CHAPTER 9
Zyra.
What is wrong with their attitude today?
"Grabe! Ang haba nang hair mo Zy! Pahingi ako. Guntingin ko na ah?!" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Carl.
"Ano bang sinasabi mo?" Inosenteng tanong ko sa kaniya. Naiirita na nga ako dahil sa away na naganap kanina tapos eto pa siya at nagawa pang magbiro.
"Wala. Slow ka sabi ko." Napa-iling na lamang siya.
"Tsk, recess na. Tawagin mo na nga si Rapunzel ng Garcia Academy." Rinig kong sabi ni Mau.
"Oh teh, Halika na raw. Gogora na tayo sa canteen!" Hanggang ngayon lutang pa rin ako. Tsk. Bakit ko ba prino-problema iyon? The three eggs.
"Oopps... sorry sasabay pala ako ngayon kay Lance. Bye guys!" Paalam ko sa kanila nang maalala ko na sabay rin kaming magrerecess ni Lance.
"Geh bye. Mag-ingat ka kay Lance ha? Ayaw ko pang maging ninang!" Biro nito at napailing na lamang ako. Anong tingin niya sa akin? Easy to get? Nah! I'm not.
"Zy!"
Si Lance.
"Sorry huh! Napaghintay ba kita ng matagal?" Nag-aalalang tanong niya sa akin kaya napailing ako.
"Hindi naman. Ang aga mo nga eh." Sabi ko pa sa kaniya. Lumawak naman ang ngiti niya sa akin.
"Ayaw ko kasing pinaghihintay ang prinsesa ko." Bigla na lamang nawala ang ngiti sa labi ko.
Pinaghintay ako nang matagal noon ni Allen. Napailing ako. Bakit ko ba iniisip si Allen ulit? Si Lance ang kasama mo Zy kaya focus.
"By the way, sorry pala sa pagsagot ni Allen sayo kanina ha? Nadamay ka pa." Nakakahiya naman talaga. Pwede naman sana siyang paalisin ni Allen sa maayos na paraan pero nagawa pa nitong gumamit ng hindi magandang salita.
"Okay lang naman, ang importante masaya ako kasi nakasama kita. Huwag kang kiligin ng sobra.”
"Kapal!" Sabi ko at pinalo siya. Sabay na lamang kaming natawa.
"Uy ano ba? Nakakarami ka ng palo sa akin ah?" Si Lance talaga. Nailing na lamang ako.
"Pero alam mo,"
"Hindi ko alam." Pambabara ko sa kaniya.
"Zy naman eh, ang hirap kaya mag-gain ng moment.” Bigla na lamang siyang tumalikod. Nagtatampo siya? Napangisi na lamang ako nang may ideyang pumasok sa utak ko.
"Uy, Lance ko." Sabi ko at sinundot ang tagiliran niya.
Nagulat ako nang bigla siyang napabuga ng tubig? Umiinom siya habang nakatalikod sa akin?
"Oopppss, sorry. Natatawang paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. Pft!
Ngumiti naman siya sa akin ng nakakaloko at hindi ko nagustuhan iyon.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo Zy." Panghahamon niya sa akin. Naguluhan naman ako.
"Huh? Alin doon? Iyong sorry? Sorry, Lance." ulit ko.
"Hindi! Iyong una!" Tiyaka lang nag-sink in sa akin kung ano iyong ibig niyang sabihin.
Lance ko...
Lance ko...
Lance ko...
"Tsk. Nabigla lang ako kaya ko nasabi iyon noh!" Natatarantang sabi ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin.
Sinundot niya naman ang tagiliran ko at tila nanunudyo.
"May lihim ka palang pag-tingin sa akin ah!"
"Tse!" Masungit na sabi ko para pigilin ang ilang na naramdaman ko.
Noong uwian ay nagkita ulit kami ni Lance dahil sabay din kaming uuwi.
"Thank you, Lance for this day." Napunguso naman siya sa akin.
"Oh! Anong nginunguso mo diyan?" Tanong ko. Ang weird niya talaga.
"Wala ba akong goodbye kiss tiyaka thank you kiss?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"A-ano ka ba? K-kiss ka diyan." Kinakabahan kong sabi.
"Kahit sa cheeks na lang."
"Fine." Hindi rin naman niya ako titigilan.
Unti-unti akong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng halik sa pisngi.
It's my first time to kiss a guy in cheeks. Feeling ko ang pula-pula na ng mukha ko sa ginawa ko.
"Yes! Thank you, Zy! Bye!" Kumindat pa siya sa akin bago umalis kaya napailing ako. Nag-wave na lang ako sa kaniya hanggang tuluyan siyang makaalis.
Sam.
Bumagsak ang balikat ko nang madatnan ko si Allen sa loob ng bahay nila na tutok na tutok sa binabasa nitong libro. Nakalabas na ako ng ospital at siya ang una kong pinuntahan nang makalabas ako. Wala ng magulang si Allen. Iyong lolo na lang niya na siyang may hawak ng G.A ang nag-aalaga sa kaniya at magkaiba pa sila ng bahay na tinutuluyan.
Narinig ko din iyong tungkol sa nangyari sa school kanina. So hindi niya na talaga mapigilan iyong nararamdaman niya kay Zyra?
Napakuyom ako ng kamao bago huminga nang malalim.
“Allen.” Tawag pansin ko sa kaniya.
Sandali itong natigilan ngunit ibinaba niya agad ang librong hawak niya nang makita ako.
“Sam, okay ka na?” Nag-aalalang bungad nito at lumapit sa akin.
Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.
“Ayos lang ako. How about you? Narinig ko iyong tungkol sa nangyari kanina.”
Bumuntong-hininga naman siya. “Don’t mind it.”
Nawala ang ngiti sa labi ko. “Why wouldn’t I mind it? Allen, habang pinipigilan mo iyong nararamdaman mo, mas lalong gustong kumawala sa’yo. Parang iyong nararamdaman mo na mismo ang trumatraydor sa’yo.”
“Sam, wala na akong magagawa.”
Umikot ang mata ko sa sinabi niya.
“Then ako na lang. Gusto naman kita eh.”
“Hindi ganon kadali iyon, Sam.” Katuwiran niya dahilan para mapahalukipkip ako.
“Ano ba ang ayaw mo sa akin?”
Bumuntong-hininga siya. “It’s not about the thing that I don’t like about you. It’s about what I truly feel, Sam.”
Nakagat ko ang labi ko sa inis dahil sa sinabi niya at pinigilan na tumulo ang luha sa mata ko. He’s just saying the truth but it damn hurts.