Chapter 17 Third Person's POV Gulat na napa-tingin si Vaughn sa pintuan. Ang isang taong hindi niya inaakalang makakapunta doon. "H-Honeybabe . . ." aniya at dahan-dahan lumapit kay Yvette na tulala nakamasid sa buong paligid. "Paano ka naka-punta rito? Sino nagpapasok sayo? Saan ka sumakay?" sunod-sunod na wika niya sa asawa. Hindi niya akalain makaka-punta doon ang babae, ang headquarters ng organisasyon nila. "Wah! Ang ganda rito. Wow! Vaughn bakit puro hello kitty kanino 'tong kwarto? Sayo? Sabi ko na e bakla ka!" ani Yvette habang nililibot ang paningin sa buong kwarto. Naabutan niya kasi ang isang kwarto puro hello kitty ang design ng gamit. Nandoon si Cash na nagla-lagay ng wallpaper na hello kitty may mga katulong ito. Si Bill din ay nag-aayos ng mga stuff toys na puro hello

