bc

To All of My Ex-Boyfriend

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
others
fated
inspirational
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Isa? Lima? Sampu? Hindi, kinse! Oo, fifteen lang naman ang naging Ex-Boyfriend ni Tamara Rodriguez aka Tami.

Hindi lang ilang beses syang nasaktan dahil sa katigasan ng ulo nya. Gusto lang naman nyang makahanap ng kanyang prince charming katulad ng mga napapanuod nya sa Tv at Pelikula. Gusto lang naman nyang magkaron din ng Great love katulad ng sa magulang nya.

Pero habang dumadaan ang panahon, narealize nya na hindi pala ganun kadaling magkaron ng happy ending. Hindi pala madaling hanapin si prince charming. Masasaktan ka pala muna ng madaming beses bago mo matagpuan ang right one para sayo.

Maniniwala pa kaya sya sa True love?

chap-preview
Free preview
Episode 1
**Year 2010** Grade 5: Section "Huy! Tami! Tara laro tayo habulan, inaaya tayo nung mga lalaki sa kabilang section" pawisan si Ayla lumapit sakin at hingal na hingal pa. "Sige wait lang, ang init e. Baka dayain na naman tayo ng mga yan ha!" "Hindi! Ako bahala tara!" Mabilis kaming tumakbo ni Ayla papuntang Playground. Si Ayla ang bestfriend ko, nagtransfer sya dito sa probinsya galing ng maynila at nakatira sya sa bahay ng Tita nya. Lalaki kumilos si Ayla katulad ko, walang suklay suklay at ipit ng buhok, pawisan at amoy araw. Hindi kami katulad ng iba naming classmate na laging nagpupulbo at nagpapabango. Mga nakatirintas pa ang buhok at ayaw lumabas ng classroom dahil ayaw mainitan. Kaya di na nakapagtataka na puro lalaki ang kalaro namin. Hindi ako palaayos tulad ng ibang batang babae, kasi wala ang mama ko. Pumunta sya ng maynila sa Tita ko para alagaan ang pinsan ko. Minsan naiinggit ako sa paligid ko pag nakikita ko yung ibang bata na kasama mga nanay nila, hinihiling ko na sana ako din, sana kasama ko din ngaun ang mama ko. Nasan ang papa ko? Kasama namin si papa, wala syang stable na trabaho at pa extra extra lang. Pero kahit ganun si papa, mahal na mahal ko sya. Papa' girl ako sabe nga nila. Nandito kami ngaun sa ilalim ng puno, kakatapos lang ng laro namin. Ang bilis ng oras ilang minuto na lang tapos na ang lunch break. Naiinis pa din ako sa naging resulta ng laro namin. Dinaya na naman kami ng kabilang section. "Ayla! Nakakainis naman. Kaya ayoko na makipaglaro sa kanila kasi dinadaya tayo eh!" kumakamot sya sa ulo nya at tatawa tawang tumingin sa akin. "Suss! Kunwari ka pa tami, e gusto mo din naman makipaglaro sa kanila kasi kasama nila si calixto di ba" sinisiko nya ako at tumataas taas pa ang kilay nya. Si calixto ang ultimate crush ko sa kabilang section. Tama si Ayla, kaya lang ako nakikipaglaro sa labas dahil kay calixto. Namumula ang mukha ko at naramdaman kong nagiinit ang pisngi ko sa panunudyo ni Ayla sa akin. Close ko si Calixto kahit di kami magkaklase, para ko na din syang bestfriend pero di nya alam na crush ko sya. Natatakot kasi ako na pag malaman nya lumayo sya sakin e. "Ssshh!!! Anu ka ba! wag ka maingay baka may makarinig sau!" takot akong tumingin sa paligid dahil baka dumating si calixto at marinig kami. Lumakas ang tawa ng bestfriend ko at tumingin sa paligid "wala naman sya e, malamang nasa likod un, sa may ilog." "Kahit na Ayla! Wag ka maingay ayoko malaman ni Calixto yan okay!?" "HAHAHAHA, Oo na, oo na, safe sekreto mo sakin bestfriend. Nga pala Tami,? Naalala mo si kua Jerome? Ung pinsan ko sa katabi din natin na classroom?" "Yung maputi na matangkad? Yung grade 6 sa katabing classroom natin? Oo bakit??" " E kasi alam mo, bagay kau. Di ba sabi mo gusto mo makahanap ng prince charming? Gwapo naman si kuya, kung gusto mo ipapakilala ko kau sa isat isa" Tumawa ako ng malakas sa sinabe ni Ayla hindi naman kasi porket gusto ko makahanap ng prince charming Eh, hahanap na ko agad agad, bata pa ako at wala pa kong plano sa ganung bagay. "Hahaha alam mo bestfriend, baka gutom ka pa nuh? Tigilan mo nga yang pinagsasabe mo, ang bata bata pa natin. Naiisip mo na agad yang ganyang bagay" "Ah basta hintayin mo lang" kakaibang ngiti ang binigay ni Ayla sakin kaya alam ko na may kalokohan syang gagawin. "Uyy Tami, anu pinaguusapan nyo?" Nagulat ako ng marinig ko si calixto. "Ah wala calixto, pinaguusapan lang namin ni Tami ung laro kanina" Agad na sinabe ni Ayla kaya di na ko nakasagot pa, tumunog na din ang bell hudyat na tapos na ang oras ng lunchbreak kung kayat bumalik na kami sa classroom namin. "Babye Tami, Ayla. Bukas ulit laro tau, tatalunin na naman namin kau Hahahaha" patakbong umalis si calixto dahil alam nyang babatukan ko sya sa sinabe nya. Hanggang uwian, iniisip ko pa din lahat ng mga sinabe ni Ayla sakin. Siguro naman di sya seryoso tungkol sa kua jerome nya. Bukas makalwa baka nakalimutan nya na un. ____________________________________ Ilang araw ang lumipas na hindi na ulit binanggit sa akin ni Ayla ang sinabe nyang ipapakilala nya sa akin ang pinsan nyang si Jerome kaya hindi ko na lang pinansinm Tama ako baka nga nakalimutan nya na un, kaya inalis ko na din sa isipan ko. Araw ng Huwebes, breaktime namin at maingay sa buong classroom, tahimik lang ako sa upuan ko at kausap ang katabi kong si Ramon, mataba si Ramon ngunit di ko masabe kung lalaki ba sya talaga dahil madalas malambot sya kung kumilos. Nakatambay din si calixto sa amin ngaun, kausap ang mga kaklase ko na kaibigan din nya. Di ko maiwasang tingnan sya dahil sa tawa nya na dinig ko dito sa pwesto ko. Sinu ba naman ang di magkakagusto sa kanya, matalino si calixto, sobrang talino at cute pa. Hindi naman lihim na maraming nagkakagusto sa kanya lalo na sa mga kaklase kong babae kung kayat ang iba ay nagpapansin pa sa kanya. Pero ako hindi, dahil magkaibigan kami ni calixto di ko kailangan magpapansin para kausapin nya ako dahil sya mismo ang lumalapit sa akin. Kaya siguro wala din akong kaibigan na babae maliban kay Ayla dahil naiinis sila sa akin dahil ako lang ang malapit na kaibigang babae ni Calixto. Lumingon bigla sa akin si calixto at tatawa tawang kumaway, kinawayan ko din sya na parang timang. Naiinis ako sa sarili ko dahil di ako marunong magayos tulad ng nga kaklase kong babae, kaya siguro kinaibigan ako ni calixto dahil lalaki ako kung kumilos. Baka kung maganda din sana ako katulad ng iba, baka mas mapansin nya ako bilang babae at hindi bilang si tami na totomboy tomboy kumilos. "Araaayyy!!!" nagulat ako ng may humila sa buhok ko. Lumingon ako at si Ayla pala ay nasa tabi ko na. "Uyy Tami, tigilan mo na yang pagpapantasya mo kay calixto" bulong nya sa akin. "O eto, sulat galing kay Kua jerome, sagutin mo na agad para mabigay ko sa kanya pabalik". Kunot noo kung kinuha at binuklat ang sulat na binigay ni Ayla. Naginit ang mukha ko sa nabasa ko at may nakadrawing pa na babae at lalaki na magkaholding hands. Sinasabe ng kua jerome nya na gusto nya akong makilala at maging girlfriend. "A-ayla anu ba to, nakakahiya anu ssbihin ko!?" "Ayieeee!! Hahaha kinikilig ka nuh!? Sge na magresponse ka na!" Malakas ang boses ni Ayla kaya nakiususyo na ang mga kaklase namin sa pwesto namin. Pinag agawan nila ang sulat hanggang sa makita kong hawak na ito ni Calixto. "Tami? Haha sinu to boyfriend mo?" tumatawa pa si Calixto habang inaabot pabalik sa akin ang sulat. Ang tanga ko kung iisipin ko na maaapektuhan sya e magkaibigan lang kami, at malamang wala pa din sa kanya ung mga crush crush na yan dahil bata pa kami. Nasaktan ako ng konti inaamin ko, kaya kumuha ako ng ballfen at sinulatan ko ang papel ng "Sge gusto din kita makilala". Nagtilian ang mga kaklase ko ng binasa ni Ayla ang sinulat ko sa papel. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko. Nakita kong tinupi ni Ayla ang papel at sinuot sa ilalim ng pader ang sulat sa likuran ng upuan ko, at sabay kinatok ito. Ang pader kasi na harang sa bawat classrom ay plywood lang at may awang sa ilalim. Nakarinig kami ng sigawan sa kabilang classroom, at napagtanto ko na nakaupo din pala si jerome sa last row ng upuan, tanging plywood lang ang harang namin sa isat isa. Dumaan ulit ang dalwa pang araw na ganun kami magusap ni jerome, hanggang isang araw ay pinagharap kami ni Ayla at saksi ang mga kaklase namin kung paanong nagkahiyaan kami sa isat isa. Hindi na kami naguusap sa sulat dahil tuwing lunch break ay magkasama kami, hiyang hiya pa din ako at di makaimik, nalibang ako sa bagong chapter na yun ng buhay ko. Gwapo si jerome at sweet. Kung kayat di ko din napansin ang unti unting paglayo ni calixto sa akin dahil may Boyfriend na akong tinatawag. Oo, kami na ni jerome. Bata pa ako pero sigurado akong gusto ko sya. Pag nalaman siguro un nina Papa at lola siguradong lagot ako. Napansin ko din na pati si Ayla ay napansin kong mejo dumistansya sa akin dahil sabe nya ayaw nya kami maistorbo. Pero hindi lingid sa kaalaman ko na sila na palagi ni calixto ang naguusap. Binalewala ko ito dahil sabe ko nga sa sarili ko, may boyfriend na ako, si Jerome ang first boyfriend ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook