“PUNTAHAN na muna natin si Sharlene.” Iyon lang ang sinabi ni Sheila noong kumalma na si Martin. Hindi ito sumagot sa kanyang suhestiyon. “Come on, sasamahan kita roon.” Sabi pa niya na hinawakan ang kamay ni Martin. “Yeah, whatever.” Ilang oras ding hindi ito umimik at nagrereklamo ito sa bayarin, kaya naman, kinausap niya ito nang masinsinan. Ngayon, lumabas na sila sa kotse, medyo tahimik na rin ang paligid, kumpara kanina na maraming mga tao at nag – iiyakan sa loob ng ospital. Sumunod sa kanya si Martin papasok sa hospital, hinanap ng kanyang paningin si Sharlene at kapatid niya, nakita niya si Vivianne, nagtatanong sa Information Desk, kaya naman, kinalabit niya si Vivianne. Napatingin naman ito sa kanilang dalawa. “Nandito pa pala kayo?” tanong naman sa kanila. “Ah, oo, pat

