By: Michael Juha
getmybox@hotmail.com
---
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanyang iniutos. Ikaw ba naman ang nasa loob ng isang kulungan at uutusan ng isang presong siga at nakapatay na ng mga tao, walang ibang taong mahingan mo ng tulong at kung mayroon man, baka lalo mo pang ikapahamak. Wala akong choice.
“D-di po ba ay dapat nakataob muna kayo? S-sa likod muna kita masahehin?” ang sambit ko na ang boses ay halatang kinakabahan.
“Mabuti naman at marunog ka pala,” ang sagot niya.
“K-kaunti po.”
Tumalima naman siya. At minasahe ko siya. Bagamat naalipin ako ng takot, ipinagpatuloy ko lang ang aking ginawa. Sa totoo lang, may naramdaman din akong kakaibang kiliti at paghanga sa nakitang bato-batong muscles niya. At kahit isang preso siya, malinis ang kanyang katawan, malinis siyang tingnan.
Noong tumihaya na siya, nahalata ko ang malaking bukol sa ilalim ng tuwalyang tapis niya. Tinigasan siya.
Mas lalo pa itong nagpaigting sa naramdamang init ng aking katawan. Malalaki ang kanyang dibdib, may mga balahibong bagong sibol galing sa ilang araw na hindi pag-ahit dito.
Muling nanariwa ang mga eksenang ginagawa namin ni James sa kubo niya sa burol. Pati ang ang eksena namin ni Badong noong mga panahon na wala na si James at naghanap ako ng kaligayahan.
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang kuwarto habang sa labas naman ay naririnig namin ang tawanan at kantyawan ng mga presong nag-uumpukan.
Noong ang aking mga kamay ay nasa kanyang pusod na at tinanggal ko na ang tuwalya, bumulaga sa aking mga mata ang mataba at mahabang tayong-tayo niyang p*********i.
Pinilit kong dedmahin iyon. Ngunit may naghilahan sa loob ng aking isip; ang isang parte ay nakikiliti, nag-iinit habang ang isang parte naman ay natatakot, kinakabahan, at pilit na nilabanan ang aking sarili.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang binasag niya ang katahimikan, “Laruin mo sya...” nguso niya sa kanyang harapan.
“P-Po???”
“Laruin mo siya. Himasin mo.”
“Eh...” ang pag-aalangan ko.
“Huwag ka nang matakot. Hindi ka masasaktan.”
At sa utos niyang iyon, dagdagan pa malakas na udyok ng pagnanasa, ginawa ko ang gusto niya. Hanggang sa ang paghihimas ko ay umabot sa pagsubo. Hanggang sa inutusan na niya akong tumuwad.
Tumalima ako. Hindi niya ako pinilit. Kusa kong ibinigay ang aking sarili hindi lang dahil wala akong choice kundi dahil na rin sa nag-umapaw na tawag ng aking laman.
Hanggang sa sabay naming narating ang rurok ng kaligayahan...
“Mamayang hating gabi ay makakalabas ka na,” ang sambit niya noong natapos na kami. Nakahiga kaming magkatabi sa kama, nanatili sinyang nakahubad, maliban sa tuwalayang nakatakip sa kanyang harapan.
“T-talaga po???” ang bulalas ko.
“Oo... makakalabas ka. May sikretong lagusan ang bilangguang ito at doon ka dadaan.”
Syempre, tuwa-tuwa ako sa aking narinig. Ang buong akala ko ay tatagal pa ako sa bilangguang iyon. “B-bakit mo ako tinulungan?” ang naitanong ko na lang.
“Hindi kita tinulungan. Binayaran ako na protektahan ka rito at palayain. Pera-pera lang ang lahat. Walang personalan.”
Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Nagtaka, naguluhan. “S-sino ang nagbayad sa iyo? S-sino ang nagpoprotekta sa akin?”
“Huwag mo nang alamin. Malalaman mo na lang ito. Ang maipapayo ko lang ay... mag-ingat.”
“A-alam mo ba kung sino ang nagpakulong sa akin?”
“Oo...”
“S-sino?”
“Huwag mo nang alamin, bata. Baka magbago pa ang isip ko kapag nakulitan ako sa iyo. Tahimik ka na lang, ok?”
Kaya tumahimik na lang ako. Hindi na ako nagsalita pa. Parang gusto kong umiyak. May ganoon palang klaseng mga tao. Kung sino man ang nagpabilanggo sa akin, kung si Sophia man, ganoon ba talaga katindi ang galit niya sa akin? At kung sino man ang nagpoprotekta sa akin, bakit niya ginawa ito? At sino siya? Alam kong hindi siya isang maliit o ordinaryong tao kung ganyang may kuneksyon siya sa loob ng kulungan at sa mga opisyal ng pulis. Siguradong mayaman siya o isang taong may mga ilegal na gawain. “Di bale... kung makakalaya ako rito, pupuntahan ko diretso si Marlon sa bahay niya. Magpatulong ako, isiwalat ko ang nangyari at isusumbong kong si Sophia ang nagpabilanggo sa akin,” sa isip ko lang.
“Eto pala ang cp number ko,” wika niya. Hinugot mula sa ilalalim ng kanyang kama ang isang box at sa loob nito ay ang kanyang cp. Binuksan niya ito at inabot sa akin.
Parang hindi kapani-paniwala na ang isang preso ay may cp sa loob ng bilangguan. “Sabagay, may mga bilangguan nga na malayang nakakapasok ang droga, mga bayarangn babae, at ang iba ay lihim na nakakagala sa labas.” Bulong ko sa sarili. Ngunit ang hindi ko rin maintindihan ay kung bakit niya ako binigyan ng cp.
Noong tinanggap ko ang cp, nagulat naman ako nang may inabot uli siya.
“Ang cp ko!” ang sigaw ng aking isip. “P-paanong nand’yan iyan sa iyo!” tanong ko.
“Di ba ako ang poprotekta sa iyo? Hayan... ibibigay ko na sa iyo, kasama ang iyong wallet.” Inabot din niya ang aking wallet na nasa parehong lagayan.
“P-paano napunta sa iyo ang mga ito?”
“Gusto mo ba ang sagot o ang mga gamit mo?” ang tanong niya, ang mga mata ay tila may pagbabanta.
May naramdaman akong takot sa tingin niyang iyon. Kaya tahimik ko na lang na tinanggap ang aking mga gamit at kinopya sa cp ko ang numero sa binuksang directory ng kanyang cp.
Alas 11 ng gabi nang sinabihan na ako ng presong boss na makakalabas na. Hinila niya ang isang makapal na yero sa ilalim lang din ng kanyang higaan at bumulaga sa aking paningin ang isang butas patungo sa ilalim ng lupa. Madilim ito. Nakakatakot.
“Sa lagusang iyan ka dadaan. Diretsuhin mo lang ang lagusan at tatagos iyan hanggang sa isang manhole sa gilid ng isang kalsada.”
Walang imik akong pumasok sa nasabing lagusan. Dahan-dahan akong bumaba.
“Mag-ingat ka bata!” ang sigaw ng boss ng preso.
Dahan-dahan kong ipainagpatuloy ang pagbaba sa hagdanan ng lagusan. Ni wala man lang ibinigay na flash light. Nang nawala na ang maliit na ilaw na nanggaling sa bilangguan gawa nang pagsara sa bungad nito, doon na ako nangangapa. Binuksan ko ang cp upang mag-ilaw ito.
Makipot ang lagusang iyon. Halos hindi ako makatayo habang tinumbok ko ang dulo. Hanggang sa narating ko ang dead end ng tunnel at naaninag ko na lang ang isang vertical na butas patungo naman sa itaas.
Kinapa ko ang hagdanan sa gilid noon atsaka umakyat at nang naabot ko na ang dulo, tinnggal ko ang takip ng manhole.
Tama nga ang sinabi ng boss ng mga preso. Nasa gilid ako ng kalsada. Dali-dali kong ibinalik ang takip ng manhole at diretsong naglalakad. Nang may nakita akong taxi, sumakay ako at sinabi ko ang address ng bahay ni Marlon.
Hindi pa ako nakapunta sa bahay ni Marlon. Nalaman ko lang ang address niya noong sinabi niya ito sa akin. At may isang beses din na nadaanan namin ni Ricky ito. Doon ko nalaman na iyon pala ang bahay niya.
Bukas ang mga ilaw sa bahay ni Marlon nang nakarating na ang taxi sa address na nasabi. Agad akong nagdoor bell.
