bc

Handa Nang Magmahal Muli

book_age18+
473
FOLLOW
2.7K
READ
goodgirl
mafia
drama
tragedy
twisted
office/work place
realistic earth
lies
stubborn
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Si Lucinda ay may anak na limang taong gulang— si Linden. She fulfills her duties as a mom and a dad to her son. Wala siyang hindi kayang gawin para kay Linden.Hanggang sa mapasok siya bilang kasambahay ng pamilya Sable. Wala na siyang ibang mapagpipilian. Kailangan nila ng bahay na matitirhan. At makakain sa araw-araw.Kahit na tapos siya ng kolehiyo ay pikit mata niyang tinanggap ang trabaho bilang isang katulong.

Is it possible for Lucinda to find love again? Can love last for a lifetime para sa mga katulad ni Lucy na isang single mother?

chap-preview
Free preview
Prelude
"LUMAYAS kayo dito! Tatlong buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta! Ang dami mo ng ipinangakong araw na magbabayad ka, Lucy! Hanggang ngayon, puro pangako na lang! Umalis na kayo sa apartment ko! Ang lakas ng loob niyong umupa dito. Wala naman kayong pambayad! Malulugi ang negosyo ko sa inyong mag-ina!" Walang tigil si Aling Mila sa paghagis ng mga damit ng mag-inang sina Lucy at Linden. Yakap ni Lucy ang anak na panay ang iyak. Nang matapos si Aling Mila sa pagtatapon ng mga dami nila. Kinuha ni Lucy ang mga nagkalat na mga damit nila sa lupa. Gabi na. Hindi niya alam kung saan silang mag-ina magpapalipas ng gabi. "'Nay, saan na po tayo titira?" tanong ng anak niya sa kanya. Napatingin si Lucy sa hilam ang luha sa na mukha ni Linden. Pinantayan niya ito at pinunasan ang mga luha nito sa mata. "Sa ngayon, anak. Hahanap muna si nanay ng lilipatan nating bahay. Pero wala tayong choice kundi ang magpalipas muna ng gabi sa parke." malungkot na sagot ni Lucy sa anak. "Hindi ba tayo puwedeng humingi ng tulong kina lola at lolo? Saka nagugutom na po ako." Kawawa ang anak niya. Wala na silang bahay. Wala din silang pagkain. Kung bakit kasi ngayon pa siya nawalan ng trabaho. Nagtatrabaho siya sa isang restaurant bilang serbedora. Ang sabi ng may-ari ay nalulugi na daw ang restaurant. Kaya kailangan na magtanggal ng empleyado. Isa siya sa minalas na matanggal. Tumayo si Lucy at may dinukot sa bulsa. Beinte pesos na lang ang nasa bulsa niya. May pera man siya hindi sasapat iyon para ipang-down sa lilipatan nila. Ano kaya ang maari niyang gawin? Kung hindi siya maghahanap ng trabaho ay tiyak na magugutom sila ni Laiden. "Anong gusto mong kainin, anak?" tanong ni Lucy na pinasigla ang boses. "Gusto ko po ng fried chicken! Matagal na po akong hindi nakakain ng niyon. Puwede po ba, 'nay?" Naisip niya ang beinte pesos niya. Magkakasya kaya iyon pambili ng fried chicken? Ayaw naman niyang mas malungkot ang anak. Dahil hindi niya naibigay ang gusto. Ngayon lang nagrequest si Linden. Hindi pa niya kayang ibigay. "Sige, anak. Pero isa lang. Konti na lang kasi ang natitirang pera ni nanay," pagpayag niya. Bahala na. Basta maibigay niya ang gusto ni Linden. Hawak ni Lucy sa isang kamay ang anak. Habang bitbit niya ang plastic na may laman na damit. Naglakad lang sila palabasan. Natanaw na agad nila si manong. Nagtitinda ito ng fried chicken. Kariton ang gamit nito sa pagtitinda. "Wow! Salamat po, nanay!" Tuwang-tuwa ito na natakam sa manok na nakadisplay. "Manong, magkano po ang isang hita ng manok?" "Beinte pesos, anak. Ilan ba ang bibilhin mo?" tanong ni manong kay Lucy. Napangiti si Lucy. Kasya ang pera niya pambili ng isang hita ng manok. "Isa lang ho," sagot ni Lucy. Ang laki ng ngiti niya kay manong. Kinuha ni manong ang isang hita ng manok. Inilagay ito sa loob ng plastic at kumuha pa ng isang pakpak. Pagkatapos ay ibinibigay kay Lucy. "Naku, manong, para sa isa lang po ang budget ko pambili ng manok," napakamot siya sa ulo niya. "Bigay ko na. Libre ko. Tanggapin mo na, ineng." Nakangiti na tinanggap ni Lucy ang plastic na may lamang friend chicken. "Maraming salamat po. Utang po ito. Babayaran ko po kayo kapag nakakuha na ako ng bagong trabaho." Umayon na lamang si manong. At nagpaalam na silang mag-ina sa tindero ng manok. "Inay, may pagkain na po tayo. Pero wala po tayong kanin," nanghihinayang si Linden na may ulam nga sila. Pero wala naman silang kanin. "Sa iyo na ang pakpak ng manok, anak." Pilit siyang ngumiti sa anak para hindi na ito malungkot. "Pano ka, 'nay?" "Okay lang ako. Makita lang kitang busog. Busog na ako," hinawakan pa ni Lucy ang pisngi ng anak. Saka pinanggigilan. Kaya niyang walang laman ang tiyan. Ang hindi lang niya kaya ay ang makitang nagugutom ang anak. Humagigik ng tawa si Linden. At inakbayan ni Lucy ang anak. Naglakad sila para maghanap ng puwede nilang tulugan ngayong gabi. Nang matapat sila sa isang bench ay umupo silang mag-ina. At pinakain ni Lucy ang anak. Pinagmamasdan niya itong sarap na sarap sa kinakain na friend chicken. Napangiti siya at umiling kay Linden. Nang ialok ang chicken wings sa kanya. KUMAKATOK si Lucy sa pinto nang bahay ng kaibigan niyang si Jopay. Ang make up artist niyang kaibigan. Naging katrabaho niya ito noong nagtrabaho sila sa mall. Pupungas pungas pa ng mata niya si Jopay ng mabuksan ang pinto. Parang nawala ang antok at nanlalaki ang mata nito ng makita silang mag-ina. "Lucy, gabing gabi na. Bakit ipinapasyal mo pa itong pogi kong inaanak? Ikaw talaga! Baka mahamugan at magkasakit pa si Linden sa ginagawa mo?" Sunod sunod na mga tanong ni Jopay. "Ninang, wala na po kaming bahay. Pinalayas po kami ni Aling Mila. Itinapon pa niya ang mga damit namin ni inay," sabat ni Linden na parang maiiyak. Naawang napatingin si Jopay sa anak. Saka umangat ang tingin nito sa mukha niyang maiiyak na din. "Pumasok na nga muna kayong mag-ina," kinuha ni Jopay sa kanya ang dala niyang plastic. Pagkapasok sa loob ng maliit na bahay ni Jopay ay naupo ang mag-ina. Kinandong ni Lucy si Linden. "Nakakahiya man. Pero hindi na ako magpapaligoy ligoy. Gusto ko sanang makiusap sayo na dumito muna kami ni Linden. Habang wala pa akong nakukuhang bagong matitirhan. Maghahanap ako ng bagong trabaho bukas, Jopay," kailangan niya ang tulong ng kaibigan niya ngayon. Sana ay hindi sila tanggihan. Wala na silang ibang mapupuntahan. Mataman na tumingin si Jopay sa kanya. "Ano ka ba, Lucinda, ang seryoso mo naman. Mas okay nga na dito na lang kayo tumira ni Linden. Nang may makasama ako. Saka hindi ko kayo puwedeng pabayaan na dalawa. Kaibigan mo ako. Maasahan mo sa lahat ng problema mo. At para dito sa pogi kong inaanak." Nangilid ang luha ni Lucy. "Maraming salamat, Jopay. Makakaganti din ako sa mga naitulong mo sa amin ni Linden." "Ang drama mo, Lucy. Pero iisa lang ang kuwarto ko dito sa bahay. Okay lang ba sa inyo na dito kayo sa sala matulog ni Linden?" "Okay lang. Basta may maayos kaming tutulugan ng anak ko," mabilis na sagot ni Lucy. Nagpapasalamat pa nga siya na pinatira sila ni Jopay sa bahay nito. Alam niyang maliit lamang ang bahay ng kaibigan niya. At masikip. Kaya gagawin niya ang lahat para makahanap ng maayos na trabaho. Nang makapag-ipon siya para makapagrenta ng sila apartment. "Oh, siya. Matulog na kayo," saka ito tumayo at iniwan silang mag-ina. Inaayos ni Lucy ang hihigaan nila ni Linden sa sahig. Nang matapos ay pinagmasdan ang anak. Papikit pikit na ng mata ang anak niya habang nakaupo. Napangiti siya at tinabihan si Linden. "Anak, maghugas ka na ng paa mo. Saka magbihis. Matutulog na tayo," utos niya. Tumango ito sa kanya at kumuha ng damit sa plastic