OUR STRINGS -1

2001 Words
"Icai, kumain kana.." napatingin ako kay Tita Salve ng tawagin ako. Nakaupo ako sa sala, naghihintay sa pagdating ni mama o papa. "Hihintayin ko po si Mama... Oh kaya po ay si Papa..." pumiyok ang boses ko. Birthday ko ngaun at labing tatlong taon gulang na. Anak ako sa labas ng Mama at Papa ko. No one wants me to be with them dahil masisira ang kanya kanya nilang pamilya. May asawa ang Mama ko at may asawa na din ang Papa ko. Walang nakaka alam na anak ako ng isang sikat na Fashion Designer at isang Senador. Of course, kung may makakaalam man nito ay masisira ang pangalan nila na kanilang pinangalagaan sa mahabang panahon. Binibigay nila ang pangagailangan ko pero wala silang oras para sa akin. Si tita Salve lang ang nag alaga sa akin mula bata pa ako. Panganay na kapatid siya ni Mama at siya na din ang tumayong nanay ko. Nakita ko ang malalim na buntong hininga niya. Halata ang pag aalala at lungkot sa mga mata ni tita Salve para sa akin. "Nako.. Baka hindi sila makapunta. Alam mo naman madami silang ginagawa diba?" salita niya sabay upo sa tabi ko at malamyos na hinimas ang buhok ko. Tumitig ako kay tita Salve at pinilit maging matatag at masaya. Ayoko naman masayang ang hinanda niya. Alam ko naman na tama siya. Ilan birthday ko na ba ang hindi manlang naalala ng mga magulang? Kahit ako ay hindi ko na ito matandaan. "Tita, baka po kasi ngaun bigyan nila ng panahon ang birthday ko. Kahit po isang salo salo lang.. O kahit sandali lang.." sagot ko. Pinanatili kong malamig ang expresyon ko kahit ang totoo ay ang sakit ng nararamdaman ko. Nakukuha ko ang lahat ng materyal na bagay mula sa magulang ko pero hindi ko makuha yung kalinga at pagmamahal mula sa kanila. Minsan, naiisip ko na sana ay hindi nalang nila ako binuhay kung pagkakamali lang ang tingin nila sa akin. Palagi nalang sinasabi sa akin ni tita Salve na mahal ako ng magulang ko pero bakit hindi ko maramdaman? Kung mahal nila ako bakit ako mag isa? Nasaan sila? Ganun ba ang pagmamahal? "Tadaaa!" sabay kaming napatingin ni tita Salve kay Alice na bigla nalang lumitaw. Ang kaninang sasabihin ni tita Salve ay biglang nawala. "Oh, bakit malungkot ang kapatid ko?" humagikgik si Alice kaya bigla akong napangiti kahit papaano. Mas matanda sa akin si Alice ng dalawang taon at magkapit bahay lang kami dito sa subdivision. Limang taon gulang palang ako ay kaibigan ko na siya. Kagaya ko, palagi din wala ang mga magulang niya dahil sa trabaho kaya kami na din ni tita Salve ang naging pamilya niya. "Kumain kana ba, Alice?" si tita Salve ang sumagot kay Alice. "Tita naman, kaya nga po ako nandito para makikain. Tsaka, birthday kaya ni Icai!" masiglang masigla si Alice. Kahit kailan ay hindi ko iyan nakitang malungkot o mahina. Sa amin dalawa, siya palagi ang nagpapaintindi sa akin kung bakit mag isa ako at iniwan ng magulang. Positive thinker yan, e. Palagi nalang niyang tinitignan yung bright side even when in reality, everything is dark for the both of us. "Happy birthday.!!  Ayiee.. Dalaga kana! Ano? Nireregla ka naba?" walang prenong salita niya kaya pinamulahan ako ng pisngi. Si tita Salve ay halatang nagulat din sa sinabi niya. Pero dahil sanay na siya kay Alice ay napangiti nalang ito at umiling. "Nako! Kung ano ano ang lumalabas sa bibig mong bata ka! Tara na Icai, kumain na tayo." tinayo ako ni tita Salve kaya tumayo na din ako. Si Alice naman ay kinawit ang braso niya sa braso ko. "Punta tayo sa clubhouse mamaya ha." bulong niya sa akin. Kumunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Ano ang gagawin natin don'?" Nagtatakang sagot ko. Mahina siyang humagikgik at tumingin muna kay tita Salve bago bumaling sa akin. "Nandoon kasi yung mga player ng basketball ng LSU. Dami kasing gwapo dun.. Alam mo na.." mahina siyang natawa kaya napailing ako. "College na ang mga