Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi nang ma-realize at tuluyan nang nag-sink in sa akin ang mga salitang sinabi ko kay Nuru. Mahina kong tinampal ang aking bibig. Wala akong lakas ng loob na mag-angat muli nang tingin kay Nuru at salubungin ang mga mata nito. How can I when I just asked him into doing that thing with me? Kahit na hindi ko naman iyon mini-mean? Masiyado na naman akong naging padalos-dalos hindi lang sa mga salitang lumalabas sa aking bibig kung hindi pati na rin sa desisyon ko. Paano kung pumayag nga siya? What if he said yes into us having that relation? Although mas makakabalik ako ng mas maaga sa mundo ko at makikita ko na ulit si Papa na sigurado ako ay mamatay-matay na siguro sa labis niyang pag-aalala sa akin. Hindi pa rin naman ako mentally prepare pa

