Chapter 9

1410 Words
Chapter 9 • Bill's Point Of View • Natawag ko na lahat ng santong kilala ko. Nakatatlong ama namin at dalawang abe maria na ako. Nakayuko kami ngayon sa harap ni Master, kasama ko ang lalaking hindi nabubuhay kapag walang condom si Cash at kasama namin ang driver, apat na body guard ni Madam. Ngayon ko lang siya nakitang natataranta. Dahil dati ay kahit kanino at anong problema sa organisasyon ay hindi siya nakikitaan ng emosyon ngayon ay nakakatakot siya dahil nagiging itim ang awra niya. Na para bang kapag isa sa amin ang gumalaw ay bigla na lang niya kaming babarilin. Bakit ba kasi ako nasama rito e. Mahal ko pa ang buhay ko! "You dog! I swear if anything happens to my wife. I will f*****g kill you all of you! Do you hear me? Kahit mga ka apo-apuhan niyo uubusin ko!" sigaw niya sabay balibag ng isang vase na pinaka malapit sa kaniya. Tumama iyon sa paanan namin malapit sa gawi ng mga body guard. "Binabayaran kayo ng maayos, gawin niyo ang trabaho niyo ng maayos!" Kami naman ni Cash ay tahimik lang sa gilid, hinahanda ko ang sarili kong iharang si Cash kapag sakin ibabalibag ang mga gamit o kaya pag biglang bumaril si Master sa gawi ko talagang iharang ko si Cash. Delikado lalo't nandito kami sa office niya buti at sound proof. Mag-iisang oras ng nawawala si Madam. Hindi ito sumasagot sa tawag ni Master, bigla na lang itong nawala sa mansyon kaya itong si Master ay nagiging monster na. Geez! • Yvette's POV • "Hay salamat nakarating din!" masayang usal ko ng makita ko ang 'Navarro Corporation' buti na lang at natatandaan ko pa ang papunta dito. Paano ba naman, pupunta ako kay Vaughn ngayon dahil kahapon ay sabi ko bibigyan ko siya ng cake pero umalis kami kaya hindi niya nakain. Kaya ginawa ko ay pumunta ako sa isang bake shop at nagpatulong ako kung paano. Buti at mabait ang matandang may ari saka nag bayad naman ako sa mga ginamit ko gamit ang binigay na pera ni Vaughn. Syempre inuto ko rin ang may-ari. Masaya akong naglalakad papasok. Dala-dala ko ang cake na binake ko para kay Vaughn, hindi ako marunong pero tumulong naman ako mag halo ng ingredients sa matandang may-ari. "Good Morning po!" bati ni Manong guard. "Good morning din po Manong." masiglang usal ko. Nakasuot ako ng t-shirt na hello kitty at pantalong maong. Noong nakaraan kasi ay binili ako ng mga damit ni Vaughn saka kinuha ko rin ang damit sa bahay. Pumunta ako sa babaeng nakaupo sa isang lamesa doon. "Good norning ate girl, nandyan ba si Vaughn?" tanong ko habang ngiting-ngiti. Hindi ko kasi alam kung nandito siya syempre bilang artista ay madami siyang taping tapos may work pa siya dito kaya baka busy siya. Pinasadahan niya ako ng tingin napakagat labi na lang ako ng taasan niya ako ng kilay. Baka kamag-anak to ni Celine. "May appointment po ba kayo?" aniya pero halatang mataray. Umiling ako dahil wala naman talaga ako non. "Bawal po kayo pumunta sa kaniya kung walang appointment Miss," aniya mas diniin ng huling salita. Napanguso na lang ako sa sinabi niya, sayang naman 'yung cake baka nalusaw ang ising. Aha! Tama, sabi ni Vaughn pag pupunta ako sasabihin ko lang ang pangalan ko. "Ate pwede hanapin niyo po Yvette Ramos po," ani ko. Yes! Makakapasok na ako. Nagpalinga-linga ako kaagad kong nakita ang tingin nila sa akin. Puro kasi ako harina at chocolate sa damit. O baka naman naiingit sila sa dala ko. May pinindot naman siya sa computer sa harap niya, namangha ako sa bilis ng daliri niya. "Sorry miss pero walang lumabas e," hala bakit wala? Baka mali ako ng napuntahang building pero eto 'yon eh sure ako! "Try niyo po 'yong Yvette Lin Ramos. Sige na po please po!" pagpupumilit ko, nagpa-cute pa ako sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya at tumirik pa ang mata niya. Nako may sakit ata si ate girl. "Wala din," aniya at tiningnan ako. Bakit wala? Hindi ko naman kasi dala ang cellphone ko dahil naiwan ko iyon sa bahay. Aha! "Ate last na po!" "Ano ba 'yan miss, ang dami mo naman pangalan. Eh wala nga!" masungit na usal niya. Nako! Hindi ako pwede mag give-up sayang 'yong cake pinaghirapan ko pa naman ito para kay Vaughn. "Yvette Navarro po," wika ko at ngumiti. Hihihi, naalala ko sabi ni Vaughn ay binigay na niya sa akin ang apelido niya, ayoko pa nga tanggapin nuong una kasi meron naman na akong apelido kaso malulungkot daw siya kapag hindi ko tinanggap. Nagpi-pindot-pindot ulit si ate at biglang nanlaki ang mata at tumingin sa akin. "OMG! Nako Madam pasensya na po! Hindi ko po kayo nakilala Madam! Nandyan po si Sir. Sorry po huwag niyo po ako tanggalin," mabilis na wika niya at yumuyuko-yuko pa sa akin. "Nako, ate bakit naman kita tatanggalin. Sige ate bati na tayo pero pwede mo ba ako ihatid kahit sa floor lang niya? Hindi pa kasi ako marunong gumamit non." Turo ko sa elevator. Ngumiti naman siya. "Opo Madam sure po!" wika at inalalayan pa ako pasakay. "Sorry po hindi ko po kayo namukhaan," paghingi niya ulit ng tawad. Madami pa siyang sinasabi pero hindi ko na pinakinggan dahil abala ako sa pagtingin sa mga numero sa pader. Pagka-dating ko sa floor ay medyo natatandaan ko na dahil dito kami kinasal ni Vaughn. Sinabi ko kay ate girl na kaya ko na, may sinabi pa siya pero ngumiti na lang ako para kunwari naiintindihan ko siya. Ang laki ng floor na ito, puro salamin lang at may isang pinto sa gitna iyon ang office ni Vaughn. Tanging siya lang ang may ukupa ng buong floor basi sa pagkakatanda kong kwento niya. Ang galing! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para sana gulatin siya pero ganon na lang ang gulat ko ng may lumilipad na vase papunta sa aking gawi. Mabilis akong yumuko. "Muntik na ako doon ah!" gulat usal ko saka tumayo ng tuwid. Takang tumingin ako sa mga tao sa loob na namumutla. Si Vaughn ay agad naman lumapit sa akin. "I'm sorry! Sorry honeybabe akala ko kaso kung sino," aniya at niyakap ako ng mahigpit. Nagsilabasan naman ang ibang tao ngumiti pa sa akin si Cash at Bill bago isara ang pinto. Naka-yakap lang sa akin si Vaughn at nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko. Niyakap ko siya gamit ang isang kamay dahil ang isang kamay ko ay may dalang paper bag na may cake. Matagal ang lumipas pero hindi pa rin siya gumalaw. "Vaughn? Tulog ka ba?" tanong ko ng halos minuto na siyang nakayakap sa akin. "I'm just happy. Akala ko ay umalis ka na, akala ko iiwan mo ako," bulong niya at lumayo sa akin. Nang magtama ang aming mata ay ngumiti ako, itinaas ko ang aking kamay para ipakita ang dala. "May dala akong cake, ako ang gumawa nyan este ako ang naghalo ng ingredients. Hehehe!" Lumiwanag naman ang mukha niya at ngumiti sa akin. Bumaba ang tingin niya sa dala ko bago bumalik sa aking mukha. "Really? That's for me?" paninigurado niya. Tumango ako, sinapo niya ang aking mukha at mabilis naman niya akong hinalikan sa labi. Grabe naman matuwa si Vaughn. MAUUBOS na ni Vaughn ang isang buong cake na dala ko kaya natutuwa ako, hindi man ako kumakain dahil busog pa ako saka para talaga 'to sa kaniya. Nakakatuwa dahil isang slice na lang. Napatingin kami sa cellphone niya ng tumunog iyon. Bahagya niyang pinisil ang aking kamay na kanina pa niya hawak "Wait. I'll just answer this call," aniya tumango lang ako, tumayo siya at sinagot niya 'yon at bahagyang lumayo sa akin. Tiningnan ko naman ang cake na kaunti na lang. Tumingin ako kay Vaughn na busy pa sa kausap. Humiwa ako ng isang slice ng cake para tikman ang ginawa ko. "Huk!" Halos mapaduwal ako ng malasahan ko iyon! Hindi masarap pwe! Mabilis na may nag-abot sa akin ng tubig at hinahagod ang likod ko. "Ang pangit ng lasa Vaughn bakit ang alat? Pwe! Bakit mo kinakain hindi naman pala masarap," usal ko habang nakasimangot. Akala ko ay masarap dahil inuubos niya hindi pala. Scam din si Manong baker, sabi niya masarap e ang mahal pa naman ng pa-tutorial niya. "Para sa akin ay masarap dahil ikaw ang gumawa. Kahit lason pa 'yan basta ikaw ang nagbigay sa akin ay kakainin ko ng walang pag-aalinlangan." ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD