Tacenda’s Point of View “W-What are you saying?” nauutal kong tanong matapos marinig ang biglang naging sagot niya sa simpleng katanungan ko lamang. Anong pinagsasabi niya? Nanatili ang tingin niya sa akin. Kung ako ay gulat na ang reaksyon na nakabaling sa kanya, siya naman ay sobrang seryoso na. Parang nagkapalit lang tuloy kami matapos ang ilang minuto lamang. Nandito na naman ang pagiging seryoso niya. Hindi siya sumagot. Pinagmasdan niya lamang ang buong mukha ko na tila ba’y sinusuri niya ang buong pagkatao ko. Nagtagal pa iyon ng ilang sandali bago siya biglang tumayo. “I’ll help you to cook,” sabi niya bago naglakad patungo sa kusina ng condo ko kaya naman ay agad akong sumunod dito. “Where did you learn how to cook?” muli na naman tanong nito. Masyado na yatang curious