iyon!" sagot ko. Sumimangot si Alice na tila ba naasar sa sinabi ko. "Eh ano naman? Hindi ko naman sinabi mag aasawa na tayo. Kaya nga titignan lang natin sila diba?" sagot niya tsaka umirap. "Nakakahiya!" sagot ko. "Tse!basta pupunta tayo." sagot niya sabay upo sa dining tabe katabi ni tita Alice. Tahimik kaming kumain ng sabay sabay. Panay pa nga ang pangaral ni tita Salve sa amin na pag aaral ang atupagin namin. Hindi naman ako nagsasalita dahil pag aaral naman talaga ang inuuna ko. Si Alice naman sa tapat ko ay halos mabilaukan na sa pangaral ni tita Salve sa amin. "Ang sarap niyo talaga magluto tita! The best!" si Alice na halos hindi na makahinga sa dami ng nakain. "Nako! Matakaw ka lang talagang bata ka." natawa si tita. Napangiwi si Alice. "Grabe naman si tita.. Dito lang naman ako nakakain ng ganito kadami." Umarteng nasaktan si Alice sa sinabi ni tita. Minsan naisip ko na may career talaga si Alice sa pag aartista. Umiling nalang ako sa sagutan nila. Para na din kasing anak ang turing ni tita kay Alice at para na din nanay ni Alice si tita Salve. Masayang masaya kami sa hapag kainan dahil sa presensya ni Alice. Somehow, natutuwa naman ako dahil alam kong nandito sila para sa akin. Sabagay, sabi nga nila.. hindi mo naman makukuha lahat ng gusto mo. That's reality. Pero diba realidad din naman na mahalin at kalingain ako ng mga magulang ko kahit ngaun lang? " Tara na!" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Alice. Kumunot ang noo kong napabaling sa kanya. "Ha?" Nagtatakang sagot ko. Madramang umirap si Alice at inayos ang bangs niya na medyo nagulo. "Diba sa clubhouse? Haler? Earth to Icai!!" Marahan niyang hinampas ang ulo ko kaya napanguso ako. "Sabing ayaw e," ngumuso ako. Ang totoo kasi ay wala naman akong planong sumama sa kanya. At hanggang ngaun umaasa pa din ako na dadating si Mama at Papa. Huminga ng malalim si Alice at niyakap ako. "Alam kong hinihintay mo sila, Icai."Ginulo pa niya ang buhok ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin ng harapin niya ako. "Kahit ngaun lang. Isipin mo ang sarili mo. Yung ikaw lang." Salita niya. Tulala ako ng ilang saglit bago napag isipan na tama siya. Bakit ko ba pinapatay ang sarili ko kakahintay sa mga taong hindi naman ako naalala? Mahal ko ang magulang ko pero minsan ay napapagod na din ako. Napapagod na sa pambabaliwala nila sa akin. I decided to come with Alice. Nagbihis ako ng tshirt at short. Medyo nagalit pa nga si Alice sa suot ko. "Nu ba yan! Para kang magwawalis sa bahay." Reklamo niya habang naglalakad kami papunta sa clubhouse. Binalewala ko nalang ang mga salita niya dahil sanay na ako sa kanya. Panay ang talon ni Alice, habang naglalalakad. Tahimik naman ako sa gilid niya at paminsan ay nagpapakawala ng buntong hininga. "Labing apat." Salita ni Alice kaya naagaw niyang atensyon ko. Kumunot ang noo ko habang naiiling siya na natatawa. "Daming buntong hininga ah." ginulo niya ang buhok ko. Lalong kumunot ang noo ko. "Nabilang mo?" Para akong tanga nagtanong. Humalakhak si Alice. Natigilan kami dahil sa hiyawan. Para bang may kung anong sumanib sa kanya na bigla nalang naging sopistikada. Nagtataka man ako sa kanya ay napatingin nalang ako sa mga kalalakihan sa court na naghihiyawan. "You always nailed it Raj."sigaw nila na tila ba sayang saya. Sa gitna ng pagtahimik namin ni Alice, bigla nalang nasa amin dalawa na ang atensyon nila. "Nandito ka!" Salita ng isang lalaki habang nakatingin kay Alice na akala mo ay naging statwa. "Nandito ka din Rome!" Namula ang pisngi niya. Kasunod ni Rome ay si Kaio at Raj na kaninang pinagkakaguluhan. I know Kaio. Who would not know him? Isa ang pamilya niya sa pinaka-mayaman sa school. Namumukhaan ko nga din yung Raj na tinawag niya. Ang alam ko ay boyfriend iyan ng kapatid ni Kaio at Mayor ng university council. Ngumiti si Raj ng magtama ang paningin namin. Sa hindi ko alam na dahilan ay parang tumigil ang  mundo ko sa isang inosenteng ngiti niya. "Hoy Gotica!" Nahihiya akong bumaling kay Alice na halos sigawan na ako . "Ano ba iniisip mo?" Bulong niya. Napatingin ako sa kamay ni Raj na nakalahad sa harapan ko. "Hello."  