na nilagyan ng damit nila. Saka pumunta sa banyo. Napabuntonghininga si Lucy. Napansin niya ang panlalata ni Linden. Lumabas ito ng banyo. Naglakad palapit sa kanya. "Inay, makakapag-aral pa po ba ako?" "Siyempre naman. Gusto ko matapos mo ang pag-aaral mo para magkaroon ka ng magandang trabaho. Saka hindi ka na magugutom. May magandang buhay," sagot niya kay Linden. Inihilig niya ang ulo ng anak sa kanya at niyakap. "Bakit po kayo? Sabi niyo nag-college kayo. Pero bakit wala po kayong trabaho?" Natigilan si Lucy. Nang makahuma ay pilit niyang ningitian ang anak. "Magkaiba naman tayo. Si nanay hindi lang nakakatiyempo na makakuha ng magandang trabaho. Ikaw, alam ko malayo na ang mararating mo. Basta magsisipag ka lang." "Bakit po hindi natin kasama si itay? Di ba po dapat siya ang nagtatrabaho para sa atin? Iyong mga kalaro ko may mga tatay sila. Ako po wala. Tinutukso na nga po ako nina Natoy. Wala daw po akong tatay," seryosong tanong ni Linden na ikinahabag niya. Hinigpitan ni Lucy ang yakap sa anak. "Ganito na lang. Si tatay nagtatrabaho sa malayong lugar. Doon sa ibang bansa. Nag-iipon pa siya para makauwi dito sa atin. Airplane ang sasakyan niya pauwi dito kaya medyo may kamahalan." Hinalikan ni Lucy sa buhok si Linden. Mayamaya ay ramdam niya ang pagtahimik ng anak. Nakatulog na pala ito. Inayos niya ang pagkakahiga ni Linden. At kinumutan. Saka niya ipinikit ang mga mata. "'YAN! Ganyan nga, inaanak. Kumain ka ng madami. Paglaki mo, isasali kita sa mga beauty contest. Tiyak na mananalo ka. Ang guwapo, e. Nagmana ka sa ninang," masayang sabi ni Jopay sa bata. Pangiti ngiti lang si Linden. At maganang kumakain. "Tigilan mo nga ang beauty contest na 'yan, Jopay. Sa babae lang ang beauty contest. Lalaki ang anak ko," saway ni Lucy sa kaibigan. "Hindi lang sa babae may beauty contest. Meron ding Mister Universe, Galaxy at Mars. Kung ayaw mo, Lucy. Isasali ko siya sa mga audition. Tapos ako ang magiging manager nu Linden." Biglang natakot si Lucy. "Hindi puwede, Jopay." "Ang kill joy nitong nanay mo, inaanak. Buti hindi ka nagmana sa kanya." Napairap si Lucy sa tinuran ni Jopay. "Kumain ka ng marami, Linden. 'Wag na 'wag mong pinagpapansin ang mga sinabi ng ninang mo," sabi ni Lucy. Napaangat ang tingin ng bata sa kanya. Saka tumango. Gumanti ng ngiti si Lucy kay Linden at hinalikan ang tungki ng ilong. PAGKAHATID ni Lucy sa anak sa day care ay agad siyang naghanap ng trabaho. Ang bente pesos niya kagabi ay ubos na. Lalakarin na lamang niya ang daan pa-bayan. Kahit ano na lang ang bakanteng trabaho para sa kanya ay papasukan niya. Hindi na siya puwedeng mamili. Importante na may trabaho siya kesa naman sa wala. "Sana swertehin na ako ngayon. Magugutom kaming mag-ina. Kapag hindi pa ako makakuha ng trabaho. Bakit kasi ipinanganak akong mahirap? Iniwan din ako kaagad nina mama at papa," hinaing ni Lucy. Medyo masama ang loob niya sa naging kapalaran ng buhay niya. Napaangat ang tingin niya sa langit. Hindi niya napigilan ang hindi mapaluha. Siya si Lucinda San Juan, galing sa pamilya na nasa medyo may kayang pamilya. Nagkasakit ang mama niya ng malubha. At nang bumigay ang katawan ay sobrang inuluksa nila ng papa niya. Anim na buwan lang simula noong mawala ang mama niya ay ang papa naman niya ang namatay. Hindi nito nakayanan ang sakit sa dibdib. At pangungulila sa asawa. Ibenta niya ang bahay at lupa nila para sa pagpapagamot ng papa niya. Pero hindi din nakaligtas ang papa niya. May kapatid siyang matanda sa kanyang ng dalawang taon— si Kuya Lawson. Nagrebelde ito at naglayas. Walang nakakaalam ng kinaroonan nito. Napadpad siya sa maliit na bayan na ito dahil sa mura lang ang upa sa mga apartment. Walang natirang pera na iniwan sa kanya ng magulang niya. Kaya pinagsikapan niyang makahanap ng trabaho. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng kanyang anak na si Linden sa buhay niya. "May bakante pa po bang trabaho dito?" tanong niya sa isang babae. Nakatayo ito sa labas ng isang kainan. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa ng babaeng nasa harapan ng tindahan. "Miss, hindi ka puwede dito. Ang kinis ng kutis mo at maputi. Masasayang lang ang ganda mo. Kapag pumasok ka dito." "Ang layo po ng sagot niyo. Gusto ko lang po makapagtrabaho. At hindi ako namimili. Basta marangal. Wala pong problema kahit na maglinis ako ng kalsada." Natawa ang babae. "Itatanong ko kay madam. Kung tumatanggap pa ng trabahante dito sa karinderya." "Salamat po." May kinuha siyang resume sa loob ng brown envelope. At ibinigay sa babae. "Hindi na 'yan kailangan. Ang kailangan dito dapat masipag. Maraming customer ang lumalabas at pumapasok ng karinderya." "Ganoon po ba." "Umupo ka na lang diyan. Kahit dishwasher ipapasok kita dito," alok ng babae sa kanya. Tumango si Lucy. Nagpasalamat siya sa pagmamagandang-loob nito sa kanya. Nang makaalis ang babae ay inilinga niya ang mata sa buong loob ng karinderya.Maliit lang iyon at may apat na lamesa lang sa loob. Pero malinis at maraming kumakain. Tinitingnan siya ng mga lalaking customer. Saka ngingitian siya. Napairap si Lucy at nag-iwas ng tingin. Niyakap ng mahigpit ang envelope na dala niya. Mayamaya ay dumadating ang babaeng kausap niya kanina. May kasama na itong isang hindi ganoong katandang babae. Nakataas ang isang kilay at may dalang pamypay. Ito na ata ang may-ari ng karinderya. "Siya po ang sinasabi ko, Madam Celia," nakangiti sa kanya na sabi 'nong mabait na babae. Tumayo si Lucy. At nagyuko ng ulo. Tinignan naman siyang maigi ni madam. "Kaya mo bang maghugas ng pinggan?" Tumango si Lucy bilang sagot. "E, mamalengke?" "Marunong po ako. May anak na po ako at gusto kong masustansiya ang kinakain niya. Kaya madalas gulay ang iluto kong ulam," sagot ulit ni Lucy. "Hindi ko tinatanong. Ang gusto ko gawin mo ang lahat ng trabaho dito. Serbedura ka, mamalengke din minsan. Kapag kailangan. At maghuhugas ka din ng pinggan. Tulungan mo si Carlota na maglinis ng karinderya." Nanlaki ang mata ni Lucy. Tanggap na ba siya? Sa wakas may trabaho na siya. "Tanggap na po ba ako?" "Oo, tanggap ka na. Ayaw ko ng batugan at mabagal kumilos. Ano nga palang pangalan mo?" sagot ni Madam Celia. Tumango ulit si Lucy. "Lucinda po. Puwede niyo po ang kong tawaging Lucy. Iyon po ang madalas na tawag nila sa akin." "Carlota, ikaw na ang bahala kay Lucy. Turuan mo ng mga trabaho dito. Sana hindi ka na magrereklamo na wala ka ng kasama," baling nitong sabi kay Carlota. "Opo, madam." Iniwan at umalis na si Celia. "Salamat, Ate Carlota. May trabaho na po ako. Tiyak na matutuwa ang anak ko nito," masayang pasasalamat ni Lucy. "Wala 'yon. Nakita ko kasi na parang pagod ka na. Saka hindi bagay sayo ang pinagpapawisan kahahanap ng trabaho." "Mapagbiro ka din, Ate Carlota. Hayaan mo sa unang sahod ko. Ililibre kita," natutuwang turan niya. "Sinabi ko na. Hindi mo na ako kailangan na gantihan sa tulong ko sa 'yo. Mas kailangan mo ang pera para sa anak mo." Hinawakan ni Lucy ang kamay ni Carlota. "Aalis na po ako. May magandang balita ako para kay Linden." "Sige na umuwi ka na. Bukas ng umaga pumunta ka dito ng ala singko. Sandali may ibibigay pala ako sa 'yo." Umalis ito at pumunta ng kusina. Ilang sandali lang ay lumalapit na ito kay Lucy. "Lucy, dalhin mo na ito. Sa inyo ito at sa anak mo," sabay abot ng isang plastic ng ulam. Kinuha ni Lucy at ngumiti kay Carlota. "Salamat, ate." Saka umalis na siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook