Chapter 11

1293 Words
CHAPTER 11 Zyra. I shook my head. My heart is beating so fast. Kamukha ni Ate Dara iyong nakita ko at ngumiti pa siya sa akin nang magtama ang paningin naming dalawa. Wala lang iyon, Zyra. Matagal ng patay si Ate Dara at alam iyon ni Lenlen, kababata ko na matagal ko ng hinahanap. Siya ang tanging alaala na natitira sa akin na nakilala ko mula sa isang baryo ng minsan kaming magbakasiyon doon ng pamilya ko. Nangyari ang aksidente noong araw na naglalaro kaming tatlo nila Lenlen at Ate Dara malapit sa gubat nang may dumakip sa amin na mga lalake. Niligtas kami ni Ate Dara at sinabihan na tumakbo palayo roon. Bata pa lang kami at hindi namin alam ang gagawin naming dalawa kaya tumakbo kami gaya ng sinabi ni Ate Dara. Kinabukasan ay nalaman ko na nawawala na si Ate Dara at ang pamilya nila Lenlen ay napilitang umalis ng baryo. Ilang buwan pa ang lumipas at sinabi nila Mama sa akin na patay na daw si Ate Dara dahil hindi nila mahanap ito. Hindi naman nabubuhay ang patay ‘di ba? Baka kamukha niya lang. Bumuntong-hininga ako at pilit na inalis sa isipan ko ang tungkol kay Ate Dara.    Allen. Napabuntong-hininga na lamang ako. Bakit ba pumayag si Zyra na magpaligaw kay Lance? Tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas simula ng hindi ko siya siputin. Ang bilis naman ata. Inayos ko na ang gamit ko nang makita ko si Zyra kasama si Lance. Napakuyom na lamang ang kamao ko dahil doon. I saw how Zyra laughed when Lance said something and that irritates me. I was about to go when I saw Lance kissed Zyra on her cheeks. Parang umakyat ang dugo sa ulo ko. Bakit pumayag si Zyra na mahalikan na lang siya ng ganon-ganon lang? Totoo kaya na malandi talaga siya? Bago pa ako tuluyang mang-dilim ang paningin ko ay umalis na lamang ako. "Allen!" Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Sam. Napakunot naman ang noo ko. "I have something to tell you." She said in a flirty tone. "What?" Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. "Be my boyfriend." Halos maibuga ko ang iniinom kong coke sa sinabi niya. SERIOUSLY?! "What?!" Pilya naman na ngumiti siya sa akin. "Tsss... joke lang naman eh. Ang seryoso mo kasi." sabi niya at tumawa pa. "I'm not joking around, Sam. I'm serious." Sumeryoso naman ang mukha niya. "Kailan mo ba ako iiwasan, Allen? Nasasaktan rin naman ako sa paraan ng pagtrato mo sa akin ngayon." Natigilan ako sa sinabi niya. Alam ko naman na nasasaktan din siya ngayon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na isisi sa kaniya ang lahat ng nangyayari ngayon. "Don't worry, we’re on the same boat."  "Normal? Allen, this is not normal! Alam mo ba kung gaano kasakit na makitang walang pake iyong taong gusto mo?!" Galit na tanong niya sa akin. “Mas mahirap pa rin na magpanggap na walang pake sa taong gusto mo at iyon ang nararamdaman ko ngayon.” Napaiwas ang paningin niya sa akin. "Siya na naman ba? Bakit hindi na lang ako?" Puno ng hinanakit na tanong niya. "It because I don't love you, Sam." Dumaan ang sakit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Kasabay nang paglingon ko sa likuran ko ay nahagip ng mata ko si Zyra na nakatingin sa direksiyon namin ni Sam. Nagulat na lamang ako ng hilain ako ni Sam at hinalikan.   Zyra. Bakit ba sobrang sakit na makita mo na may ibang mahal ang taong mahal mo? Nakita kong naghalikan si Sam at Allen kanina. "Pst. Zy." Napatingin ako kay Lance. "Kanina pa kita tinatawag. 5 times na ata?" He smiled pero hindi umabot sa mata niya. Paano ba nagawa ni Lance na itago ang sakit na nararamdaman niya? Hanga na talaga ako sa kaniya. I smiled at him. Apat na buwan na niya akong nililigawan at nasa date kami ngayon. "You’re spacing out, Zy." He didn't look disappointed but I know he’s hurt. "What is it Lance?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya. Hanggang ngayon kasi nagfla-flashback pa rin sa akin yung nakita ko kanina. "Gusto mo na bang umuwi?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.  Siguro nga pagod na ako. "Okay lang ba?” Again, he smiled. Lance is so handsome. I can't stop blushing when I see him smiling at me. "So let's go?" Tumago na lamang ako. Binayaran na rin niya yung bill namin sa jollibee kung saan kami kumain. Pagkarating namin sa labas ay nagpara agad ng taxi si Lance at agad akong pinagbuksan ng pintuan. "Thanks. Why so Gentleman?" Tanong ko sa kaniya. He chuckled. "Nothing, para naman sa mahal ko ito diba?" I feel my cheeks turned into red. "Yie! Lance, ang corny mo." Pag-iiwas ko ng tingin sa kaniya. "Mahal ka naman." Mas lalo pang nag-init ang pisngi ko dahil harap-harapan niyang sinabi sa akin ang katagang iyon. Saan kaya ‘to nag-mana sa pambobola? Nakita ko ang pag-ngisi niya sa akin. "Thanks for the day pala Lance and sorry na rin dahil nag-space out ako kanina sa date natin." paghinging paumanhin ko sa kaniya. "No need to thank, Zy. Mahal kita at gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Always remember that I love you, Zy. I love you so much that I can bear the pain for you." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. I wish kaya ko rin na maibalik ang pagmamahal na binibigay niya sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at tumingin na lamang sa Daan. Apat na buwan. Sapat na ba ang mga buwan na iyon para mapatunayan ko na mahal talaga ako ni Lance? Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay. "Goodnight, Princess. Have a sweet dreams." Nag-wave nalang ako sa kanya bago siya umalis. Dumeretso na agad ako sa Kwarto ko. In-open ko iyong sss ko muna. Tutal naguguluhan na talaga ako. I need the help of my bestfriends. Agad akong pumunta sa Group Chat namin. Chineck ko pa kung active ang mga bruha. MauZySa Kabaliwan Yan pala ang pangalan ng GC namin. Me: Hello guys! Maureen: Anong kailangan mo, bruha? Alyssa: Ano na namang kaartehan yan? Nagbe-beauty rest pa naman na ako. Me: May beauty ka pala? Alyssa: Oo naman!!! Ngayon mo lang napansin noh! Maureen: Hidden beauty ang tawag diyan. (-_-) Me: Hahaha Alyssa: Anong tinawag mo Zy? Ano na namang kagagahan ang gusto mong itulong namin sa’yo? Me: Grabe huh! Kagagahan talaga?! Maureen: Just spill it... Alyssa: Wow! English Mau! Nosebeed ako! Maureen: *abot ng panyo* Ayan pamunas mo. Alyssa: *Tanggap ng panyo* Thanks... *Punas sa ilong* Me: MGA BALIW! Alyssa: Aba't parang hindi ka baliw ah! Maureen: Ano na? Seryoso na kasi! Me: It's all about Love. Alyssa: LOVE?! Me: Yes. Maureen: Ano bang tanong mo? Me: Sapat na ba ng apat na buwan na panliligaw sa akin ni Lance? Alyssa: Yes. Maureen: No. Me: Magkaiba kayo ng sagot *pout* Maureen: ‘Wag kang mag-pout. Mukha kang 'pusit' Me: Fine. Alyssa: Yes. Kasi obvious naman na mahal ka talaga niya eh. Iyong feeling na may makikita ka talagang spark sa mga mata niya. Ganun. Me: Spark? Maureen: Parang inlababo talaga siya sayo. Parang ganun ang punto ni Alyssa. (-_-) Me: Eh. Ikaw anong paliwanag mo bakit 'No' ang sagot mo? Maureen: Psh. Di niyo ako ininform. Miss Universe pala ‘to. May question and answer. Me: Ano nga? Maureen: Ganito kasi yan kapag halimbawa, hindi ka pa pala nakakamove-on kay Allen. Edi parang panakip butas mo lang siya. Kaya dapat alam mo pa rin kung sino talaga ang mahal mo. Hindi naman kasi porque mahal ka ni Lance, love mo na rin siya. Hindi ganun ang tamang meaning ng mutual love. Kailangan mahal niyo ang isa't isa para masabi niyo ang tamang meaning ng love. Pakiramdam ko kasi pinipilit mo na magustuhan siya para hindi siya masaktan. Me: Wala akong maintindihan :( Alyssa: Ganun talaga. Only your heart can understand your true feelings. Kung may plano ka ng sagutin si Lance edi gora lang. Go with the flow. Maureen: Pero isipin mo pa rin na merong masasaktan, Zy. Alyssa: Good night. Pag-isipan mong mabuti. Bestfriend mo lang kami. Ikaw pa rin ang gagawa ng desisyon mo. Maureen: Goodluck! Pag-sinagot ko si Lance tiyak na sa kaniya ko na ibubuhos ang pag-mamahal ko na para kay Allen. Sabi niya naman willing daw siyang maghintay kahit gaano pa katagal pero hanggang kailan? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD