Chapter 6:
• Cash Point Of View •
"Get this asshole out!" Napailing na lang kami ni Bill saka inilabas si Mr. Bautista ang pangatlong Doctor na tumingin kay Yvette este Madam Yvette. "Kung maka-tingin ang gagong 'yon ay akala mong matamis na prutas ang binti ni Yvette ko!"
Nagka-tingin na lang kami ni Bill at lihim na napangiwi. Hindi pa nalilinis ang sugat ni Madam paano kasi si Master nagagalit pagha-hawakan at titingnan na ang binti ni Madam Yvette.
Kung hindi niya sasapakin ay tutukan ng baril ang mga ito. Ang unang Doctor ngang si Doc. Lapuz ay nabaril niya sa binti ng hawakan nito bigla si Yvette dahil sinusuri.
Paano naman nila magagamot kung ayaw niya pahawakan at tingnan. Ano 'yon pipikit? Manghuhula kung naka-tapat na ba ang bulak sa sugat?
Ganito ba ma-in love si Master? Geez, nakakatakot siya ma-in love kung ganon.
Hindi ko nga maisip na sinampal niya si Miss Celine. Siya ang kumbaga number one self proclaim girlfriend ni Master. Buntot nang buntot ito sa kaniya noon pa man at kahit badtrip si Master ay hindi ko siyang nakitang pagbuhatan ito ng kamay, kanina pa lang.
Lagi ko nakikita si Master na galit pero aaminin ko mas nakakatakot siya kanina. Parang lumabas 'yong demonyo sa kaniya ng makitang may dugo sa binti si Madam Yvette. Halos ibalibag niya ang pintuan.
Napangiti na lang ako ng maalala ang pinuntahan namin kaya kami umalis.
***
"OKAY na siya Sir mabuti at dumaplis lang 'yong bubog at hindi bumaon," ani Doctora. Oo babae na ang sunod na tinawagan namin dahil baka makapatay na si Master buti at nakatulog si Madam Yvette kaka-antay. Kung hindi ay natakot ito sa kaniya.
"Are you sure?" pagsisigurado ni Master pangatlong tanong na niya 'yan. Nandito lang kami sa gilid ni Bill at nakikinig.
Nakakatuwa ang pabago-bagong emosyon ni Master na ni minsan ay hindi namin nakita noon.
Habang si Madam Yvette naman ay natutulog nasa gilid lang niya si Master Vaughn.
"Y-Yes Mr. Navarro," aniya. Sandali pa siyang tinitigan ni Master bago sinenyasan na umalis na.
__________________
Yvette's POV
Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa aking buhok. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Nakita ko si Vaughn na blanko ang mukha na naka-tingin sa akin habang sinusuklay ang aking buhok, nakaupo siya sa gilid ng kama.
Mabilis akong umupo.
"Uhm—" hindi ko alam kung anong sasabihin ko baka magalit siya kasi pangit ang lasa ng juice na tinimpla ko kanina. Baka nagsumbong na si Celine.
Naalala ko 'yong kanina.
"I'm sorry." Napatingin ako sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklob ang aming mga daliri para naman akong naiihi na ewan parang kinikiliti ang tiyan ko.
"Bakit ka nagso-sorry?" tanong ko kay Vaughn.
"Sorry, I shouldn't have left you. Don't worry Celine will never hurt you," senserong usal niya habang nakatingin sa akin.
Tumango ako at ngumiti hindi ko man kasi nage-gets bakit siya nagso-sorry hindi naman niya ako inaaway. Dapat ay 'yong Celine ang magsorry kasi siya ang nakabasag ng baso. Kung anak siya ni nanay paniguradong pinagalitan na siya.
"Okay lang!" sagot ko at ngumiti.
Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at halos mapatalon ako ng ilapit niya sa aking noo ang kaniyang labi. Hindi ko alam bakit guma-ganto siya.
KINABUKASAN ay maaga akong naligo sabi kasi ng isang kasambahay ay pinapaligo raw ako ni Vaughn dahil may pupuntahan kami. Naisip kong baka uuwi na ako.
"Madam ito po ang susuotin niyo," ani ng isang katulong na nakayuko kausap ang sahig.
Napatingin ako sa isang kulay puting mahabang damit. Isang mahabang kulay puting damit iyon.
"Sigurado po akong mas matutuwa si Master Vaughn kapag nakita ka niyang suot iyan," komento ng isang babae kakatapos lang niya akong ayusan ng buhok. Nilagyan niya ko ng kunting make-up.
Nakakahiya nga dahil baka nakita niya ang kuto ko.
Inakay nila ako palabas ng mansyon. Pangalawang araw ko pa lang dito. Naiisip ko nga baka nakauwe na sila Nanay tiyak na hahanapin nila ako.
"Tara na Madam." napukaw ang atensyon ko ng magsalita si Bill at binuksan ang isang mahabang kotse. Hindi ko alam ang tawag. Limo—ano kasi 'yon?
"Nasan si Vaughn?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko pa ito nakikita. Kagabi ay pagkatapos ng pagso-sorry niya sa akin na hindi ko alam ang dahilan ay umalis na ito.
"Malalaman mo rin Madam," ani Bill at ngumisi pa. Napanguso ako sa hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na. Ang damot naman ni Bill.
Saan kaya kami pupunta?
Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin sa aming dinadaan hanggang tumigil kami sa isang gusali.
Bumaba kami sa isang gusali. Napatingin ako sa pangalan nito 'VN Corporation'. Takang napatingin ako sa mga taong dinadaanan namin na bigla na lang yuyuko.
"Bill bakit sila yumuyuko, panget ba ako? Ayaw ba nila ako makita?" kinakabang at naluluhang ng usal ko.
"Nako! Madam huwag kayo umiyak mapapatay ako ni Master," kabadong usal niya habang pasakay kami sa elevator. Alam ko ang tawag doon hindi ko lang alam gamitin.
Pagbukas nito ay pumasok kami sa isang pinto. Agad akong napatakbo sa isang lalaki doon.
"Vaughn!" tawag ko dito at yumakap ako. Hindi ko alam pero namiss ko siya. "Ayaw nila sakin Vaughn. Panget ba ako? Ayaw nila akong tinitingnan," sumbong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero magaan ang luob ko kay Vaughn dahil mabait siya sa akin.
Hinawakan niya ako sa pisngi ko at iniharap ng tuluyan sa kaniya.
"Who said that? Tss. Hindi sila yumuyuko dahil pangit ka, Yvette. You're the most beautiful woman in this f*****g building. Yumuyuko sila dahil tatanggalan ko sila ng mata pag tiningnan nila ang pag-aari ko," masungit na usal niya at bumitaw ako sa pagkakayakap. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi ni Vaughn.
Ngumiti na lang ako para hindi siya magmukhang tanga.
"Mr. Navarro magsimula na po tayo." Napatingin ako sa isang lalaking matanda na.
"Ano pong gagawin niyo?" tanong ko. Kami na lang tatlo at sila Bill at Cash ang nasa isang silid na ito.
Parang office kagaya ng mga napapanuod ko.
"Ikakasal ka Yvette," wika ni Vaughn.
Gulat akong napatingin kay Vaughn ng sabihin niya iyon. Nanlaki ang mata ko at napa-awang ang aking labi. Alam ko ang married, iyon 'yong ginagawa pagnagmamahalan at gusto magkapamilya. Alam ko 'yon! Hindi ako absent nong naituro 'yon.
Mabilis akong umiling at umatras.
"Ayoko! Ayoko! Ayoko makasal." Nanginig ang aking boses at mabilis na naman nangilid ang aking luha. Wah! Ayoko kaya!
Kita ko naman ang sakit at lungkot sa mata ni Vaughn habang nakatingin sa akin. Bakit siya malungkot? Ayaw niya rin siguro ako makasal o baka naman gusto niya siya na lang. Ayos lang naman sa akin.
Napatikhim naman si Bill at Cash kaya napalingon ako sa kanila, napaiwas sila ng tingin pati 'yong lalaking matanda.
"Yvette ayaw mo ba sa akin?" mahinang tanong ni Vaughn.
Napatingin naman ako sa kaniya at pinunasan ang luha ko.
"Gusto kita mabait ka at sinusuklayan ang buhok ko. Pero ayaw ko mapakasal sa kaniya!" Turo ko sa matandang lalaki.
Napa-awang naman ang bibig ng matanda gulat na itinuro ang sarili.
"Sabi mo ikakasal ako sa kaniya! Ayoko. Ang tanda na niya hindi na kami magkaka-anak eh!" atungal ko.
Nai-imagine ko pa lang na matanda ang asawa ko kawawa naman ang mga anak namin ang daddy nila ay may rayuma na. "Tapos paano maaga ako mabubuyuda Vaughn? No offense po pero ayoko maging panget ang anak ko. Kaya ayoko maikasal sa kan—"
"Pft! Hahahahaha!" Bigla akong natulala nang tumawa si Vaughn, hindi malakas pero sapat na para lumiit ang mata niya at lumitaw ang maputi niyang mata.
Kahit sila Bill at Cash ay natulala sa pagtawa ni Vaughn. Wah! Ang gwapo niya talagang artista.
Lumapit si Vaughn sa akin, ikinulong ang mukha ko sa mainit niyang palad.
"I'm your groom honeybabe."
"Honeybabe? Sino 'yon?" Nakasimangot na tanong ko.
"It's you, my Yvette. Ayaw mo ba itawag ko sayo 'yon?" tanong niya at inipit ang kinulot kong buhok sa tainga.
Napangiti ako, gusto ko ang honeybabe. "Gusto ko!" deklara ko.
"Good. Now let's get married," wika niya, mabilis akong iniharap sa matandang lalaki.
~*~