Gabi na nang umuwi si Raj lastnight. Ayaw pa nga niyang umuwi pero literal ko siyang pinagtabuyan.
Masyadong needy. Inaruga ko na at lahat siya pa ang nanunumbat. At isa pa sa kinaiinis ko sa kanya ang paulit ulit niyang sinasabi na paghihiwalayin niya kami ng boyfriend ko daw.
Umiling ako ng paulit ulit sa kaisipan na pinagseselosan niya si Riley. In time may be, sasabihin ko sa kanya at ipapakilala ang sinasabi niya na lalake ko daw.
Ugh! And why do I need to explain myself to him? I owe him nothing. Hindi naman kami at hindi magiging kami. Hindi ko alam kung ano ang plano o ginagawa niya pero may parte pa din sa akin na takot ng maniwala.
Binuksan ko ang glass door sa balcony. Papasikat na ang araw at kitang kita ko mula dito ang nagtatayugan na mga building. Mausok na kalsada at maiingay na sasakyan.
Mag aalas sais 'y medya na at tamad na tamad akong gumalaw. May klase ako ngaung umaga kaya hapon pa ang punta ko sa Ibanez para magtrabaho naman.
Sa ilan buwan ko sa Ibanez at mga ginawa, nasasanay na ako pati ang katawan ko sa broken scheds ko. May araw na mahirap pero kinakaya ko.
Living in the city demands high cost of living. Hindi ako pwedeng tatamad tamad dahil papasok na rin si Riley sa darating na pasukan.
Umupo ako sa upuan at hinigop ang kapeng tinimpla. I was about to call my son when a message suddenly popped up.
From Unknown number
- Goodmorning. I will fetch you later.
Kumunot ang noo ko at bahagyang kinabahan. Hindi ko man kilala ang nag-message ay duda ako kung sino ito.
Me
Sino ka?
I still need to confirmed it. Baka mamaya ay isipin nitong nagmessage na nagmamaganda ako.
From Unknown number
- Raj.
Ngumuso ako ng mabasa ang reply. Masyadong maikli pero ang laki ng impact. Hindi na din ako nagtaka kung kanino niya nakuha ang number ko. He has his ways and connection.
Me
Hindi kita service. Will you stop bugging me?
Sagot ko. May parte kase sa akin ang napepressure kapag nandyan siya at malapit sa akin. I know I shouldn't feel that way pero hindi ko talaga magawa. Pag dating talaga sa kanya, big deal iyon palagi sa akin. Ganun pa man, sinave ko pa din ang number niya sa phone ko.
From Raj
I want to be your service. I want you. I want you to own me as much as I want to own you.
Reply niya. Tumunganga ako sa cellphone ko. Napailing ako habang nagingiti. He's older than me but he's acting like a highschool baby. Seriously?
Me
Ang korni mo! Tigilan mo nga ako!
Sagot ko. But then, hindi ko mapag kaila na kinilig ako. I never entertained any guys nung nasa Australia pa ako. Kahit nga si Raffy noon na vulgar nang sinasabi at pinaparamdam ang damdamin sa akin ay binabara at binabalewa ko.
Siya lang talaga ang nakakapagbigay ng langit sa akin.. Nawala ang ngiti ko sa naisip. Raj can give me the heaven feeling as well as hell. Siya lang talaga.
Ang daya daya ng mundo! Bakit kung sino pa yung taong nanakit sayo ng paulit ulit. Siya pa din yung taong gusto mong balikan at piliin ng pa-ulit ulit.
From Raj
-that's something I couldn't give you.
Lalong humataw ang puso ko sa bilis ng t***k! Umagang umaga ka naman Raj! Now what? Kailangan ko mas maging ma-ingat. Now that Rajan believes that I'm into someone else ay baka malaman niya ang tungkol sa anak namin.
Hindi pa ako handa. At kailangan ko din ihanda si Riley sa mga posibilidad na mangyayari. I know my son will understand. Ang hindi ko alam ay kung si Raj at mama niya at mga tao sa paligid ay maiintindihan.
I was his secret! This is a bomb to everyone if ever.
Nang matapos ako mag kape ay nagsimula ako sa buksan ang laptop. May pasok na ako at kailangan ko nang mag handa.
