Hindi na ako nakakatulog at wala na akong pahinga. Pangalawang araw nang nawawala si Riley at hindi ko na alam kung saan ako mag sisimula o patuloy na maghahanap.
"Walang balita sa mga police?" Tanong ni Alice. Patuloy pa din ako sa pag ikot sa lugar kung saan malapit sa bahay. I even posted Riley's picture sa mga posteng nadadaanan. Halos wala akong kain, tulog at pahinga sa sobrang pag aalala.
"Wala daw." Si Raffy ang sumagot kay Alice. Umuwi muna kami sa bahay para makakain sila at makapagpahinga. Kung ano kase ang ginagawa ko ay sinasamahan nila ako. Halos hindi na din sila nakakapahinga ng maayos dahil sa akin. At sa pag hahanap kay Riley.
Hindi ko kayang manatili sa bahay o magpahinga hanggat hindi ko alam na maayos ang anak ko. Kinuha ko ang susi ni Raffy at tumayo. "Saan ka pupunta?" Sabay nilang tanong ni Alice. Natigilan din silang dalawa sa pagkain.
"Hahanapin si Riley." Sagot ko sa kanila.
"Kumain ka muna para may lakas ka. Wala ka nang tulog, wala kapang kain." Salita ni Alice. Umiling ako sa kanila. "Hindi ko kayang kumain hanggat nawawala si Riley." Salita ko.
"At hindi mo din mahahanap si Riley ng maayos kung ikaw ang mawawala." Sagot ni Alice. Pinunasan niya ang bibig niya at tumayo.
"Sa tingin mo ba makikita mo si Riley pag hindi ka kumain at nagpahinga? Or worst magkasakit ka." Salita niya. Umiling lang ako at hindi pinansin ang sinalita ni Alice. Alam kong tama ang sinasabi niya pero sadyang hindi ko lang kaya at ng isip ko na maging maayos habang ang anak ko ay nawawala.
Nasaan siya? Paano siya kumakain? Nakakatulog ba siya? Umiiyak ba siya? Halo halo yan sa utak at hindi ako matahimik. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nahahawakan si Riley ngaun. He's all I have at gagawin ko ang lahat para lang makita siya.
"Ako nalang--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng manghina ang tuhod ko at umikot ang paningin ko. Napabalik ako ng upo sa inuupuan ko kanina dahil pakiramdam ko ay mahihimatay ako.
"Yan ang sinasabi ko. Ang tigas kase ng ulo mo.!" Si Alice na kahit panay ang pag talak sa akin ay inalalayan pa din ako. Nanatili akong nakapikit dala ng matinding pag kahilo at pag baliktad ng sikmura.
Marahil ay tumaas na naman ang acid sa aking tyan dahil sa hindi pagkain sa nakaraang araw.
Unti unting umayos ang pakiramdam ko ng subuan ako ng soup ni Raffy habang nakabantay pa din si Alice.
"Magpahinga ka. We will wake you up later para ituloy ang pag hahanap kay Riley or kami muna iikot habang tulog ka." Si Raffy ang nag salita to assure me. Parang akong na-hypnotismo sa bawat buka ng bibig ni Raffy ay unti unting bumigat ang talukap ng mga mata ko.
"Mama!" Sigaw ni Riley mula sa malayo. Nakita ko ang kasihayan sa mga mata ni Riley habang takbo ng takbo sa kalawakan ng damuhan habang hawak ang eroplanong laruan.
"Careful!" Sigaw ko. Masyado na siyang lumalayo sa pwesto ko kaya hindi na ako mapakali.
Naupo si Riley sa damuhan kaya naisipan ko siyang sundan. "Why did you stop?" Tanong ko ng makalapit. Ibinaba niya sa damo ang laruan at tumingin sa kalawakan.
"I don't know either. Bigla akong nalungkot mama." Salita niya sabay nguso. Huminga ako ng malalim at hinimas ang mahaba niyang buhok.
Tumahimik ako at tumingin din sa kalawakan ng asul na langit.
"Mama," sagot ni Riley. Unti unti ay humiga siya sa hita ko at pumikit.
"Bakit wala si papa?" Tanong niya. Napahinto ako saglit. Tumitig si Riley sa akin. Ang mga mata ng anak ay puno ng lungkot at pangungulila.
Bumuntong hininga ako at nag isip kung ano ang magandang sabihin para maintindihan ng anak. Hindi man niya ako tinatanong tungkol sa ama ay alam kong nahahanap siya ng sagot.
Riley is not just ang ordinary kid. Masyadong mataas ang IQ niya at matured mag isip taliwas sa batang edad niya. He always find ways to understand things kahit minsan ay hindi naman siya nagtatanong.
But then, seeing his loneliness breaks my heart. His eyes made me realized that he is still a kid. A kid that needs to nurture and make understand things.
Siguro, may parte talaga sa akin ang nagkulang sa pagpapaliwanag tungkol sa parte na iyon. I just let him guess. Hindi ko napaliwanag kaya wala siyang alam. And worst of it is alam kong nasasaktan at naghahanap siya kahit hindi naman siya nagtatanong.
"I don't know either, son." Panimula ko. Ang totoo, sa parte na iyan ay hindi ko din maipaliwanag o hindi ko alam kung paano talaga ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. But maybe, there is no profound words to explain it to him.
"But you love him?" Tanong niya ulit. Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik ang mga mata sa kalangitan.
"Yes ofcourse," sagot ko. Mahal ko si Raj as much as I love Riley. But then, I never tried to reach him to tell about Riley. Siguro mali ako at naging makasarile sa parte na iyon.
"He loves you too. Bakit hindi pa din natin siya kasama?" Inosenteng tanong ng anak. I wish things were easy and different. I wish we can be all together without any hindrance and questions.
Yung magsasama kayo sa madaling paraan. I live my life the past years the hard way. And there are times na napapagod na din ako maghanap ng pagmamahal.
Love ang bagay na kulang sa akin bata palang ako. At sawang sawa na ako ipilit iyon sa mga taong ayaw naman ibigay o manatili sa buhay ko.
"Anak, I don't know how to explain it to you but I know in time maiintindihan mo. Hindi lahat ng nagmamahalan obligado magsama. There are some instances that even they love each other, they still can't be together."
Pag balik ko ng tingin sa anak ay ngumiti at tumango haggang tuluyan nawala sa paningin ko.
"Riley!!!!!!!"
"Gotica!"
"Mama!"
Halos habulin ko ang hininga ko ng magising ako. Pag dilat ng mga mata ko ay halos mapalundag ako ng makita si Riley sa harap ko. Madilim na sa labas. Ganon ako katagal nakatulog?
"Riley!" Halos sunggaban ko ang anak at niyakap ng mahigpit. Nadama ko ang maliit na daliri ng anak na kumapit sa likod ko at marahan itong hinagod.
"Where have you been? Halos mamatay nako kakahanap sayo. Don't do that again please." Sagot ko at humagulgol ng iyak. All my fear and tiredness was gone in an instant. Sa loob ng dalawang araw ay nagkaroon ako ng kapayapaan.
"I'm sorry, mama." Sagot niya.
"I went to papa, nakita ko siya last day sa labas ng bahay and went to him."salita niya. Pinilit ko ikalma ang sarili at intindihin ang anak.
Tumango ako at pinahid ang luha ko. "He asked me to come back home but I don't want to come back here." Sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Why?" Tanong ko. Sa gilid namin ay si Raffy at Alice na tahimik lang nakikinig.
"Because I was mad at you. I was mad because I don't understand things. I want to see papa but you don't let me." Sagot niya. Bahagya pang namula ang mukha ng anak ko kaya parang nadudurog ang puso ko.
"I told him if I can stay with him. He don't want because he said that you will get worried. I still want to be with him. Papa made me understand things. I'm sorry mama for what I did mama." Salita ng anak. Umiling ako ng umiling at umiyak.
"Don't get mad at papa. I was the one who told him not to tell you I'm with him. Just give me atleast time to cool off. I was hurt mama." Lintaya ng anak kaya tulutyan akong humagulgol at yumakap sa kanya. Maging si Alice sa gilid ko ay umiiyak na.
"I'm sorry." Sagot ko at niyakap siya ng mahigpit.
"That's fine. I'm sorry mama, I loveyou."
Pagkatapos ng usap namin ni Riley ay pinagpahinga ko siya. Mabilis lang nakatulog si Riley.
"Raj is still downstair." Si Alice ang nagsabi. Napatingin ako sa kanya. She was looking at me intently.
"Talk to him, Gotica. Kausapin mo para maintindihan mo ang bagay bagay. You never let him explain. Naging makasarili ka. Real talk yun ha, in this situation tatlo kayong nasaktan pero yung sayo lang ang inisip mo. Make it right this time. Learn from what happened." Mahabang salita ni Alice.
I know I was wrong. Sarili ko lang at galit ang nangibabaw sa akin. Hindi ko naisip na nasaktan din si Raj pati na din anak ko.
Nang maayos si Riley ay bumaba ako. The house is quiet. Hindi ko din alam kung anong oras na pero ang alam ko lang ay madilim na sa labas.
Tumungo ako sa garden dahil nandoon daw si Raj. Kabang kaba ako bawat hakbang dahil ngaun ko lang siya makikita ulit.
"Raj.." salita ko. Nakatalikod kase siya at tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Mabilis siyang bumaling sa akin. Seven weeks kaming hindi nagkita o nag usap. Ang makaharap siya ngaun ay nakakapanghina. Pumayat siya ng bahagya at makikita mo ang pagod sa mga mata niya.
"I'm sorry." Salita niya. Punong puno ng sinseridad ang salita at mga mata niya. Kung ano man ang pinagsosorry niya ay tinanggap ko nalang. There is something to be thankful dahil inalagaan niya pa din si Riley.
"I'm sorry din." Sagot ko. Wala akong makapang salita. Ang tanging gusto ko ngaun ay yakapin siya at halikan. But then, the thought that he is my sibling stops me.
"Ayos kana ba?" Tanong niya sa akin. Tinitigan niya ako haggang umikot ang mga mata niya sa buo kong katawan. "Namayat ka," pahabol niya. Tumango ako sa kanya.
"Ikaw din naman," sagot ko. Pumikit ng mariin si Raj at tumango.
"I'm stressed and I'm fixing something. " sagot niya.
Para kaming tanga na sasagot at tatango lang sa isa't isa.
Natahimik kaming dalawa. Tanging tunog ng kuliglig ang maririnig mo sa paligid. Sabay pa kaming napabuntong hininga.
"About-" sabay ulit kaming nag salita. Ngumiti ako ng bahagya."Ikaw muna," sabi ko. Tumango si Raj sa akin. Hindi pa din mawala ang paninitig ng mga mata niya sa akin.
"Hindi mo ako binigyan ng chance to talk to you and clear things out. So please hear me out this time." Salita niya na may halong pagsusumamo. Nakaramdam ako ng hiya para sa inasal ko kaya tumango nalang ako.
"Hindi tayo magkapatid," unang salita niya. Napatingin ako sa kanya at napanganga. How? But then, hindi pa din ako nagsalita.
"I want to say it to you. Pero galit na galit ka. Mas inuna mo ang galit mo instead of listening to me." Sagot niya ulit. Nakaramdam pa ako ng tampo sa kanya.
"How can it be? Sinabi ni mama sa akin ang lahat. You agreed na alam mo din. So what to you expect me to feel?" Sagot ko. Eto na namam ang bunganga ko na hindi ko na naman mapigilan.
"You betrayed me." Sagot ko. Umiling si Raj ng paulit ulit sa akin.
"I didn't betrayed you. Natatandaan mo ba ung palagi ko sinasabi sayo noon? The things you don't know wont hurt you? You wanna know why I can't love you back way before?" Salita niya.
Tumango ako. Tandang tanda ko kung pano niya ako paulit ulit na nireject noon sa paulit ulit kong pag amin ng nararamdaman sa kanya.
"You wanna know why I kept you private before?" Tanong niya ulit. May parte man sa akin ang kinakabahan at naguguluhan ay tumango ako sa kanya. I wanna his reasons. I will listen to him reasons.
Huminga si Rajan ng malalim." Alam kong magkapatid tayo noon pa. Rather nalaman ko lang. I discovered it Gotica. But then, kapalit noon ay ang kaalaman na bawal tayong dalawa kahit noon pa man mahal na kita." Kitang kita ko ang sakit ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Unti unti ay tumulo ang luha ko.
"So magkapatid tayong dalawa talaga?" Nanghihinang sabi ko. Pagod na umiling si Raj.
"Just listen to me first. I will tell you everything." Sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napasinghap ako. Millions of feelings spread all over me. Umupo kami sa bench sa garden. Hinawakan ako ni Raj sa magkabilang pisngi.
"Hindi tayo magkapatid okay?" Paulit ulit niyang sinasabi.
"Pero-" hindi na niya ako hinayaan magsalita ng bigla niyang angkinin ang aking labi. One kissed wiped out all the pain and agony.
"Ikaw lang ang totoong Esquivel. Ampon lang ako, Icai." Sabi niya.