Lumabas si Marlon. Naka-shorts lang, nakapaa at hubad ang pang-itaas na katawan. Binuksan nya ang gate at ordinaryong tao na lang ako at bahagi sa bahay niya. Ni wala man lang siyang emosyon at tanong kung anong nangyari sa akin, bakit ako pumunta roon sa ganoong oras ng gabi.
Dire-dertso siyang tumalikod, tinumbok ang looban ng bahay na parang alam niyang susunod ako sa kanya. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya kung ano ang nangyari sa akin ngunit dahil sa pagmamadali niya, ang nagawa ko na lang ay ang sundan siya.
Dahil kauna-unahang pagpasok ko pa lang sa bahay niya, pansamantalang nalimutan ko ang sasabihin at inikot ng aking mga mata ang looban noon. May kalakihan din ito. Maputi ang pintura sa loob at ang kisame ay may light brown na kulay na terno naman sa makinis na wood tiles ng sahig. At ang nagpatingkad pa sa ganda nito ay ang mga maliliit na wall lamps na may yellowish ang sinag. “Ang ganda pala ng ipinagawang bahay ni Sophia sa kanya!” sa isip ko lang.
Ngunit kahit na maganda siya, napansin ko rin na medyo magulo ang loob nito. Sa tingin ko ay wala siyang katulong. May mga nagkalat na damit, newspapers at papel sa sala, at sa ibabaw ng isang mesa sa gitna ng sala ay may mga pagkaing sitseryang hindi naubos at isang bote ng alak na may halos kalahati pa ang laman. Parang nanibago ako sa aking nakita, naitanong ko sa sariling, “Ganyan ba talaga siya sa bahay?” Kasi sa opisina niya ay masinop naman siya, maalaga sa mga gamit at bagay-bagay, malinis, organized ang lahat. Parang salungat ang aking nasaksihan sa kanyang bahay.
“Anong balita?” ang tanong kaagad niya noong nasa loob na kami ng bahay. Nakaupo siya sa harap ng counter ng mini-bar corner niya habang ako naman ay naupo rin sa tabi niya.
“Yakkkk!” Ipinakulong ako ni Sophia!!!” ang bulalas ko.
“Ganoon ba?” ang sagot lang niya. Parang normal lang ang kanyang narinig.
“Oo Yak! Ang sama talaga ng ugali ng babaeng iyan.”
“Masama ba? Gusto mo, ipapatay na natin?”
Napa-“Huh!” naman ako sa sagot niyang iyon. “Ipapatay?” ang nasambit ko.
“Oo. Masama ‘di ba?”
“Haissst. Kung pwede nga lang sanang pumatay ng tao eh!” ang sagot ko.
“Puwede naman. Bakit hindi...”
Napatingin ako sa kanya. Alam ko nagbibiro lang siya. Ngunit parang nanibago pa rin ako sa linya ng kanyang pananalita. Parang hindi kayang sabihin ni Marlon ang ganoon, kahit sa biro lang. “N-nakulong ako Yak!” ang paglihis ko na lang sa usapan.
“Okay lang, nakalabas ka naman,” ang mabilis din niyang sagot, sabay abot sa isa pang bote ng alak na nasa shelf, binuksan ito at kumuha ng wine glass na nasa shelf din.
Hindi ko lubos maintindihan ang sarili sa mga ipinakita niyang kilos at pagsasagot niya sa mga tanong ko. “G-ganyan lang ang sagot mo?” ang nasambit ko. “Hindi ka nag-alala kung ano ang nangyari sa akin?”
“Bakit ano bang gusto mong isagot ko?” Tumayo isya, inabot ang isang ice bucket atsaka tinumbok ang refrigerator at kumuha ng ice, inilagay sa bucket. Parang normal lang talaga sa kanya ang lahat. Ni hinid man lang nagulat o nabahala.
“Ganyan ka ba talaga?”
“Bakit? Ganito naman talaga ako ah!”
“Parang bigla kang nagbago ng anyo at pagkatao? Hindi mo na ako nararamdaman?”
Humalakahak siya. “Alvin... este, ano nga ba ang pangalan mo?” Yumuko siya inilagay ang isang kamay sa kanyang ulo na parang nag-isip.
“At pati pangalan ko ay nalimutan mo na rin?”
“Na-amnesia ako ‘di ba?”
Hindi ako nakasagot. Tama naman. Na-amnesia nga siya.
