I run my eyes through the patches of bruises that I have on my arms. I am fully aware na hindi lamang sila sa braso ko nagkalat kung hindi sa buo kong katawan at kung titingnan ko ang mga pasa na ito ng isa-isa, siguro ay lalampas ng bente ang aking bilang.
Kahit gaano karaming prutas, gulay, vitamins at food supplement ang aking kanin. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking katawan. With all of these that I have been feeling. Hindi ko pa rin magawang maniwala sa aking kasalukuyang kondisyon.
I was fine just last month, even last week and now here I am, not capable of walking on my own. Bawat kilos ng aking katawan ay sakit ang katumbas.
I tore my eyes off the screen of my television where I am watching a generic anime feel that I have seen a thousand times. I just can't get enough of it. It is my comfort anime show, and with my current condition, comfort is one thing that I need the most.
Nilingon ko ang bintana ng aking kuwarto matapos kong marinig ang pagkabuhay ng kotse ni Mama. Gamit ang aking kamay ay pinaandar ko ang gulong ng aking wheelchair para makalapit sa bintana. I glance at the clock hanging against the wall, on top of my wall-mounted television.
Malapit ng mag-alas nueve ng gabi. Hindi naman siyudad ang lugar namin kaya sa ganitong oras. Halos wala ng tao sa labas, kung mayroon man ay tiyak na pauwi na rin ang mga iyon sa kani-kanilang tahanan galing sa trabaho o ano pa mang lakad nila.
Lumapit ako sa tv para patayin iyon saka lumabas ng kuwarto. Didiretso na sana ako sa sala para makausap si Lolo nang mapansin ko na bukas ang pinto ng kuwarto ni Mama.
I am not the nosy type of person. My mother raise me with a respect for someone's privacy. Lumapit ako sa nakabukas na pinto ng kuwarto nito sapagkat plano ko sana na isara iyon, but something can't my attention.
Isang makapal na librong nakapatong sa ibabaw ng queen-sized bed ni Mama ang nakita ko. Kulay brown iyon, a hard-bound one at mukhang luma na. Para ngang mas matanda pa iyon sa kaniya.
Sunod-sunod akong napalunok at tumingin sa aking paligid para siguraduhin na walang ibang makakita sa akin bago ako pumasok ng kuwarto ni Mama. Maingat kong sinara ang pinto at muling pinagulong ang aking wheelchair palapit sa kama.
Binanggon ko nang kaonti ang aking sarili mula sa wheelchair saka inabot ang libro.
Bagaman mukha na itong luma, halata naman na naalagaan ito nang mabuti at nasa maayos pa talagang kondisyon.
"Weird," I whispered to myself. Wala kasing pamagat sa pabalat ng libro, bagay na hindi natural, parating mayroong title sa cover ng isang libro, regardless kung anong year iyon pinublish.
Pagbukas sa unang pahina. Saka ko pa lamang nakita ang title na hinahanap ko.
"Tale of Tenebrose," marahan at paulit-ulit kong basa sa tatlong salitang iyon. Sinarado ko ang libro at ilang beses pa nga na huminga bago ko ito muling binuklat.
I opened the hard-bound book for the second time around and the title on the front page of the book didn't change at all.
This is the book that I was looking for. Ang libro na sa tingin ko ay may laman ng lahat ng kasagutan sa nangyayari sa akin.
I refuse to believe that my condition is all medical. I feel like something is wrong with me, that I am casted with a magic—a curse, like those in fairy tales.
On the second page of the book is an illustration of the place that is very familiar to me.
Ito yung lugar sa panaginip ko. Kung saan ko nakausap iyong lalaking mayroong pakpak. Hindi ako puwedeng magkamali. Iyong bangka pati na rin iyong parang dalampasigan. The haze as well as the over all crippling feeling that this drawing radiates. I am sure that I have been in this place, in my dream.
Kung totoo ang lugar na ito sa panaginip ko. Ibig sabihin pati na rin ang iba ko pang mga napanaginipan nitong nakaraan ay totoo rin.
Hindi ako nanaginip lang, in another dimension or universe all of this exist at sa tingin ko. Alam ni Mama ang tungkol sa lugar na ito. Hindi lang basta alam. She's been here at iyon ang pilit nitong tinatago mula sa akin.
Nilipat ko sa sumunod na pahina ang libro.
I was already on the fifth page of the book when a pair of muscular hand grab the book from me. Pagtaas ko ng aking mga mata ay nakita ko si Lolo. Pinasok niya sa loob ng drawer iyong libro na para bang hindi ko pa iyon nakikita at nababasa.
"Elliot, hindi ka dapat nakikialam sa gamit ng Mama mo. Makakagalitan ka non kapag nalaman niyang pinakialaman mo ang gamit niya," anito sa akin. Hinawakan niya na ang wheelchair ko at hihilahin na sana ako palabas ng kuwarto ni Mama nang lumingon ako sa kaniya.
Our eyes met and at this moment. He already knows that I have a question for him.
"Iyong lalaking may itim na pakpak na madalas kong napapanaginipan. He is my father, right? He is called Nuru. In my dreams, I kept hearing people calling him that." Mapakla akong ngumiti.
I am not even sure if those are people or not. I feel like they are not even though they look like one.
I held his hand out of desperation. Kahit paulit-ulit kong tanungin si mama. Hindi siya aamin sa akin, pero si Lolo. He is one pushed away from telling me the truth that I need to know.
"What about me, Lo? Ano ako?" halos pabulong na tanong ko sa kaniya, not really sure if I do want to hear the answer to that. Kung handa na ba akong marinig ang sagot sa tanong na iyon.
"You are a half human, half-abscond, Elliot. A black swan. At tama ka. Si Nuru, siya ang iyong Ama. He rules the Arcania. He is a king and that automatically makes you a prince of that realm."