Nahihiyang sagot ko sabay abot ng kamay niya. Bahagyang natawa si Raj. Nakaramdam ako ng matinding hiya at pamumula ng mukha. "Ang cute mo." Kumindat siya sabay gulo ng buhok ko. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Ang pag iinit ng pisngi ko ay lalong nagliyab. Para akong dahon na nakalutang habang tinatangay ng hangin sa kawalan. "Hoy! Minor yan! Kaibigan lang walang landian ha!" Sigaw ni Alice. Natawa silang lahat. Gusto kong tapalan ng bato ang bibig ni Alice para mailigtas ang sarili ko sa  kahihiyan. Tumawa ng malakas si Raj. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at bahagyang pagka-insulto. "Of course, Alice. She's a little sister to me." He genuinely smiled at me sabay gulo sa buhok ko ulit. Wala akong masabi, parang may bara ang lalamunan ko na hindi magawang maglabas ng salita. "Better be clear." Sagot ni Alice sabay akbay sa akin. Halos kaladkarin niya ako. Hindi ko alam bat nakakaramdam ako ng ganito. It's so foreign and I don't know how to lable it. Sa katangahan ko ay nadapa ako. Nanlaki ang mata ni Alice at hindi nakagalaw. Ininda ko ang sakit ng tuhod ko at halos magmura sa kahihiyan. Walang nagsalita sa kanila. Tila ba takot na pagtawanan ang nangyari. "Take my hand." Napatingin ako kay Raj habang nakalahad ang kamay sa akin. Pumikit ako ng mariin habang inaabot ang kamay ko sa kanya. Seryoso at puno ng pag aalala ang mga mata niya. Pinagpagan niya ang tuhod ko na nagkaroon ng buhangin at maliit na sugat. Ang t***k ng puso ko ay hindi ko na maintindihan. "Ops!sabi ko na seyo walang landian ah."inagaw ni ako ni Alice sa kamay ni Raj. Hindi kumibo si Raj. Seryoso ang mga mata niya at puno ng pag alala nakamasid sa akin. Umiwas ako ng tingin ng kumirot ang tuhod ko. Damn it! Nakakahiya! Tuluyan na akong nagpahila kay Alice bago ko pa hilingin na kainin ako ng lupa. "Bakit ka ba kasi nadapa?" Salita ni Alice habang hila hila ako palayo. Alam na alam ko na pulang pula ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Rajan's presence was an impact to me. Pakiramdam na ngaun ko lang naramdaman. Yung para kang kandila na sinindihan at mabilis lang na nauubos. The feeling is so foreign. Nagkagusto na ako sa iba pero hindi ganito ang naramdaman ko. All of them was only admirations. This is new. Aside from admiration, may bahagi sa akin na gustong gustong hawakan siya at maging parte ng mundo niya. Umiling ako. My God, Gotica! Ano ba iyan pinagsasabi mo? "I tripped! Ano magagawa ko?" Sagot ko na hindi makatingin. Nanliit ang mga mata sa akin ni Alice. "Sus. Crush mo noh?" Salita niya sabay ngisi. Hindi ko pa din siya matignan alam ko na nanatili ang pamunula ng aking pisngi na lalo pa yatang lumala. "H--indi," I said stuttering. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. "Mabuti naman, he's too old for you." Sabi ng kaibigan at nagpatuloy maglakad. Sumunod ako kay Alice na diretso pa din ang lakad. Crush? Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meaning ng crush but I know it's not just that. There is something bigger inside me. Well maybe, tama nga si Alice. I can't feel that level because in the firs place, malayo ang agwat ng edad namin ni Raj. "Hoy! Ano ang tinutunganga mo jan?" Sigaw ni Alice kaya napasinghap ako. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa pag iisip ng bagay na hindi ko naman dapat intindihin o isipin. Umiling ako at kinalma ang sarili. Nagsimula akong maglakad palapit kay Alice, sabay alis sa aking kaisipan ang imahe ni Rajan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD