Special Chapter 3: Ethan and Henry Ethan Saavedra's POV Habang binabaybay ko ang daan paakyat sa dormitoryong tutuluyan ko ay ilang bagay na ang dinarasal ko sa isipan ko. Sana hindi siraulo ang roommate ko, sana hindi lasinggero o warfreak. Dahil kung hindi ay hindi ako mangingiming lumipat o kung nasa mood ako, baka makatapat siya ng papatol sa kaniya. Ang sabi sa akin sa baba ay nauna na raw ag roommate ko kaya naman inihahanda ko na ang sarili ko. Hindi naman sa mapili ako sa gusto kong makasama, pero parang ganoon na nga. Sino ba namang gustong makasama ang isang siraulo sa mahabang panahon? Dahil kuwarto ko rin naman ito mula ngayon ay hindi na ako nag-abala pang kumatok at agad na binuksan ang pinto. At bumungad sa akin ang naglalampungang mga nilalang at mukhang kung hindi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