Tahimik. Binuksan niya ang bote ng alak na naunang kinuha niya sa shelf ng kanyang mini-bar. Nagtagay siya sa isang wine glass. Nilagyan niya ng ice at sa ganoon din sa isang wine glass. Inabot niya sa akin ang pangalawang wine glass.
Tinanggap ko ang wine glass ngunit inilapag ko rin ito sa countertop. “Hindi ako umiinum ng alak, alam mo iyan!”
“Ok... Ako na lang ang iinom.” Marahang ibinundol niya ang baso niya sa baso kong nakalapag lang sa counter, hinayaang gumawa ito ng tunog na para bang nakikipag-“cheers” atsaka tinungga ang laman ng kanyang wine glass. Ubos.
Napatitig na lang ako sa kanya. Pakiwari ko tuloy ay bigla akong nawalan ng ganang sabihin sa kanya ang karanasan ko sa araw na iyon. Para akong nadismaya. Ibang-iba talaga siya. At pati ang paghuhubad niya ng pang-itaas na damit, ang paglalakad na nakapaa sa labas, hindi gawain ni Marlon iyon.
“Alvin... este, ano nga ba ang pangalan mo?”
“Jassim! Alvin ka nang Alvin d’yan, eh! Feeling mo ikaw si Andrei?”
Natawa siya. “At sino naman si Andrei?”
“Wala! Imbento ko lang!” ang pagdadabog kong sagot. “Wala lang ba sa iyo kung ano ang nangyari sa akin? Kung bakit ako nabilanggo? Kung namatay ba ako sa loob ng kulungan?”
Tiningnan niya ako. “Jassim, buhay ka, ok? Walang nangyaring masama sa iyo. Ano ba ang gusto mong itanong ko? Kumusta ka na? Masarap ba ang pagkain sa loob ng bilangguan? Nagasgasan ka ba? Napilayan? Wala bang pilas ang iyong balat? Hindi ka ba nila binugbog? Hindi ka ba pinagtripan ng mga manyak na preso? Iyan ba ang gusto mong itanong ko? Hayan tinanong ko na. Sagutin mo na ako,” ang sambit. Muli siyang nagtagay sa kanyang baso.
“Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Na-amnesia ka na naman ba? Bakit ganyan ka?”
“Ito naman o...” sabay akbay sa akin. “Intindihin mo na lang ako. Sige na, uminom ka na. Kahit kaonti lang,” sabay abot niya uli sa akin sa nakalapag na wine glass na hindi ko ginalaw.
Tinitigan ko pa rin siya. Iyon bang titig na may bahid ng pagtatanong.
“Please...?” ang paggiit niya.
At sa pag please niyang iyon, mistula ring nalusaw ang aking puso. May pagdadalawang isip man, uminom ako ng kaunti lang. “Eww! Ang tapang pala!”
Natawa siya. “Kaya mo yan. Sige, ituloy mo lang. Pampainit lang ng katawan. May gagawin tayo.”
“Gagawin? Ano?”
“Basta uminom ka lang. Magpainit ka ng katawan para game tayong pareho.”
Medyo naguluhan ako sa sinabi niyang iyon. Alam na ba niya na hindi kami magkapatid kundi magkasintahan? Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon. Kaya lumakas ang loob ko na tumungga uli. Gusto kong malaman kung ano ang ibig niyang sabihin sa gagawin namin. At sa pangalawa kong pagtungga, dinamihan ko ang alak na nilunok. Napangiwi uli ako. “Arrrggghhh!”
Tawa pa rin siya nang tawa sabay lagay uli ng alak sa aking baso.
“T-tama na, Yak...”
“Inom pa... Sandali patugtugin natin ang stereo.” Tumayo siya at tinumbok ang lagayan ng remote ng stereo at pinatugtog ang isang mellow na music. Nang bumalik siya sa kinauupuan niya, iniabot niya sa akin ang aking baso na puno na uli ng alak atsaka hinawakan din niya ang kanyang baso at tumayo.
Tiningnan ko lang siya. At doon ako nagulat noong nagsasayaw na siya na parang isang macho dancer sa aking harap.
At sa ginawa niyang iyon ay hindi ko maiwasang hindi matulala habang nakatingin lang sa kanyang ginagawang pagsasayaw na nanunukso, nagpapainit. At lalong nalito ang aking isip. Ang alam niya ay kapatid niya ako. “Nanumbalik na kaya ang kanyang alaala?” sa isip ko lang.
