OUR STRINGS- 22

2054 Words
Pagod na pagod ako ng makauwi ako sa condo. Hindi din ako nakaalis agad sa sasakyan ni Raj. The reason why I got home is that dumating yung driver niya to drive his car and take me home. Nawala ang lakas ko sa nangyari. Kinain nito ang lakas para sa buong araw. Isama mo pa ang pag-aalala ko para sa kanya. Sumuko siya agad. He didn't explain anything to them. He just gave his both arm without explaining and such. Sumalampak ako sa sofa at pumikit ng mariin. Long time ago, Rajan's words was the only thing I dreamt about. Naalala ko pa kung paano ako humanga at paano ko siya pinangarap noon. Kung paano ako umasa na sabihin niya yung mga salitang lumalabas sa bibig niya kanina. Hindi ko maiwasan mangiti habang umiiyak. Naalala ko din kase kung paano niya ko paulit ulit sinabihan na hindi niya ako gusto. But now? How can I assure that he's telling the truth? All I can is  bitterness. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan ang anak. Sa panahon kase na pakiramdam ko ay mahina ako, si Riley lang ang laging tinatakbuhan ko. Isang tawa lang niya ay natatanggal lahat ng hirap at pagod ko. But then.. how can I tell Raj na may anak kami? Maniniwala kaya siya? Paano kung hindi? Ang daming tanong sa utak na hindi ko masagot. Sa huli.. takot ang nararamdaman ko. Takot para sa sarili at takot na masaktan ang anak ko. Sa estado ni Raj ay mukhang hindi niya ako titigilan. But some part of me is still believing that he might be gone again like he always do. Nakatitig ako sa picture sa cellphone ko na karga ko si Riley habang malaki ang ngiti namin. I was so determined to do everything para sa kanya. Ngaun, pakiramdam ko ay gusto kong sumuko na. I was going to dialed his number when my phone rang. Nagulat ako ng si Sir Brent iyon. "Hello?" Salita ko ng masagot ang tawag. I heard him laugh while someone is cursing near him. Hindi lang ako sigurado kung si sir Anton iyon. "What happened?" Natatawang salita ni sir Brent. Medyo naguluhan pa ako sa tanong niya at medyo maingay din ang kabilang linya. "Ano po ibig sabihin niyo sir?" Tanong ko. Hindi ko kase masyado maintidihan dahil mayroon nagmumura at naririnig ko din ang hagikgik ni Bree. "Sir?" Ulit ko pa. "Sorry, ano nangyare kay Raj? Diba kayo ang magkasama? He's all over the news." Salita niya. Pumikit ako ng mariin. Wala pa man isang oras iyon nangyare ay kalat na kalat na. See? Yan yung isang bagay na hindi niya maintindihan. "At nasa news na may kasama siyang babae. Careful next time,Gotica. The people in our world is very determined to hunt you down. To know that girl. Tinawagan kita to warn you. I don't care about Raj kase malulusutan niya iyon. Pero paano kayo ng anak mo diba?" He said. I even sense his concern. Tumango ako sa kanya kahit hindi naman niya nakikita. "I know it's been a long day for you. Call your son and take a rest. Bukas kana pumasok." He said then hang the phone. Ni hindi na niya ako hinayaan magsalita at mag explain. Nakakataba lang ng puso dahil kahit hindi kami magkakilala talaga ni Sir Brent, I can feel his genuine concern about me and Riley. Bahagyang nawala ang pag-aalala ko kay Raj dahil kay sir Brent. Alam ko naman na tama siya. Malulusutan ni Raj iyon. But then, a part of me still felt guilty. Maingay ang cellphone ko dahil sa text at messages sa f*******: ni Alice at Raffy. Kumalat talaga ang balita about kay Raj. "Ikaw ba yun kasama niya?" Tanong ni Alice ng masagot ko ang tawag. Wala talagang preno o paligoy ligoy ang babae na'to. How did they know na may kasama si Raj? Ugh! Nakita kami ng mga tao sa building ng Ibanez airlines. Kapag nagsalita ang mga tao doon. I'm pretty sure I'm dead. Yan ang bagay na ipapaintindi ko sa kanya na mukang hindi niya maintindihan. Isa pa, alam kong malalaman iyon ng mama niya. Of course, after my last encounter to her mom, sino ba naman ang hindi matatakot? "Hindi ako. Bakit mo naman nasabi na ako?" I innocently told Alice. Hindi naman sa pinapaki-alaman niya ako sa mga desisyon at gagawin ko. Sadyang nahihiya lang ako sabihin sa kanya ang mga bagay na alam kong masisira ulit ako. Madramang bumuntong hininga si Alice sa kabilang linya. "Good. Akala ko ikaw e. You should know better, Icai. At sa lahat ng desisyon mo, always remember Riley, okay?" She said reminding of something I'm missing these days. Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita. "Syempre naman." Sagot ko. Natutuwa ako kase kahit simpleng tao ako. Damang dama ko yung mga taong nagpapahalaga samin ng anak ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala sila sa buhay ko. "Sige, mag iingat ka jan." Binaba na ni Alice ang tawag. Bumuntong hininga ako at binaba ang cellphone ko. The last thing I knew is pagod akong nakatulog sa sofa. Sunod sunod na doorbell ang narinig ko. Napatingin ako sa relo at pasado alas kwatro na pala ng hapon. Marahan akong tumayo. Wala sa sarili akong pumunta sa pinto to open it. To my horror, si Rajan ito. Wala akong suklay. Wala akong ayos ng buhok. Literal na tumayo ako mula sa sofa at pagkakatulog. Hindi ko alam kung isasara ko yung pinto o mag aayos muna ako ng sarili. He looked okay though. Parang wala naman nangyari. Nagtaas pa nga siya ng kilay sa akin. "W-what are you doing here?" I said while stuttering. Tumaas ang kilay ni Raj sa akin. Tumingin ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag na wala naman tao sa labas. Marahan ko siyang hinila papasok sa loob ng condo ko. "I really don't know that you are this scared that people might see us." He said sounded offended. Umirap ako sa kanya. Tumalikod ako at pasimple na nagtanggal ng muta. "Shut up!" Sagot ko. Alam ko naman kase na kahit ano ang paliwanag ko sa kanya ay hindi niya ito maiintindihan. "Bakit ka nandito?" Tanong ko ulit. Umupo siya sa sofa at sinandal ang likod nito. Ang cute niya lang tignan dahil ang laki niyang tao para isiksik ang sarili sa maliit na sofa ko. "You owe me lunch. You promised to cook for me. I'm tired and hungry." Sagot niya sabay nguso na parang bata. Gustong gusto ko siya murahin sa inarte niya. Para siyang bata na nagmamaktol. At itong taksil na puso ko at humahataw na naman sa bilis ng t***k. "Why you didn't go home instead then?" Sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Wala talaga siyang hiya pag dating sa paninitig sa akin. Ganon pa din si Raj. Pero may mga bagay na nabago sa kanya at isa na ito doon. Isa sa mga bagay na hindi ako sanay na binibigay niya sa akin. Bumuntong hininga siya at hinilot ang bridge ng ilong niya. Nang magtama ang mata namin ay malamlam kaming nagkatitigan. "I'm home." He said without even blinking. Napanganga ako ng ilang segundo sa kanya. He chuckled sexily kaya tuluyan ko na siyang tinalikuran. Alam na alam kong pulang pula ang pisngi ko at mukhang hindi ito mawawala ng basta basta.  Tuluyan na akong tumalikod at pumunta sa maliit kong kitchen. Mabuti nalang at hindi na siya sumunod pa. Binuksan ko ang ref to find what to cook. Napahawak pa ako sa pisngi ko na alam kong hanggang ngaun ay nag iinit at namumula. Inalog ko ang ulo ko. You shouldn't feel that Icai! You should know better!paulit-ulit ko yan sinasaksak sa utak ko. At dahil manok lang ang available ko sa ref. Magluluto nalang ako ng adobo. Basta ko nalang pinusod ang buhok ko at sinimulan hugasan at partihin ang karne sa maliit na piraso. Nagsalang na din ako ng sinaing para kakain nalang mamaya. Nang maramdaman ko ang katahimikan ay hindi ako mapakali. Ano kaya ang ginagawa ni Raj? Bumalik ako sa sala to look after him. Medyo napakunot ang noo ko dahil wala siya kung saan ko siya iniwan. I calmed my self and walk through my room. Napansin ko kase na bukas ito. Nang buksan ko ito ay nakita ko siya nakahiga sa kama ko at wala nang pang itaas na damit. Nakapikit ang mga mata niya habang nakayakap sa unan ko. Hindi ko alam pero may parte sa akin ang napangiti nalang bigla. I took my phone and took a photo of him. Wala naman sigurong masama at hindi naman niya alam. Bumalik ako sa kitchen to finish everything. Kumalam din ang sikmura ko ng maamoy ang adobo na niluluto. I was supposed to wake him up when my phone rang. Napatingin ako sa oras at pasado ala sais na ng gabi. Si Riley ang tumatawag. Buong buhay ko, ngaun lang ako kinabahan sa tawag ni Riley. "Hi baby.." sagot ko sa kanya. Medyo discreet pa ako magsalita dahil natatakot akong marinig ako ni Raj o nasa paligid lang siya. I don't want him to question me kung sino ang kausap ko. "Hi mama! How are you? Bakit hindi mo ako tinatawagan?" He said. Nawala ang ngiti ko ng maramdaman ang pagtatampo sa boses ng anak ko. "I'm sorry. I'm just busy. I'm okay baby. How was your day though?" Tanong ko sa kanya. Saglit tumahimik ang anak ko sa kabilang linya. "Hmm, fine. I just miss you mama. When will you come home?" He asked again. Parang nadudurog ang puso ko sa munting boses ng anak. May mga panahon na ipaparamdam niya pa din sayo na bata pa siya at kailangan nang kalinga. Parang dinudurog ang puso ko kapag ganito ang anak. "The day after tomorrow. I'm sorry baby." Malungkot kong sabi. Rinig na rinig ko ang buntong hininga nang anak. "Okay then, mama. Yabyu!" He said. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. "Iloveyou more baby." And he ended the call. Pagod kong binaba ang cellphone na halos mapalundag ako ng lumitaw si Raj sa harapan ko. "So he's the reason why you want me to be a secret?" Salita niyang seryoso. Nagulat pa nga ako dahil medyo galit ang tono niya. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Secret? Ano sinasabi mo?" Tanong ko  at saka nilapitan ang niluluto. "That boy.. piniprotektahan mo siya. Ayaw mo makasama ako in public coz' he might know." Salita niya. Nakitaan ko din nang sakit ang mga mata niya. Napailing ako sa kanya. Kung alam mo lang kung sino ang kausap ko at ano siya sa buhay mo. Pero hindi pa sa ngaun. You need to learn. I need to know if you are really man enough to know our son, Raj. To deserve him. "Mali ang iniisip mo." Sagot ko. Nagsimula akong maghain ng pagkain. Hindi siya gumalaw. Pinag krus niya lang ang braso niya habang pinapanuod ako sa ginagawa. "Are you in a relationship, Gotica?" Tanong niya ulit. Nagpakawala ulit ako ng buntong hininga. "So what? If I am?" Tinitigan ko siya sa mata. Galit ang mga mata niya hanggang siya na ang nag iwas ng tingin sa akin. Umigting ang panga ng paulit ulit. I really don't know that he will be extremely pissed. I pushed his button huh? "I will make him leave you. I will hunt him down until he let go of you." Galit niyang sabi. Halos mabitawan ko pa ang plato na hawak ko dahil bigla akong kinabahan. Si Riley agad ang pumasok sa utak ko. "Shut up, Raj! Mind your own business." I said. Kahit kinakabahan ako ay nanatili akong kalmado sa harap niya. He chuckled devishly. " You are my business." "I'm not yours and will never be." Sagot ko na medyo iritado. Pinatong ko ang plato sa counter top at tinitigan siya. Nawala ang ngiti niya. All I can see in his eyes is loneliness and hurt. Naiinis naman ako sa sarili ko dahil gusto ko siyang amuin. Gusto kong bawiin ang salita ko pero natatakot ako. He then, turn his back on me at bumalik sa kwarto ko. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration! Seriously? Siya naman ang galit ngaun? At bakit ako pa ngaun yata ang manunuyo? Jesus!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD