Chapter 10:
Yvette's POV
NGAYON ay araw ng graduation ko. Sa wakas grabe ilan taon sumakit ulo ko sa mga sinasabi ng mga prof. ko buti at pumasa pa ako.
Magaling naman ako sa mga Exams sabi ng teacher ko ay mahina lang daw ako sa recitation kase kung ano ano daw sinasabe ko. Pffft dapat sisihin nila sarili nila kung ano ano din naman kase tinatanong nila.
"Anak Congrats! Sa wakas makaka graduate ka na rin!" si Nanay talaga kanina ay umiiyak pa siya. Sakanila ako natulog kagabi inihatid ako duon ni Vaughn dahil may pupuntahan daw siya ngayon.
Nalulungkot ako dahil hindi man lang siya makakapunta pero siyempre malay ko ba kung may taping sila ng pelikula.
"Thank you po Nanay at Tatay! Salamat po sa bente singkong baon araw araw," aniko at niyakap sila. Nandito na kami ngayon sa gymnasium.
"Anak nasan ba ang asawa mo?" Napatingin naman ako kay tatay at napanguso na lang dahil wala naman si Vaughn.
Hindi ko talaga siya babatiin kapag nakita ko siya. Hmp!
"Anak pumunta ka na sa upuan mo at magsi-simula na ata," ani Nanay habang hinihimas ang buhok ko.
Tumango lang ako at pumunta na sa aking upuan, iba kasi ang upuan ng mga gagraduate at parents.
Pagka-upo ko ay napatingin ako sa katabi kong abot tainga ang ngiti.
"Bessy! OMG! Ang tagal kitang hindi nakita. Muntik na akong maghimagsik sa harap ng bahay niyo!" ani Anton at bumeso beso pa sa akin. Bahagya akong napangiwi sa amoy ng kaniyang pabango. Amoy sampaguita.
Ang sabi ni Anton ay pusong babae raw siya, isa raw siyang serena na wala nga lang buntot.
Malakas na bumuntong hininga ako. "Hindi na kasi ako pinapasok ni Vaughn," usal ko at kumapit sa braso niya.
Si Anton ay isa sa mga kaibigan ko rito sa school. Mabait siya at malapit lang ang bahay nila samin sa sobrang lapit ay pati hilik niya ay naririnig sa kwarto ko.
"Sino si Vaughn?" takang tanong niya. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag kwento sa kaniya.
"Artista 'yon hindi mo kilala? Sa tingin ko ay action star siya kasi nakita ko siya dati nagta-taping sila ng barilan," paliwanag ko kumunot naman ang kaniyang nuo.
"Vaughn? Bagong artista ba 'yan? Bakit naman ayaw ka niyang papasukin sa school?" usisa niya.
"Sa bahay niya kasei ako nakatira ngayon." Nagulat naman ako ng tapikin niya ang balikat ko.
"Okay lang 'yan. Madami naman nag tahtrabaho ng bata ang edad mabuti nga't naging maid ka sa bahay nila marangal na trabaho iyon saka buti at hindi ka nakakasira doon ng gamit." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, maid ba ako kila Vaughn pero hindi naman nila ako pinapagawa doon? Kahit nga pagkuha ng damit ko ay pinapa-utos pa ni Vaughn kahit paglagay ng tubig sa baso ko.
"Hindi naman ako maid doon."
"What? Edi PA ka niya? Sabi mo artista siya."
"Ano ba 'yong PA?"
"PA? Gosh, hindi mo ba alam 'yon? Personal Assisstant, ganern!" aniya at hinawi pa niya ang imaginary long hair niya.
"Sabi ni Vaughn ay asawa niya ako," aniko at pinakita ko sa kaniya ang kamay ko na may singsing.
"OMG! For Really? Ang ganda ng singsing mo!" manghang usal niya. Nanlaki pa ang kaniyang mata.
"Oo nga pero hindi naman sa akin 'yan. Kaya nga siguro hindi ako pinapalabas sa bahay ni Vaughn dahil baka hulihin ako ng pulis," paliwanag ko.
"Hay ewan ko. Sandali pa lang kita kinakausap parang magkaka-brain tumor ata ako." Hinilot pa niya ang kaniyang sentido.
Umayos na kami ng upo.
"Ayos na ba 'yong make-up ko?" Napatingin ako sa babaeng nasa harap namin. Classmate ko rin sila. Para silang si Celine 'yong pumunta doon sa bahay ni Vaughn. Lagi silang nagma-make up kahit walang okasyon tapos lagi silang naninigaw.
"Oo ang ganda muna bhie for sure mapapansin ka ng may-ari ng school Hihi!" ani ng kaibigan niya.
Nagkatinginan kami ni Anton.
"Oo nga, siya ang guest ngayon. Minsan lang daw 'yon pumunta rito," sabi pa ng isa nilang kasama pa-simple lang kami nakikinig ni Anton.
"Ano kaya itsura non? Balita ko nasa twenty five years old pa lang pero bilyonaryo na," dagdag ulit ng isa. Naghampsan pa sila parang kinikilig.
Napairap na lang si Anton at umayos ng upo. Ako rin ay umayos na dahil wala naman ako paki sa guest nakakatamad kaya makinig sa mga sinasabi nila. Gusto ko na tuloy umuwi, ano ba kasing ginagawa ni Vaughn?
