GULONG – GULO ang isipan ni Sharlene ngayon, wala siyang pakialam sa asawa niya ngayong nasa labas. Iniisip niya ang kaligtasan ng anak niya. Naging pabaya ba ako kay Ashley? Napatanong niya sa kanyang sarili noon. Gusto niyang saktan ang sarili niya dahil sa desisyon niya noong pinayagan niya ito sa field – trip. Gusto niyang sabunutan ang sarili niya, pero, hindi siya dapat magwala ngayon, pinakalma niya ang sarili niya. Noong nabalitaan niya ang nangyari, biglang binuhusan siya na malamig na tubig at ang puso niya’y gustong kumawala sa katawan niya. Hindi pa niya alam kung anong mangyayari sa paaralan, lalong – lalo na sa basic department ngayon, narinig niyang marami ang nangamatay na mga bata na ang iba’y dead on the spot o kaya’y dead on arrival. May ibang bata rin na kagaya s

