[Paris' pov] Papasok na sa trabaho si Carl. Ako ang naghanda ng umagahan nila. Gusto ko pagsilbihan muna si Carl bago harapin ang dapat harapin. "anak, papasok ka ba o hindi?" tanong ni Nay Fern Ayaw kasi bitawan ni Carl ang kamay ko. Alam ko na natatakot rin siya sa maaaring mangyari. "uuuuy si Kuya" atig nina Popoy "hindi mawawala si Paris diyan anak" sabi ni Nay Fern na ikinayuko ko Napahigpit ang kapit ni Carl sa akin. "sige na Carl, mag-iingat ka lagi ah" sabi ko at hinalikan ang pisngi niya Napakagat labi ako ng unti unti bumibitaw sa akin si Carl. Napapikit ako ng lumabas ng ito na kanilang bahay. *** Tinulungan ko si Nay Fern na maglinis ng bahay nila. Noong una ay ayaw niya ako pahawakin man lang ng walis pero sumuko rin siya sa kakulitan ko. Hanggang sa makakita ako ng

