"Ayos ka lang?" Halos mapalundag ako ng kalabitin ako ni sir Brent. Kakadating ko lang sa office dahil tinapos ko ang online class ko kanina. Hindi ko namalayan na nanatili pala akong nakatayo at nakatulala.
I was busy watching the spot where Rajan is always seating and resting. The spot where he is always sitting when he was always here.
Medyo lutang pa ako dahil may exam ako na hindi nasagutan kanina. Nitong mga nakaraang araw ay medyo literal na wala ako sa sarili. Ilang beses na din akong napagalitan ni sir Brent dahil sa mga mali sa trabaho. Marahil at nagsawa na siya kaya ganito siya akin ngaun.
"Ayos lang ako-o sir.." halos mag-kandautal utal ako sa pagsagot. Umiling si sir Brent sa akin at tinuro ang sofa. Umupo siya sa pang isahan upuan at ako naman ay umupo sa katapat na upuan.
"You are not okay. Is there something wrong? And lately, I've noticed that Rajan is not showing himself here. Ano problema?" Diretsong tanong niya. Dumikwatro pa siya at tinitigan ako. I can see his genuine concern about me.
Isang bagay why I'm staying here at Ibanez. They also made me feel like I'm their friend neither their family. Kahit kase malayo si sir Anton o si Bree, at times tumatawag sila para mangamusta sa opisina at ako na din syempre.
"Maliit na problema lang sir.." sagot ko sa kanya. Tumaas ang kilay sa akin ni sir Brent na tila ba hindi naniniwala sa akin.
"Maliit na problema.." inulit pa niya ang sinabi ko.
"It's doesn't look like small though. Tell me what's the problem." Sabi niya. Ngaun ay mas naging seryoso na siya at mas sinusuri na niya ako.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. I don't know if it is appropriate to tell him pero ano ba ang tama? Nahihiya ako sa nangyari sa akin. Nahihiya ako sa situation. I can't still stomach the thought that Rajan is my brother and we have a son.
It's disgusting and against the law. How could this thing happened to me again? At mas malala pa ito sa mga pinag daanan ko noon. Bakit ako binigyan ng ganitong buhay? Bakit ako nagmahal ng hindi naman dapat?
I want to blame the world for what happened to me. But then, at the end of the day. I realized that somehow, the pain that the world has given me is also the happiness I will always cherish.
"Do you know incest, sir?" Tanong ko sa kanya. Saglit na natigilan si sir Brent at tumaas ang kilay na tila ba malalim ang iniisip. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa. He burst out into laughters kaya napakunot ang noo ko sa kanya. He continued to laugh kaya umiwas ako ng tingin. Bigla akong nahiya sa sarili.
Part of me felt offeded. Here I am almost lost my sanity for fighting the battle I shouldn't be fighting. Naramdaman niya siguro ang pagtahimik ko kaya tumigil siya sa pagtawa.
"Sorry. I just remember Anton and Bree's story. You know.. the incest thingy." He said. Naging pormal na ulit siya ngaun.
Hindi pa din ako sumagot pero nakatingin na ako sa kanya. I hate the fact that he is reading me. Alam ko iyon. Sa halos isang taon ko dito ay nakilala ko na si sir Brent. He may look like not serious but he is indeed a good observer.
"You know what? Anton and Bree grew up as siblings. As in magkapatid. Magkasama sa bahay. Pinalaki ng isang magulang."salita niya. Napanganga ako sa kwento ni sir Brent.
Hindi ko alam iyon. So ano nangyare? Paano naging sila? Litong lito ako pero hindi ko maiboses ang nasa isip ko. Even if it's bothering me. Mas bother pa din ako sa situation ko ngaun.
"You know, they fell for each other. Hindi pa nila alam na hindi talaga sila totoong magkapatid ay minahal nila ang isa't isa." Kwento niya. He is still watching me. Alam kong nag iingat siya ng salita. Kahit na nagkukwento siya sa akin ay alam kong binabasa pa din niya ako.
"So now, what made you asked me if I know that thing?" Salita niya. Bingo! Alam na alam niya talaga mag pa ikot ng salita. Rajan is also like him. Kaya pala pareho sila matagumpay sa karera nila sa buhay. Alam nila kung paano lumaro ng maayos. They know how to speak properly and calmly in every situation.
"Rajan and I are siblings." Salita ko. Halos maibuga ni sir Brent ang kape na iniinom niya mula sa starbucks na dala niya. Napa- ubo pa nga siya sa sobrang gulat.
"How does it happened?" Tanong niya ng medyo nakabawi. Pero hindi pa din nawala sa mukha niya ang gulat. Literal na nawindang siya at hindi makapaniwala.
"Bumalik ang totoong mommy ko and we saw each other weeks ago. Then she revealed the truth. Na nakarelasyon niya ang daddy ni Raj at ako ang bunga." Sagot ko.
