NASA office si Martin ngayon, ayaw na muna niyang umuwi, dahil nandoon na naman ang asawa niyang si Sharlene, sa pagtulog, hindi sila magkatabi, napipilitan lang siya palagi, na sumabay minsan sa pagkain sa hapag kapag nandoon ang kanyang anak na si Ashley. Ayaw na niyang maglaro ng bahay – bahayan pa, pero kahit anong pilit at p*******t nito sa damdamin ay walang pakialam si Sharlene noon. Ewan ba niya kung hanggang kailan magigising sa katotohanan ang asawa niya. Napabuntong – hininga na lamang siya, magpapagabi na naman siya para tulog na ang nasa bahay. Magpapalipas na muna siya ng gabi sa kanyang kompanyang pinagtatrabahuan. Bigla na lang nag – vibrate ang phone niya, may tumatawag sa kanyang numero, agad niyang tiningnan kung sinong napatawag. Napangisi siya at agad niyang sina

