AGAD BINAWI ni Lucy ang mgq kamay niya sa binata. Nalilito at naguguluhan siya. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat na iisipin. "Para wala na pong gulo. At hindi na magalit si Ma'am Cleo sa amin ni Linden. Alam ko naman po na kaya n'yo kaming ipagtanggol ni Linden laban sa kanya. Pero hindi n'yo po maiaalis sa akin ang mag-alala. 'Di para sa sarili ko, kun'di para sa anak ko," paliwanag din ni Lucy. Mataman na tumitig sa kanya ang amo. Parang may kung ano sa mga mata nito na bigla siyang nalungkot. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mo, Lucy? Baka kaya nasasabi mo lang 'yan dahil galit ka? Akala ko kasi hihingi ako ng sorry sa 'yo. Tapos babalik na ulit tayo sa dati. I'm really, really sorry for what happen. Sa mga ginawa sa inyo ni Cleo," malungkot ding sabi ng binata. "Nanay, '