"Akala ko ba si former senator Gatchalian ang daddy mo?" Tanong niya. Umiling ako sa kanya. Pinipilit kong labanan na wag nang maiyak. Pero kapag itong issue na ito sa buhay ko ang pinag uusapan. Literal na nagiging mahina ako.
"Yun din ang alam ko sir e." Sagot ko sa kanya. Naniniwala ako mula pagkabata ko na si senator Gatchalian ang totoong ama ko.
My parents were so selfish for letting me live alone. Bakit nila ako pinabyaan? Kung alam ko ang totoo ay hindi ko hahayaan na mahalin ko si Rajan na kapatid ko pala. And worst of all worst is nag ka-anak a kaming dalawa.
But then, kahit anong pandidiri ang isaksak ko sa sarili ay may parte a akin na hindi iyon maramdaman. Nangingbabaw pa din sa akin ang pagmamahal ko sa kanya.
Nagagalit ako sa kanya because he knows but he still chose to be with me. That's indeed betrayal!
"Why is he not coming here?" Tanong ni sir Brent. Nagtataka man ako bakit ganyan ang tanong niya ay sinagot ko pa din. "I was mad at him for lying to me. So I said to him to stay away from me and Riley." Salita ko.
Hindi ko alam kung nakikinig ba sa akin si sir Brent o ano. Parang hindi naman.
"Do you feel any strings?" Tanong niya ulit.
"What do you mean sir?" Tanong kong medyo naguguluhan. Tumitig ulit sa akin si Brent. Binasabasa niya talaga bawat reaksyon ko sa bawat sagot ko. Pati na din ang nararamdaman ko ay binabasa niya.
"Being siblings. Ramdam mo ba?" Tanong niya ulit. Natigilan ako at pumikit. Inimagine ko ang imahe ni Raj pero wala akong koneksyon na maramdaman na magkapatid kami.
Ang tanging nakikita ko ay magkasama kami at masaya kasama si Riley. Hindi ko namalayan na tumulo na naman pala ang luha ko.
Nang dumilat ako ay walang halong emosyon ang mukha ni sir Brent. Walang awa o ano. Tanging seryosong mukha niya ang bumungad sa akin.
"No," sagot ko at sunod sunod na umiling. Tumango si sir Brent sa akin. Tila ba kuntento siya sa sagot ko.
"Trust your feelings. Just go and follow the process. I believe you and Raj will have a happy ending." Sagot niya. Lalo akong umiyak sa sinabi ni sir Brent sa akin. Tumayo siya at hinimas ang likod ko.
"Carry on, go with the flow. Maayos din lahat. Listen to him. Wag mo siya itulak palayo. Kug nasasaktan ka, what more siya? Just be there for each other. Kita mo! Sa huli, dalawa kayong pagtatawanan itong nangyayari. Being together will make you both stronger. Okay?" He said and left me. That was deep. Sa dami ng sinabi ni sir Brent sa akin, ang ending sa utak ko ay magkapatid pa din kami. Maybe, we will have our happy ending but not being together. Kase, kahit anong gawin ko. Hindi kami pwede.
Halos isang buwan na ang lumipas ng huli kong nakita o nagkabalita kay Raj. Minsan nga hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Naiinis ba ako dahil kapatid ko siya o naiinis ako dahl namimiss ko siya.
Simula din ng hindi nagpakita si Raj ay ang araw na hinahanap siya ni Riley. Walang araw na hindi siya hinanap ng anak namin. Nasasaktan ako dahil eto siya sa situation na kung saan ayokong maramdaman niya.
Riley is getting six next month. Sa murang edad ng anak ko ay may mga bagay siyang naiinitindhan at meron din hindi. Among all, he felt that Rajan rejected him.
Masama yata ang dulot ng pangyayari sa akin. Dahil minsan kapag makulit na si Riley ay napapagalitan ko na siya. I'm not like that. Hindi ako nagagalit sa anak. Mas itinatama ko ang mga bagay at pinapaintindi sa kanyan. Pero ngaun? Hindi mag function ng maayos ang sarili ko.
Minsan, nagkita ulit kami ni mommy pero nauwi lang sa sumbat. She's trying to make it up to me pero huli na yata. Imbes na ayusin niya ako ay lalo lang ako nasira.
"Icai, kain na." Sigaw ni Alice. Simula ng nalaman nila ang totoo ay hindi nila ako iniwan. Nag leave si Alice sa trabaho habang si Raffy naman ay hindi tinaggap ang hinihintay na trabaho. I don't understand why are they sacrificing that much for me. It's something to be grateful pero ayoko naman na palagi nalang sila nadadamay sa hanash sa buhay ko.
Nang hingi din ako ng leave sa school. Pati si sir Brent ay pinagpahinga muna ako sa pagtatrabaho. Literal talaga na huminto ang mundo ko ngaun. Hindi ko inakala na mas masakit pala yung pangalawang beses.
"Where is Riley?" Tanong ko sa kanila ng makita na wala pa ang anak sa hapag kainan. Bumuntong hininga si Alice. "Room, ayaw kumain. Hinahanap pa din si.." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil alam ko na. Sa araw araw ay ganito palagi ang eksena ni Riley. Gusto ko man paintindi sa anak ang nagyayari ay hindi ko magawa. Dahil ako mismo sa sarili ko ay walang maintindihan.
"Riley, lets eat." Salita ko ng makapasok ako sa kwarto namin. Bahagyang namumula ang mata niya at nagtalukbong ng kumot.
"Where is papa?" Sagot niya at nagsimula na naman humikbi. Natigilan ako ng marinig ang sakit sa hikbi ng anak.
"Riley!" Sagot ko. Imbes na sagutin siya ay tinaasan ko ang boses ko pag tawag sa kanya. Hindi pa din natinag ang anak. Hindi ko alam kung bakit nag init bigla ang ulo ko kaya padabog akong lumapit sa kanya at tsaka siya pinalo sa pwetan.
"I'm calling you! Lets eat." Matigas na sabi ko. Lalong umiyak si Riley at halos humikbi na. Natigilan ako ng matauhan sa pagpalo na ginawa.
"I hate you mama!" He shouted habang iyak ng iyak. Tumulo ang luha ko ng tuluyan na akong matauhan. What have I done?
"Anong ginawa mo?" Halos magkanda patid patid si Alice para lapitan si Riley. Hinimas niya ang anak ko at yumakap si Riley sa kanya.
"Riley.." mas mahinahon tawag ko. Lalong kumapit ang anak kay Alice at lalong nagtago.
"Nahihibang kana ba? Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan siya. Hindi niya naiintindihan pero ikaw naiintindihan mo! Ano nangyare sayo?" Sigaw ni Alice sa akin. Kitang kita ko ang panginginig ng laman niya sa galit.
"Hindi ko sadya." Sagot ko sa kanya.
" I think you need to leave, Icai. You need space. Magbakasyon ka. Nadadamay na anak mo. Hirap din siya tapos ganyan kapa?" medyo mahinahon na si Alice ngaun pero nandun pa din ang iritasyon sa mga mata niya.
" Hindi sa pinapaalis kita pero kailangan mo yun ngaun. Hindi nakakatulong yan ginagawa mo. Riley is in process of searching kase wala naman siyang alam. Ikaw ang mag adjust sa bata. Hindi yung bata ang mag aadjust sayo. Labanan mo yan. Ngaun kapa ba susuko, Gotica?" Mariin sabi niya. Humagulgol ako ng iyak at paulit ulit na tumango sa kanya. I looked at Riley pero sakit ang naramdaman ko ng hindi manlang niya ako matignan. He's scared at me at dun ko naramdaman na tama na. I need to get my self back dahil kailangan ako ni Riley.
Maybe Alice was right. Kailangan ko magbakasyon para iayos ang sarili ko.
Pumasok ako sa kwarto ang my laptop. Hindi ko na din sila sinabayan sa pagkain para makakain na din si Riley. Nag book ako ng ticket flight to hongkong for one week.
Nakakuha ako ng mababa pero mabilis na flight. Mabilis akong nag impake ng damit sa maliit na bag. Nanatili lang ako sa kwarto buong maghapon para hintayin ang flight ko.
It was five in the afternoon ng magdecide ako na umalis na.
"Hindi kita pipigilan kase alam kong matutulungan ka niyan. Just take care and bring yourself back here okay? Isipin ko may anak ka. Kailangan mo maging malakas, Icai." Yumakap si Alice sa akin. Tumango ako ng paulit ulit at yumakap din ng mahigpit sa kanya.
"Ako na bahala kay Riley. Ayusin mo ang sarili mo. Lumaban ka." Sagot niya. Tumango ako at pinahid ang luha sa mga mata.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka." Sagot ko sa kanya. Hinimas niya ang buhok ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Shhhhh. Pamilya tayo diba? That's what family do, Gotica."
Yumakap ulit ako sa kanya hanggang nagdecide ako na sumakay na sa sasakyan. Pinahatid ako ni Alice sa driver nila.
Nang umandar ang sasakyan ay titig na titig ako sa kwarto ng anak. Hindi na kasi ako nakapag paalam sa kanya. Wala akong mukha na maiharap sa kanya. Tanging ginawa ko lang ay hinalikan siya sa noo at pisngi.
Nang palabas na ang sasakyan sa subdivision ay nag ring ang cellphone ko. Nagulat pa ako kase si Alice ang tumatawag.
"Are you far already?" Dama ko ang takot at halos maiyak na siya kaya kinabahan ako. Sinabi ko pa sa driver na itigil muna ang sasakyan.
"Ano nangyari?" Sagot ko. Medyo nakaramdama ako ng matinding kaba.
"Come back, Gotica. Riley is missing." Salita niya.
"What?" Halos pasigaw kong sabi. Walang sabi ay mabilis kong pinabalik ang sasakyan pabalik sa bahay.