Nagpalinga-linga ako dahil bakit ang daming lalaking naka-itim sa paligid animong nagbabantay.
"Oh bakit pumasok ka pa? Sure ka ba ga-graduate ka?" Napatingin ako ulit sa harap ko. Nakatingin sila sa akin, kinabahan ako na baka kahit ngayon ay asarin nila ako, lagi nila ako inaasar sa school.
Minsan ay sanay na ako pero minsan ay nasasaktan din ako sa sinasabi nila.
"Hoy babaeng linta pwede ba huwag mong pagtripan si Yvette? Tapalan mo na lang iyang mukha mong mukhang rambutan!" singhal ni Anton.
Pinisil ko ang kamay ni Anton para tumigil na siya sa pakikipag-away.
"Huh! Epal na bayot!" aniya at humarap na ulit sila sa stage.
Humarap naman sa akin Anton. "Wag mo sila pansinin bessy." Tumango lang ako dahil sanay na ako sa kanila.
Hmp! Hindi ako pumapatol sa mas panget sa akin.
"Please let's all welcome the owner of Rage University, Mr. Vaughn Rage Navarro."
Napatingin ako sa stage ng pagpalakpakan sila. Pilit kong inaaninag. Tama ba ang narinig ko?Baka naman kapangalan lang ni Vaughn.
Ilang sandali pa ay nanlaki ang aking mata at napangiti nang makita ko si Bill at Cash na unang lumabas sa back stage, kasunod nila ay ang seryosong mukha ni Vaughn.
Hihihi, ang gwapo niya sa suot niyang dark blue na formal attire.
Seryoso lang ang kaniyang mukha kahit madaming bumabati at deretsyo ang tingin papunta sa upuan. Lumapit pa ang dean ng school namin sa kaniya ngunit tinanguan lang niya ito. Ang sungit talaga ng lalaki na 'to!
Tapos 'yong mga classmate ko ay ipit na tumitili napatingin ako kay Anton na pinapaypayan ang sarili gamit ang palad habang nakatingin kay Vaughn.
"Hindi ako makahinga bessy! Ang gwapo!" aniya at umarte pang humawak sa leeg niya.
"Kailangan mo ba ng mouth to mouth resiresitasyon?" kabadong usal ko. Ganon kasi napapanuod ko sa tv.
Bigla siyang napa-ayos ng upo. "Gaga mouth to mouth repetition 'yon!" aniya.
"It's mouth to mouth resuscitation." Napatingin kami sa likod namin, 'yung matalino sa klase namin.
Inismidan siya ni Anton "Eh bakit ba nangingialam ka eh binago na kaya! Hmp!" aniya at kumapit sa braso ko.
Ay, 'yon na pala?
Nagsimula na ang program at pinamigay na ang mga diploma namin. Hinihintay ko na lang tawagin tawagin ang pangalan ko. Paminsan-minsan ay nililingon ko sila nanay sa kabilang upuan. Sinesenyasan niya akong makinig.
Napatingin ako kay Vaughn na parang naiinip. Nagpalinga-linga siya animong may hinahanap at nang nag tama ang mata namin. Napalunok ako ng kindatan niya ako.
Kyaaaaaaaa ~
"Omg! Nakita niyo 'yon? I'm gonna die oh my gosh! Kinindatan niya ako!" Tili ng classmate kong nasa harapan ko.
Akala ko ay ako ang kinindatan ni Vaughn.
"Navarro, Yvette Lin R."
Nagpalinga-linga ako dahil walang pumupunta sa stage.
"Navarro, Yvette Lin R." Pag-uulit ng emcee.
Siniko ako ni Anton kaya napatingin ako sa kaniya "Yvette ikaw ata 'yon pero iba apelid," bulong niya.
Kaagad akong napatayo ng makita kong kunot-noo ng nakatingin sa akin si Vaughn. Oo nga pala! Binigay niya sa akin ang apelido niya.
Naka-ngiting nagtungo ako sa stage nakipagkamay ako sa mga tao doon hindi ko man alam sino sila.
Feeling ko nga tatakbo akong politiko.
Ang pinaka huli na kakamayan ko ay si Vaughn.
Kakamayan ko na sana siya pero magulat ako ng hapitin niya ako at yakapin ng mahigpit kaya napasubsob ako sa kaniyang dibdib.
"OMG!"
"Kyaaaaaaaa!"
"Hala! Bakit siya niyakap?"
Narinig ko pang bulungan ng lahat ng tao sa gymnasium. Napanguso ako dahil lumakas ang kabog ng aking dibdib.
"Congrats honeybabe, I'm so proud of you!" bulong niya sabay halik sa buhok ko.
Napangiti na ako, hindi ko alam pero kinikilig ako parang ang sarap sa feeling.
Humiwalay na kami sa yakap ng tumikhim si Cash at Bill na naka-ngiti sa akin.
"Congrats Madam!" sabay na bati nila napa-ngiti ako sa kanila.
Nagulat ako ng takpan ni Vaughn ang bibig ko.
"Don't smile at them. Para sa akin lang ang ngiti mo! Akin lang," aniya.
Napailing na lang ang dalawa.
~*~