeng to! May period ka na naman siguro." "Pake mo!" huling pasabi ko pa rito. Heto dapat yung time na susuyuin nya ako at makikipag ayos kahit na ako ang mayroong problema. Paglabas ko ng sine, dito na nya ako hinabol. "Ano ba mahal? Bakit ba napipikon ka na lang bigla? Nilibre na nga kita ng sine kahit na paubos na ang budget ko eh. Tapos ganito ang gagawin mo sa akin?" "Hayaan mo, babawi ako sayo sa susunod na date natin para wala ka nang isusumbat pa sa akin." "Hindi naman sa ganun pero sana ay sabihin mo sa akin kung mayroon ba tayong problema. Kung may nagawa ba ako sayong mali para mapag usapan nating dalawa. Umuwi ka na lang at baka hinahanap ka na ng magulang mo." "Hays! Bahala ka nga sa buhay mo, palagi mo na lang akong pinapahirapan ng ganito." Naglakad pa rin ako hanggang sa 'di ko na naririnig ang mga yapak ng paa nya na papalapit sa akin. Nasaktan ako na nagtampo ang boyfriend kong walang kasalanan sa nangyari. Wala rin akong lakas ng loob para magsalita tungkol sa panghoholdap sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
49.5K
bc

My Cousins' Obsession

read
190.3K
bc

His Six Months Rule

read
25.7K
bc

Daddy Granpa

read
283.2K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
26.8K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
252.1K
bc

MY HOT BOSS (SSPG)

read
38.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook