Chapter 10

799 Words
CHAPTER 10 Zyra. Naisipan kong magpost sa f*******: dahil maaga akong nagising. Nag-inat ako at inabot ang cellphone ko sa gilid ng bintana. Zyra Laurel #GoodMorningEveryone #MalapitNgMakaMoveOn Natawa nalang ako sa huling hashtag na nilagay ko dahil ang totoo hindi pa talaga. I just want to know their comments. Kung may maniniwala. Mabilis naman na nag-comment sila Alyssa at Maureen. Akala ko ako lang ang nag-oopen ng ganito kaaga sa amin. Alyssa De Leon Anong sinasabi mo best? Move on na talaga? Sure ka? Baka nakahithit ka ngayon ah? Maureen Soliman Totoo na ‘yan? Naku, hindi ako naniniwala. Kilala kita bes. Carl Sacatani OMG. Beshy is that true?! K lang ‘yan bagay naman kayo ni Fafa Lance. #TeamZyLaForevs Napahigikhik na lang ako sa comment ni Carl. Zyla talaga? For sure matutuwa si Lance kung mababasa niya ‘to. Nawala ang mapaglarong ngisi sa labi ko nang makita ko kung sino ang sumunod na nagcomment. Sam Buenavista Good for you. Sana magtuloy-tuloy na ‘yan. I'm happy for you, Zy. Ramdam ko ang kaplastikan niya hanggang dito sa bahay nang mabasa ko ang comment niya. Tsk. Nakakasira ng mood. I check Allen's acount too. Miss ko nang i-istalk ang profile niya eh. Allen Garcia Missing 'her'. Sino naman kayang namimiss niya? Si Sam kaya o si Jane? Lagi naman silang magkasamang tatlo kaya nakakapagtaka kung sila iyong tinutukoy niya pero kung sino man ang babaeng tinutukoy niya, napaka-swerte naman. Nanghihinang ibinaba ko ang cellphone ko at bumaba na lamang para mag-almusal. Lance. Nakangiti ako habang kumakain. Hindi mawala sa isip ko iyong ginawang paghalik ni Zyra sa pisngi ko. Biro ko lang sana iyon sa kaniya pero nagulat ako dahil ginawa niya talaga. "Lance, kamusta? Ang ganda ng ngiti natin ngayon ah." Biglang sabi ni Manang Cely. Matagal na namin siyang katulong at parang lola ko na ang turing ko sa kaniya. "Masaya po ako na napapasaya ko si Zy." "Ikaw talaga. Sabi ko na nga ba eh! Bata palang kayo nakikita ko na  may gusto ka kay Zyra.” "Si Manang talaga." Naiiling na sagot ko sa kaniya. "Oh siya tapusin mo na iyang pagkain mo ng agahan. Pumasok ka na at baka mahuli ka sa klase mo." Paalala niya sa akin. "Susunduin ko po si Zy ngayon." Nakangiting sabi ko kay Manang. "Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Sige na alis ka ng bata ka. Kumain ka doon at ‘wag kang magpapalipas ng gutom.” "Opo, Manang Cely!" Nagpaalam na ako kay Manang at umalis na. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko sa lahat ng nangyayari. Pagdating ko sa bahay nila ay agad kong nakita si Zy. Palabas na siya ng gate. "Ay Palaka! Ikaw pala Lance, goodmorning!"-bati niya sa akin. "Mas maganda ka pa sa Umaga Zy" Nakangiting sagot ko sa kaniya. "Hmp. Bolero!" Namumulang sagot niya sa akin. "I like it. When you’re blushing." Mas lalo pa ata siyang pumula dahil sa sinabi ko. "Ikaw Lance ha! Lagi mo akong binobola! Basketball player ka pa man din!" Sagot niya sa akin at nawala na rin ang pamumula ng mukha niya. "Hindi kita binobola Zy dahil..." Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. "Dahil mahal kita." Seryosong sabi ko.   Zyra. "Hindi kita binobola Zy dahil..." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Dahil mahal kita." Seryosong sabi niya. Umatras naman ako nang kaunti sa kaniya. Nakakailang kasi iyong distansiya naming dalawa. Masiyadong malapit. "Ahh, tara na. Sabay na tayong pumasok." Kaya pala ang aga niya. Kasi susunduin niya ako. Gentleman talaga ‘tong si Lance. "Ano pala yung post mo sa f*******: na naka-move on ka na kay Allen? Totoo ba iyon?" Nakangising tanong niya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin dahil alam ko naman sa sarili ko ang totoo at nakokonsensiya ako kung paano ko sasagutin ang tanong niya. "Ahhh, M-malapit na. Iyon ang nilagay ko dun diba?" Halos magkanda-utal na sagot ko sa kaniya. Ayaw kong nasasaktan ang feelings ni Lance at higit sa lahat ayaw ko siyang paasahin sa wala kaya gusto ko na magustuhan ko rin siya sa paraan na susuklian ko ang nararamdaman niya sa akin. "Okay, it's fine with me Zy. By the way, date tayo mamaya. Okay lang ba?" Naiilang na tanong niya sa akin. "Oo naman. After class?" Tumango naman siya sa akin bilang sagot. "Were here." Aniya nang makarating kaming dalawa sa school. "Let's go. Hatid na kita sa room mo." Sabi niya pa at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako dahil doon. "Huwag kang mailang. Dapat masanay ka na dahil araw-araw kong gagawin ‘to sayo." Seryosong sabi niya sa akin dahilan para mapalunok ako. Malapit ng mag-uwian nang maka-recieve ako ng text kay Lance na may gagawin pala siya ngayon kaya hindi muna matutuloy ang date namin. Sinabi ko sa kaniya na ayos lang para hindi siya mag-alala. Parang nakahinga rin ako nang maluwag dahil nitong mga nakaraan ay lagi kaming magkasamang dalawa. Palabas na ako ng school nang makita ko ang isang pamilyar na babae. Kumurap-kurap ako para siguraduhin kung totoo ba na nakikita ko siya ngayon. Nanlaki ang mata ko nang humarap siya at nagtama ang paningin naming dalawa. Kumurba ang isang matamis na ngiti sa labi niya nang makita ako.  “Ate Dara.” Usal ko sa pangalan niya pero bako ko pa lang siya malapitan ay nakasakay na agad ito ng tricycle.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD