Chapter 5:
• Yvette's Point of View •
Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa sala, malaki ito kumpara sa amin 'yung sala pa lang ng bahay ni kuyang artista ay parang buong bahay na namin.
Napatingin ako kay kuyang artista na seryosong nakatingin sa akin habang katabi ko siya sa sofa. Sabi ko na nagagandahan 'to sa akin e, o kaya naman bakla siya tapos inggit siya sa ganda ko.
"Bakit madumi ba mukha ko?" takang tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot bagkus ay hinawi lang niya aking buhok sa mukha at inipit sa likod tainga ko. Medyo bahagya akong naging alerto, baka mamaya sabunutan niya ako bigla.
"Master Vaughn naka-handa na po ang sasakyan na gagamitin," kuha ng atensyon ng isang lalaking naka-itim.
Epal naman.
Tumingin ako sa kaniya at nakayuko lang siya, sahig ata ang kinakausap niya.
"Sino si Master Vaughn?" tanong ko katabi kong hawak-hawak lang ang kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Baka gusto niyang kulayan ang mga kuko ko hehe tama!
"It's me," aniya.
"Wah! Master ang pangalan mo tapos Vaughn ang apelido mo?" manghang tanong ko pa sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng seryoso tapos bahagyang umangat ang gilid ng labi niya.
Napatitig ako doon. Kyah! Ang gwapo niya hindi ko pa pala natatanong anong channel siya nagwo-work.
"Vaughn ang pangalan ko. Vaughn Rage Navarro," sabi niya kaya tumango-tango na lang ako. Ang haba ng pangalan niya ah. Bumaling naman siya sa lalaki kanina na-epal, hindi pa pala umaalis.
"Okay. Give me a minute," masungit na wika niya sa lalaki. Umalis naman agad 'yong si kuyang naka-itim. Nang tuluyan kaming maiwan sa sala ay humarap si Vaughn sa akin.
"I need to go somewhere, I'll be back after an hour. Stay here in my mansion, don't go anywhere. If you need something just ask them," para pala siyang si Nanay at Yna lagi ako pinapaalaahanan, akala ata nila hindi ko kaya huh!
Ngumiti ako at tumango. "Sino si Them?"
Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko. "Them... The maids."
Oh 'yon pala.
Pero may naalala ako. Bakit nga ba ako nandito? Kailangan ko ng umuwi. Nako! Kapag naabutan ako nila nanay na wala sa bahay paniguradong sermon na naman iyon ng isang linggo.
Tumayo na siya pero pinigilan ko ang kaniyang kamay kaya tumingin napalingon siya sa akin.
"Uuwi na ako, baka hinahanap na ako nila Nanay e," nahihiyang wika ko, kinakabahan ako dahil hindi ako naka-uwi kagabi. Kahit alam kong wala naman sila sa bahay ay baka bigla umuwi si Yna.
Sipsip pa naman 'yon kay nanay.
Bigla naman dumilim ang itsura niya kaya bahagyang napa-atras ako. Nakakatakot siya!
Huminga siya ng malalim at hinawakan na naman ang kamay ko at bahagyanhg pinisil iyon.
"Stay here Yvette. Babalik ako, mamaya tayo mag-uusap okay? May kakausapin lang akong mga tao," mahinahong usal niya.
Gusto kong tumutol pero itinikom ko na lang ang aking bibig. Baka bigla niya akong bigwasan dito, tulog ako panigurado. Tumaas ulit ang sulok ng kaniyang labi sandali lang iyon at balik seryoso ulit ang mukha.
Paano niya nalaman ang name ko? Baka nabasa niya diary ko? Aha! O kaya naman manghuhula siya.
Napaigtad ako nang dumampi ang labi niya noo ko, napalunok ako dahil doon. Napapanuod ko to sa telebisyon e, ito 'yong sabi ni Yna na lumalandi na raw.
Ginulo pa niya ang buhok ko bago tumalikod at lumabas ng bahay.
Nakatanaw lang ako doon hanggang marinig ko ng pag-andar ng sasakyan niya. Ano naman kaya ang gagawin ko? Ang laki ng bahay niya kahit mag tumbling ako rito ay okay lang.
Gagawin din ba niya akong artista? Excited na ako. Sana naman ay sa medyo drama ako ilagay mas gusto 'yon.
Tumayo ako at nililibot ang buong bahay ni Vaughn, bigla naman ay nakita ko ang swimming pool sa gilid ng bahay. Malaki iyon pero mukhang hindi naman nagagamit.
Ano 'to design lang?
Mabilis akong tumakbo papunta doon. Napansin ko naman na may sumusunod-sunod lang sa akin na dalawang babaeng naka-maid at isang lalaking naka-itim na damit. Kanina ko pa sila napapansin naka-sunod kung saan man ako pumunta.
Gaya-gaya ng pupuntahan e o mukha ba akong magna-nakaw? Panay sunod sila e.
"Wow, ang ganda naman dito!" bulong ko ng makita ang paligid madaming halaman at bulaklak sa hardin malapit sa pool.
Tumagal ako doon hindi ko alam kung ilang oras ako nakipagdaldalan sa mga paru-paro at bulate. Nang magsawa akong tumingin-tingin ay bumaling na ako papasok sa loob ng bahay pero nagulat ako nang makitang nakatayo pa rin pala sa likod ko ang tatlo.
"Bakit po ba kayo sunod nang sunod sa akin? Promise po, hindi po ako kukuha ng kahit ano! Peksman, mamatay man kayo." Itinaas ko pa ang kanan kong kamay.
Bahagya naman ngumiti ang lalaki pero nauwi sa ngiwi.
"Pinaba-bantayan po kayo ni Master Vaughn sa amin Madam," anito.
"Ano? Madam? Teacher na ako hindi ko man lang alam?" takang tanong ko.
Nagkatinginan naman sila.
Napakamot sa ulo ang isang babae, palibhasa'y may kuto siguro. "Madam pumasok na po tayo, doon na lang po kayo sa loob manuod ng tv habang hinihintay si master," suwesyon ng isang maid.
Masayang tumango ako at naglakad papasok at iyon nanaman sila nakasunod. Iginewang-gewang ko nga ang lakad ko at gumaya sila, natatawa akong tumingin sa kanila gumigewang-gewang din ng lakad upangb sundan ako.
Para kaming mga lasing.
Sila ang pumili ng papanuorin ko, bukod sa hindi masyado pamilyar sa mga palabas ay tinatamad din ako. Frozen ang pinili ni ateng maid, tapos pinaghanda pa ako ni ateng ng meryendang turon at cake.
Ang bait nila! Sana lang ay hindi ito ikaltas sa sweldo ko kapag naging artista na ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng palabas nang may narinig akong sasakyan na dumating kaya agad akong tumayo. Buti naman at nandyan na si Vau—Sino naman 'tong mukhang tilapia na 'to?
Pumasok ang isang babae makapal ang mga kolorete sa mukha at kapos ang suot niyang damit.
"Sa tingin ko ay sa kapatid niyang bunso ang nasuot niyang damit," bulong ko sa isang maid na kasama ko't pinaka malapit sa akin. Napatawa naman siya nang mahina pero napatigil rin ng tapikin siya ng isa pa niyang kasama.
Dere-deretsyong pumasok ito at nagpalinga-linga. Lah! Naligaw ata 'to?
"Where's Vaughn?" maarteng wika niya. Napansin kong parang pusang nanganganak ang kaniyang boses. Ganyan na ganyan ang boses ng pusa ng kapit-bahay namin.
"Miss wala po—" sagot ni kuyang body guard sa gilid.
"Call him. Tell him that I'm here," utos niya at umupo sa isahang sofa doon.
"M-Miss Celine bawal po kayo rito," ani ng body guard na nakasunod sa akin kanina.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
"How dare you? Maybe you want to lose your job huh? Do you want to get fired?!" sigaw niya. Napakunot ang aking noo habang pinapanuod sila. Sino ba ito? Maputi siya at mahaba ang buhok habang pulang-pula ang labi.
Hindi naman siya artista, bahagya ko siyang sinipat pa mukhang napansin niya ang titig ko. Bigla niya akong pinagtaasan ng makapal niyang kilay ng makita akong naka-upo sa isang sofa.
"Who are you? New maid? What are you looking at huh? Get a juice," singhal niya sa akin.
Napayuko at napanguso na lang ako. Baka may ari rin siya ng bahay, hindi man lang sinabi ni Vaughn na maid pala ang papasukin ko rito't hindi artista. Nakakainis!
"Miss Celine hindi po—" sagot ng isang maid na kasama ko pero kaagad din natigil sa pagsasali kasi epal 'yong Celine.
"I don't talk to you, okay?" maarteng usal niya.
Napayuko akong tumayo. Sumunod naman sila kuyang body guard sa akin at dalawang maid papuntang kusina.
Nagtimpla ako ng juice kahit hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Parang nag-aalinlangan naman silang tumitingin sa akin kaya nginitian ko lang sila. Sa bahay ay mas naka-toka kasi sa kusina si Yna.
Bumalik ako kay ateng na kapos ang damit at inilapag ang juice sa lamesa sa harapan niya.
Pinasadahan niya ako ng tingin simula paa hanggang ulo. Parang diring-diri pa siya sa suot ko.
Kinuha niya ang juice at ininom iyon ng hindi inaalis ang tingin sa akin, nagulat ako nang binalibag niya ito sa malapit sa aking paa.
"Aray!" daing ko ng may tumalsik na bubog sa aking hita.
Kaagad akong napa-upo at nangilid ang luha. Dugoooooo!
"Ang panget ng lasa! Walang kwenta!" sigaw nito saka ako dinuro.
"Miss! Magagali—" salita ulit ng isang kuya guard at akmang lalapitan ako.
"What the hell are you doing here, Celine?!!" duma-gundong ang malakas na sigaw ni Vaughn galing pintuan.
Napatayo sila ng tuwid sabay-saby tumingin sa kaniya habang ako ay naka-upo at napatingala na lang habang papunta na sa gawi ko. Malaki ang maging hakbang niya.
"Vaughn, look at this idiot maid, she put—" Nanlaki ang aking mata ng makita kong malakas na sinampal ni Vaughn si Celine.
Napahawak kaagad ako sa sarili kong pisngi dahil alam kong masakit 'yon.
Napaluhod si Celine sa lakas nito. Nagpalinga-linga ako ng tingin sa paligid, lahat sila ay naka-yuko na. Baka nagta-taping na naman sila ng pelikula? Pero wala naman akong makitang camera.
"V-Vaughn..." gulat na wika ni Celine.
"I don't want to see your ugly face here in my house. Get the f**k out!" sigaw ni Vaughn. Pati ako ay natakot sa kaniya, ang galing niyang umarte parang galit na galit talaga siya. Kitang-kita ko ang mga ugat niya sa leeg at braso. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at panga. Best actor! Wow!
Mabilis na hinawakan ng dalawang body guard si Celine sa braso at pilit nilabas sa bahay. Sumisigaw-sigaw pa siya, pero hindi ko na magets dahil sunod-sunod na english 'yon.
Naguguluhan ako, anong nanyayari?
"Godamnit!" halos mapatili ako ng bigla akong buhatin ni Vaughn, napa-awang ang aking labi dahil biglang kumabog ang aking dibdib.
"Call Doctor Lapuz now!"
~*~