“Halika...” sabay hawak sa isa kong kamay.
Hawak-hawak ang baso ko, tumayo ako habang nagsasayaw siya sa aking harap. Mapang-akit ang kanyang pagsasayaw na para bang talagang isa siyang macho dancer at gusto niyang maakit ako na kanyang kustomer. At dagdagan pa sa kanyang mapanuksong titig at nakakalokong ngiti na may pakagat-kagat pa sa labi. Ramdam ko ang malakas na kalampag ng aking dibdib.
Nakatayo lang akong nakanganga habang pinagmasdan siya sa kanyang pagsasayaw. Pakiwari ko ay nanginginig ang aking kalamnan sa kanyang ginawa.
“Sayaw tayo,” sambit niya.
Inilatag ko ang aking baso sa countertop upang mahawakan ko sya. Sweet music kasi ang tugtog kaya dapat ay yakapin ko siya.
Ngunit, “Oppsss! Ubusin mo muna ang laman ng baso mo,” ang sambit niya. It muli ay ibinundol niya nang marahan ang baso niya sa baso ko.
Nag-cheers kami at sa pagtungga niya sa baso niya, sinabayan ko rin siya. Ubos.
Inilatag ko ang baso ko sa counter. Inilatag niya rin ang sa kanya. Pagkatapos ay hinila niya ako at niyakap. Nagsayaw kami sa gitna ng isang mellow na tugtugin. Marahang hinahaplos-haplos ng isa niyang kamay ang aking mukha, ang aking buhok at paminsan-minsang tinititigan habang yapos-yapos ko siya.
“Ang cute mo pala. Kaya pala...” ang marahan niyang sabi.
Hindi ko sinagot ang kanyang sinabing iyon. Hindi ko alam kung ano ang karugtogn ng “Kaya pala...” na sinabi niya. Hinayaan ko na lang. Ang nasa sentro ng utak ko ay ang sarap ng aming pagsasayaw. At bagamat nasa ganoon akong kalituhan sa kanyang mga ikinikilos, may kiliti akong nadarama. At dahil sa init na dulot ng alak sa aking katawan, tila lalo pa itong nag-aalab.
“Inom pa tayo...” ang sambit niya. Binitiwan niya ng pagyakap sa akin at tinungo muli ang alak at tinagayan ang baso ko at ang baso niya.
At sa pagkakataong iyon, hindi ko na nagawa pang umayaw. Uminom uli ako. Sinabayan ko ang pag-inom niya. Hindi ko na mabilang kung gaano karami ang aking nainom.
Pagkatapos ay tumayo uli kami at nagsayaw.
Sa pagkakataong iyon, ang aming pagsasayaw ay mas naging wild pa. Mas mahigpit ang kanyang pagyakap sa akin, ang kanyang mukha ay idinikit-dikit pa sa aking mukha, sa aking leeg na para bang sinadyang ikiskis ang kanyang goatee at bigote sa aking balat.
At dahil sa mahigpit niyang pagyakap, ramdam ko ang kanyang bukol na sadyang ibinubundol-bundol niya ng marahan sa aking nag-uumigting na ring p*********i. Pakiwari ko ay niromansa na niya ako sa kanyang ginawang marahang pagkikiskis ng kanyang goatee sa aking leeg habang paminsan-minsan kong iniaangat ang aking ulo upang maabot ng kanyang balahibo ang bahaging ilalim na parte ng aking baba.
At maya-maya lang ay hinawakan na niya ang dulo ng aking t-shirt at hinila iyon pataas. Itinaas ko rin ang aking mga kamay upang bigyang-laya ang pag-alis niya ng aking t-shirt sa katawan.
Noong naalis na ito, muli niya akong niyakap.
Ramdam ko ang init ng aming mga katawan sa paglapat ng aming mga balat. Dinig na dinig ko rin ang kanyang paghinga, sa bawat paglabas-masok ng hangin sa kanyang bibig at ilong.
At nagparaya ako. Sinamsam ko ang sarap ng kanyang ginagawa habang ang aking kamay ay tila hindi mapakali sa paghahaplos pataas pababa sa kanyang likod na sinabayan ko pa ng mahinang pag-ungol.
Maya-maya ay uminom muli kami. Nakadalawang baso uli. Pakiwari ko ay lumulutang na ako sa ere. Ang saya-saya ko, ang gaan-gaan ng aking katawan na parang wala akong kapaguran. Hindi ko lubos maipaliwanag ang kasayahan na aking naramdaman.
Nagikit muli ang aming katawan. Sa pagkakataong iyon ay ako na lang ang yumakap sa kanya. Ang kanyang dalawang kamay ay inihahaplos-haplos na niya sa aking mukha habang ang kanyang mapupungay na mga mata ay nanatiling nakatitig sa akin.
“Gusto mo ako, ‘di ba?” ang malambing niyang tanong.
At halos kasabay sa aking pagtango ay ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking mga labi.
Tuliro ang isip, lango ang utak sa alak, sinuklian ng aking mga labi ang mapusok niyang mga halik.
Hangang sa itinulak niya pababa ang aking ulo. Pinaliguan ko ng halik ang kanyang leeg, ang kanyang mtipunong dibdib, ang kanyang abs patungo sa kanyang pusod, sa ibaba noon, at sa... kanyang p*********i.
At sa puntong iyon ay sinumulan naming lasapin ang nag-uumapaw na init ng aming mga katawan. Hanggang sa sabay naming naabot ang ruruk ng kaligayahan.
Alas 7 ng umaga nang ako ay nagising. Noong una ay disoriented pa ang aking isip lalo na sa pagkakita ko na iba ang aking higaan at may katabi pa akong lalaki. Ngunit noong naalala ko ang nangyari sa nakaraang gabi, napangiti na lang ako. Ramdam ko pa ang tamis ng aming pagtatalik ni Marlon.
“Arrggghhhhhh!” ang sigaw ko noong tinangka kong bumangon. Sobrang sakit ng aking katawan. Naalala kong sinadista pala ako ni Marlon sa aming pagtatalik. May dalang palo, may dalang kagat, may dalang pagnhahablot sa akinig buhok, may eksenang dinaganan niya ako, inipit ang aking ulo, tinapakan ng kanyang paa, pinulipot ang aking katawan... pinahirapan habang naaaninag ko sa kanyang mukha ang ibayong kasiyahan.
Inunat ko na lang muna ang aking katawan na parang nag warm up lang. Pakiwari ko ay para akong sumali sa fraternity at puro latay ang aking kalamnan.
“Yak! Yak! Gising! Late ka na sa trabaho mo!” ang paggising ko kay Marlon noong tuluyang nakatayo na ako.
“Hmmmm! Ano ba???” bulyaw niya, nainis sa aking paggising.
“May pasok ka pa!”
“Hayaan mo na. Ako naman ang boss. Walang problema.”
Hindi na lang ako kumibo. Tama naan siya, Boss nga siya kaya wala kaming paki sa trabaaho. “Uuwi na ako yak. Magbihis pa sa boarding house. Pagkatapos ko sa restaurant ay may pasok pa ako sa school sa gabi, may test pa kami.”
“Sige lang...” ang sagot niyang hindi pa rin natinag sa pagkahiga, nakadapa at nakikita ko pa ang umusli niyang hubad na puwet na hindi natakpan ng kumot.
Sa tuwa ko, tinampal ko ito.
“Hmmm!” ang reaksyon niya lang habang bahagyang iginalaw ang katawan.
Gusto ko pa sanag kapain ang harapan niya ngunit naalipin na ako ng hiya. Kung kaya ay dinampot ko na lang ang aking brief na nakalatag sa sahig at isinuot iyon. At kahit masakit ang katawan ay pilit na tinumbok ko ang kusina, naghanap ng pagkain sa refrigerator at naghanda ng almusal.
Nang mtaps na ako, binalikan ko si Marlon, “Handa na ang almusal Yak! Nakahain na sa hapag-kainan! Kumain ka na lang ha?”
“Uhhhm!” ang sagot niya lang.
Agad kong isinuot ang aking damit. Uuwi pa kasi ako sa boarding house, maligo atsaka magbihis.
Palabas na ako sa sala ng bahay ni Marlon noong may narinig akong kaluskos at ingay na di ko mawari. Parang pigil ito at naggaling sa isang kuwarto. Nahinto ako sandali. Pakiramdam ko tuloy ay nanindig ang aking mga balahibo, sumagi sa isip na baka may multo sa bahay ni Marlon. Pinakinggan ko ang nasabing ingay kung saan ito nagmula. Ngunit nawala rin ito kung kaya ay dumiretso na akong lumabas.
“Igan! Kumuta ang lakad? May nangyari ba?” ang pilyong tanong sa akin ni Ricky noong nasa restaurant na kami.
“Marami. Ang sagot ko. Pero mamaya ko na ikikuwento sa breaktime natin. Sasabihin ko sa iyo ang lahat.”
Magaalas 10 na noong dumating si Marlon. Pagpasok na pagpasok pa lang niya ay talagang nilapitan ako na nasa isang gilid na mesa habang kumukuha ng order sa customer. “Good morning Jassim!” abot-tainga pa ang ngiti.
“Morning!” ang maiksi kong sagot sabay talikod at noong nasa malayo-layo na, nilingon ko siya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko kasi alam kung para saan ang ngiti na iyon; kung talaga bang para pangumusta iyon o nang-aasar lang. Hindi naman siya ganoon talaga na mag-effort na lapitan ako, sasadyain at mag good morning. Ayaw nga niyang magpahalata na may special treatment siya sa akin sa panahon ng trabaho dahil hindi raw ito magandang tingnan sa kapwa ko empleyado. At ang isa pang napansin ko ay ang kanyang pabango. Hindi ko maintindhian ang amoy. Parang naghalo na amoy pawis at amoy freshener ng kubeta. At ang kanyang pananamit, nakamaong at t-shirt na gusot-gusot!
“Igan! Ano iyon? Napansin namin iyon ha?” ang sambit ni Ricky na nakangiti ang nasa isip ay malaswa.
“Ewan ko ba doon! Parang ang weird niya, ‘di ba? Parang ibang tao siya!”
“Oo nga! Napansin ko rin. At tingnan mo ang buhok, hinayaang magkawatak-watak. At hindi pa nag-aahit! Parang hindi pa naliligo.”
“Oo nga eh...”
“Hindi kaya nanumbalik na ang kanyang tunay na pagkatao?”
“Ewan ko lang. Pero hindi rin naman ganyan si James. Kahit guwardiya iyon, maalaga sa katawan, iyon, malinis, naka-gell nga palagi ang buhok noon, preskong presko tingnan na parang palaging bagong-paligo.”
“Owww? Bakit kaya siya nagkaganyan. At late pa siya huh! Hindi nali-late si Sir Marlon kailan man!”
Noong breaktime na, sinabi ko kay Ricky ang lahat ng nangyari sa amin simula noong nakarating kami sa aming lugar, ang pagpayag ng aking mga magulang na magpanggap, hanggang sa pagbalik na namin sa syudad, sa pagkabilanggo ko ng ilang oras at ang mga sinabi ng boss ng mga preso, ang pinagawa niya sa akin, at syempre, ang nangyari sa amin ni Marlon.
“Jaws koh! At dalawang lalaki ang natikman mo sa gabing iyon igan! Ikaw na talaga! Mamaya, sasaksakin ko ang Sophiyang iyan para mabilanggo rin ako at makaniig ko ang preso na sinabi mo! Iyan ang mga type ko igan eh. Iyang mga demonyo ang appeal at hayop sa s*x!”
“Nand’yan ka na naman, umatake na naman ang pagka manyak mo.”
“Paano naman. Ininggit mo ako! Bruha ka! Ang swerte-swerte mo!”
“Swerte ba iyon! Muntik na akong mamatay sa takot!”
“Iyan nga ang masarap eh.”
“Ikaw talaga. Ang concern ko lang ay ang sinabi ng boss ng mga preso na may nagpo-protekta raw sa akin! At mag-ingat daw ako!”
“E, ‘di mabuti. May concern siya sa iyo. Congrats! Pagkatapos ba naman niyang lapain ang iyong likuran dapat na magkaroon siya ng malasakit. Grasya din iyong dumalaw sa kanyang kandungan.”
“Tarantado! Ang ibig kong sabihin, sino iyong nagpoprotekta sa akin?”
“E, sino pa ba kundi si Marlon!”
“Malaking tao sa tingin ko eh. Malaking tao ba si Marlon?”
“Malay ko ba! Ikaw ang nakasubo eh!” Napatitig ako kay Ricky. Iyong may bahid ng pagkapikon. “Joke!” ang pagbawi rin niya. “At oo naman. Kilalang-kilala si Sir Marlon dito. At may mga malalaking pulitiko ring kaibigan iyan,” dugtong niya.
“G-ganoon ba? B-bakit niya ako po-protektahan?”
