Tacenda’s Point of View “You know that it’s going to be a mistake, Tacenda!” bulyaw sa akin ni Jespy. “Alam mo, hindi ba?!” Napabuntong hininga ako sa lakas ng boses niya na siyang umaalingawngaw sa rooftop. Hindi ko hinayaang mag-usap kami ni Jepsy sa office dahil baka ay may makarinig sa amin kaya naman pagkatapos ng shift ay dumeritso na kami sa hideout upang doon pag-usapan. Kailangan namin maging maingat pareho dahil kung mahuli ang isa, paniguradong sunod-sunod na ang lahat. “I know, Jespy,” malamig kong tugon sa kanya. “Eh ayon naman pala e! Alam mo naman pala pero tinuloy mo talaga? Really, Tacenda?! Alam mong mali pero tinuloy mo pa rin?!” “It’s part of the plan--” “No! It’s not part of our plan, Tacenda!” Hindi ko na natatapos ang sasabihin ko dahil mabilis itong suma