Hindi ko na nireplayan si Raj kaya hindi na din siya nagreply. Mabuti na iyon. Masyado niyang pinapasok ang sistema ko at kinakain ako nito. Ayoko non, ayokong mawala sa focus. Ayokong mawala yung priorities ko na dahilan kung bakit ako nandito at bakit ko ito ginagawa.
May ilan minuto pa bago magsimula ang klase. Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Pupunta sana ako sa kitchen ng may nag doorbell.
Natahimik ako saglit at natigilan. Sino naman ito? Wala akong inaasahan bisita o ano. Kabang kaba ako papalapit sa pinto.
"Goodmorning! Is Gotica Dior Gatchalian is here?" Sagot ng lalake na mukhang food delivery. Napatingin ako sa paper bag na hawak niya. Lalong kumalam ang sikmura ko sa amoy ng pagkain.
Alam na alam ko ang amoy nito. Hot chocolate at bagel.
"Why?" Tanong ko.
Ngumiti ang lalake delivery.
" Delivery for her, maam." Inabot niya sa akin ang paper bag. Wala sa sarili ko itong tinanggap. May pinapirmahan lang sa akin ang lalake at tuluyan ng umalis. I don't need to ask kung kanino ito galing. Kanino paba?
Pinatong ko ito sa tabi ng laptop. Huminga ako ng malalim at tinikman ang bagel na mainit init pa.
Pumikit ako sa sarap at lambot ng tinapay. This is better than before sa school namin. Even the hot chocolate will give you warmth. Nostalgic feeling envelopes me. Somehow, I may say that this is really our thing.
Sampung minuto pa at magsisimula na ang klase. Halos paubos na din ang bagel at hot chocolate. Busog na busog at tyan ko.
My phone rang suddenly. Si Riley. Tinapos ko nguyain ang huling kagat ng bagel at sinagot ang tawag.
"Mama! How are you? You are going home tomorrow.. right?" Bungad ni Riley sa kabilang linya kaya ngumiti ako.
"I'm fine. Yes.. ofcourse, baby. I'll be home tomorrow. " sagot ko. Narinig ko na sinigaw pa ng anak kay Raffy na uuwi ako. Raffy said something pero hindi ko na naintindihan.
"How are you? Kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya. May kung ano na naman silang pinag aawayan ni Raffy kaya napailing nalang ako. Sila yung tipong laging mag ka-away pero hindi naman kaya na hindi magkasama.
"Yes po. Tito Raffy cooked pancake mama." Masiglang sagot ni Riley. Tumango ako.
"Really? Was it good?" I asked Riley.
Saglit na natihim ang anak na tila ba nag iisip.
"No! Still the same. Plain and burned." Sagot ni Riley. Natawa ako ng malakas. Na-iimagine ko pa kase ang pag nguso ng anak pati ang pagpilit niyang kainin ang pancake para wag lang masaktan ang feelings ni Raffy.
"Hoy ano yan! I did cook better this time!Ikaw talagang bata ka! Inaruga na kita siniraan mo pa ako sa mama mo!" Sigaw ni Raffy na medyo malapit na yata kay Riley. Lalo akong natawa sa kanila.
"That's true. You taught me not to lie tito. Why are you lying to mama?" Seryosong seryoso salita ni Riley kaya mas lalo akong natawa sa pagiging inosente niya.
Dinig na dinig ko ang hinaing ni Raffy sa anak hanggang nag-away na naman sila.
"Bye mama yabyu!" Sagot nalang ng anak hanggang nawala ang tawag. Ngumuso ako. I loveyou too Riley.
Simula na ng klase ko. Nagulat pa ako ng may 10 missed calls si Raj sa akin. Seriously? Hindi na niya ako kinulit at wala na din siyang message sa akin. Somehow, hindi ako maka-focus kakaisip sa tawag ni Raj.
But then, like the other days.. madami na naman activities at kung ano anong pinagawa ang mga professor namin. Karamihan nga sa mga kaklase ko ay nag rereklamo pero wala naman kaming magagawa. Kailangan pa din namin tapusin ito at gawin.
Mayroon binigay sa amin task na hindi ko makuha ang kinalaman sa kurso ko. It's more on measurements and angles. Ano naman malay ko don? Besides, math is not really friendly to me eversince.
Problemado ako ng matapos ang klase. Kailangan ko kase isubmit iyon sa lunes at wala akong idea kung paano ito sisimulan.
Nang matapos ang klase ko ay nagpahinga ako saglit. Maya maya naman ay kailangan ko pumasok sa Ibanez. Ang sabi kase ni sir Brent ay may importante meeting ngaun sa office at kailangan niya ako.
Hindi pa naman ako gutom pero hindi ko alam kung bakit ako naghahanap ng pagkain. Naubos kase ni Raj ang adobo na niluto ko kagabi. Well, it's satisfying to watch him na nagustuhan niya ang niluto ko.
Inayos ko nalang ang sarili. Nang maayos ako ay bumaba ako para pumasok. I don't know what is wrong with me pero palinga linga ako.
Ugh! Umiling ako. This the reason why I don't want to get used of things. Kase kahit aminin ko man o hindi, nasasanay ako. Hinahanap hanap ko.
Hindi ko tuloy mapigilan ang pag usbong ng galit. Why you need to show it to someone kung hindi mo naman kayang panindigan?
Nasaan ang consistency and persistent? Hmp! Manloloko talaga at paasa! Natigilan ako! s**t! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Wala masyadong dumadaan taxi dahil katanghalian tapat. Oras ngaun ng tanghalian. Tumingin pa ako sa daan at napangiwi ng makita na tirik na tirik ang araw.
Luminga linga ako sa paligid pero wala talagang dumadaan. I was supposed to cross the street ng may humawak sa kamay ko.
"Hindi ka marunong mag hintay." Rajan's hoars voice echoed my ears.
Nanigas pa ako when he interwined his fingers on mine. Gusto ko ito bawiin gusto ko mag-reklamo pero sa simpleng hawak niya sa kamay ko ay naubos niya ang lakas ko.
Kahi ganun, hindi ko pinahalata ang epekto niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at kinunot ang noo. Pilit ko pang binabawi ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan.
"My god Raj, give my hand back!" Salita ko. Mabuti nalang at hindi masyadong matao. Kabang kaba ako. Sa itsura ni Raj ay maagaw talaga niya ang atensyon ng mga dumadaan!
"Bakit busy ang line mo kanina? I gave you food and waited for your gratitude but nothing came. Ako na nag adjust tawagan ka pero busy ang line mo for too long. Who were you talking?" Medyo galit niyang sabi.
Nalaglag ang panga ko sa kanya. Galit ang itsura niya pero humihiyaw pa din ng kagwapuhan ang mukha niya. Nasaan ang hustisya?
"Now what? Two timer ka!" He said. Nanalake ang mga mata ko. Pilit ko pa din binabawi ang kamay ko pero wala talaga. Masyado siyang malakas para mabawi ko ang kamay ko.
"Anong two timer ang sinasabi mo jan? Boyfriend ba kita? At bitawan mo nga ang kamay ko!" Salita ko. Pinipilit maging kalmado pero natatakot talaga ako. Medyo madami na din ang tumitingin sa amin at madami na ang dumadaan sasakyan.
"So may boyfriend ka nga?" He said again.
Bumuntong hininga ako at umiling. Here we go again. "I told you it's none of your business. You are crossing the line. At pwede bang bitawan mo kamay ko?" Sagot ko sa kanya.
Tinitigan niya ang mga mata ko kaya pinilit kong labanan ang titig niya. Sa huli, ako pa din ang nag iwas dahil hindi ko ito makayanan.
"Then why your phone was busy?" Ulit niya ulit. Seriously? Hindi ba siya makaka move on sa tanong niya na iyon?
"Nababaliw kana!" Pagalit kong sabi.
"Yes or no, Gotica?" He asked me again. But this time, wala nang humor.
"No. Happy kana?" Sagot ko sa kanya sabay irap. Nanatiling stoic ang mukha niya na hindi pa din inaalis ang titig sa akin.
"Now.. can you please let go of my hand?" Sabi ko sa kanya. Umiling lang sila at lalong hinigpitan ang hawak.
Ilan babae ang dumaan habang nagbubulungan. Hindi ko alam pero namawis bigla ako sa sobrang tense na nararamdaman.
"Raj, let go. Baka mamaya may makakita." Sabi ko ulit sa kanya.
"So? What's wrong if people will see us. Get use of it. Or you want me to call media?" Tumaas ang kilay niya sa akin. Lalo yata akong namawis sa sobrang kaba.
"This is blackmail!" Sagot kong iritado sa kanya. He chuckled sexily and winked at me. "Yes baby, this is blackmail." Salita niya at saka ako hinila palapit sa sasakyan niya. Ugh!