Chapter 4: Third Person's POV "f**k! My wife!" Kaagad tumakbo si Vaughn papalapit sa mga sumigaw. Halos liparin niya ang pagitan no'n sa kaniya. Kitang-kita niya ang asawa sa ilalim ng swimming pool. Kilala niya ang suot nitong gown na siya mismong nagpagawa. Ang mga tao sa paligid ay naka-tingin lang, tangina! Wala man lang tumulong. Gusto niyang sumigaw sa galit pero masyadong okupado ang utak niya kung paano maililigtas ang asawa. He can't think properly. Ang alam niya lang ay kailangan niyang iligtas ang asawa. Ang lakas din kabog ng dibdib niya. Mariin siyang tumalon sa tubig, hindi siya marunong lumangoy pero sa oras na 'yon ay nagawa niyang lumangoy upang makuha ang asawa sa ilalim, hinapit niya si Yvette sa beywang at hinila papunta ahon sa tubig at sa gilid ng pool. Tulala a

