Maaga akong nagising dahil papasok na ako ngaun sa opisina. Kahapon ay bumalik na ako sa online class ko at ngaun ang pagbabalik ko sa Ibanez. Noong nagdaang araw ay naging maayos. Everyday, Raj is proving me that it's worth it to fight for this time. Pati si Riley ay walang mapaglagyan ng tuwa ng malaman niya na ikakasal na kami ng papa niya. Nagtimpla ako ng kape at basta nalang ipinusod ang buhok ko. Medyo napuyat pa ako dahil halos umaga ng umalis si Raj mula dito sa condo ko. He insisted to pay for everything para hindi na ako magtrabaho sa Ibanez. Palagi niya kase sinasabi na hindi naman pera niya ang gagastusin ko kundi ang pera na iniwan sa akin ng tunay kong ama. I declined him always. Ayokong gumalaw ng pera na hindi naman akin. Besides, nandito pa din sa puso ko ang kagu

