NILILINIS ni Lucy ang kuwarto niya habang nagtatrabaho siya sa kanyang laptop. Pinili niyang magtrabaho malapit kay Lucy. Pagkatapos nang nangyari sa kanila kagabi ay hindi siya pinatulog ng dalaga. Panay ang panakaw na tingin niya sa dalaga. Sinusundan ang bawat galaw nito. Nangingiti siya ng lihim. Para siyang tanga habang pa-sekretong nakatingin lamang kay Lucy. "Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong nito. Nagtaka siya. Alam ba nito ang panakaw niyang tingin? "Napapansin ko pong hindi kayo nakatingin sa laptop niyo. Kitang kita ko po kayo r'to sa salamin ng bintana." Sinundan niya ng tingin ang salamin. Malinaw ang repleksyon niya sa bintana. "N-Nothing." At napakamot siya ng ulo sa pagkapahiya. First time in his life, OA siya sa harap ng isang babae. Ayaw niyang bigyan ng kahuluga

