"Aalis na ako, Astrid." salita ni nanay pagkatapos kung mag urong. Grabe lang! Tinambak lang nila lahat ng pinaggamitan nila kagabi dito sa lababo. Kaya nung nagising ako ay sumakit agad ulo ko sa dami ng kalat. Hindi ko pa mailigpit ang kalat sa sala kasi nandon si Rosie at kuya Jigs. Naiimagine ko pa nga ang magiging reaksyon nila pag nakita nila na magkatabi sila nakatulog. "Sige po, ingat po kayo.." humalik ako kay nanay na poker face na naman.. Hay nako! Yan talaga ang maagang ikakatanda ni nanay ang pagiging masungit. Akala ko pa naman okay na sila kahapon ni kuya pero parang ngaun hindi na naman. Nagtapis ako ng twalya para maligo na. Medyo maaga ako papasok at baka maipit na naman ako sa traffic. Pagbukas ko ng cr bigla akong napalundag sa gulat. Napahawak pa nga ako sa twaly

