Tacenda’s Point of View “Sabi ko naman sa ‘yo ako na lang ang pupunta roon,” rinig kong sabi ni Mr. Amalano mula sa earpiece na suot ko. Kasalukuyan akong nasa loob ng comfort room kung saan ay doon ako nagtago upang hindi ako makita ni Liam at Draven. Noong papalapit na papalapit sila sa amin, nagpaalam ako kay Mr. Augusto na gagamit ako ng rest room na agad naman akong pinayagan kaya heto ako ngayon. Mabuti na lamang at agad kong nakonekta ang earpiece sa phone ni Sir Augusto kaya kahit na wala ako roon, alam ko kung anong pag-uusapan nila. “Aalis din naman ako kaya dumaan na ako,” seryosong tugon ni Mr. Augusto. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mr. Amalano. “Hindi pa tayo pwedeng sumagawa ng kung anong galaw sa ngayon.” “I’m also planning about that. I know Ocampo. Sigurad