“Syempre, laban kay Sophia no! Alam niya na inapi-api ka ng babaeng may uwang sa utak!”
Nag-isip pa rin ako. Parang hindi kasi ako kumbinsido na si Marlon ang nagpo-protekta sa akin eh. “At alam mo, kagabi... habang nagtatalik kami, pakiramdam ko ay hindi talaga siya si Marlon.”
“Oww? Bakit mas lumaki ba o lumiit?” ang biro uli ni Ricky.
“Ricky ah!”
“Ay... gusto ko lang ikaw na tumawa Igan eh. Masyado kang serious. Huwag masyadong serious. Sige ka, masisira ang flawless mong ganda. O sya, ano ba iyong napansin mo pa?”
“Grabe siya kung makapag love-making! Parang hayop! Pakiramdam ko nga ay parang nagkapasa-pasa ang buo kong katawan sa ginawa niya. Pinapalo ang puwet ko, hinahablot ang buhok, halos magkabali-bali ang buto ko sa ginawa niya. Kinakarga, tinira haban nakatiwarik ang aking katawan, tinatapakan pa nga niya ang ulo ko habang tinira niya ang likod ko eh.”
“Huh! Talaga? Ang sarap naman!”
“Tange! Mahirap! Masakit! Kala ko mamamatay na ako. Buti na lang lasing ako.”
“Eh baka sabik na sabik siya sa iyo kaya ganoon! Baka nanumbalik na ang alaala niya?”
“Ewan ko lang. At may napansin pa ako...”
“Ano?”
“May tattoo siya sa umbok ng kanyang puwet, sa kaliwa, hugis scorpion.”
“Kailan mo lang napansin ang iyan? Kagabi lang o sa bahay pa ninyo sa probinsiya?”
“Kagabi lang.”
“Ibig sabihin wala pa ang tattoo noong nagsama kayo sa probinsya kahapon?”
“Hindi ko alam. Hindi ko nakita eh. Hindi naman siya naghubad doon. At si James talaga, walang tatoo. Nag-aalangan na tuloy ako sa kanya. Baka hindi siya si James!”
“Malay mo baka nagpatatoo na siya bago lang. Wala naman kasing nakakakita sa katawan niyang si Sir Marlon eh. Palagi namang naka-long sleeves iyan kapag pumapasok sa opisina. O baka, si Sophia ang nanghikayat sa kanya na magpatattoo, o pinagawan ng tinatooan ni Sophia upang hindi maangkin ng kamag-anak dahil may proof siya na may tattoo iyang si Marlon. Baka ipinagawa niya habang nasa ospital pa si Sir Marlon nang pagkatapos niyang damputin ito mula sa bangin sa pagkaaksidente!”
“Sabagay... posible.” ang sagot ko na lang.
Nalito talaga ako sa ipinakitang kaibahan ni Marlon. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isip. Dagdagan pa ang aking pagkabilanggo at ang sinabing iyon ng boss ng mga preso.
Dahil may pasulit pa ako sa school kinagabihan, hindi na kami nagkausap pa ni Marlon. Nag-aral ako saglit at dumiretso na sa school.
Kinabukasan, hapon na noong dumating sa opisina si Marlon. At ganoon pa rin ang kanyang ayos. Parang galing lang sa wet market at namili ng isada at gulay. Takang-taka talaga kami sa kanyang inasta. At ang isa pang ipinagtataka ko sa paglipas pa ng ilang araw ay hindi na siya nagyaya pa sa akin na lumabas. At hindi lang iyan, kitang-kita namin ang pagiging mas malapit at pagka-sweet niya kay Sophia na halos maghahalikan na lang sa aming harapan.
Sobrang sakit ang aking naramdaman.
At doon na gumuho ang aking mundo noong nagpatawag ng meeting si Sophia at may announcement: “Sa darating na buwan ay magpapakasal na kami ni Sir Marlon ninyo!”
Nagkatinginan kaming lahat. Halos kaming lahat any napa, “OMG!”
Tiningnan ko ang reaksyon ni Marlon. Nakangiting-aso siya. At nang nagkasalubong ang aming mga mata, sadyang inakbayan pa niya si Sophia.
Hindi ko rin natagalan ang eksenang iyon. Naalimpungatan ko na lang ang sariling tumayo at umiiyak na nagtatakbo palabas sa meeting room...
(Itutuloy)