KUNG kailan ko nahanap ang pamangkin ko, kung kailan ko nasilayan ang batang hinahanap ko nang kay tagal. Punong – puno ng pagsisisi ang isipan ngayon ni Manuel. Tiningnan niya ang batang nasa kulungan din, ngayon lang niya napagtantong kamukhang – kamukha nito ang hubog ng pisngi nito sa ina. Mahina siyang napatawa, gusto niyang abutin ang batang nakakulong. “Tumigil ka na, Manuel, nasilayan mo na ang pamangkin mo, kaya itigil mo na iyang kahibangan mo.” Iyon lang ang narinig niya na nanggaling kay Angely. Napakuyom siya sa kanyang palad, tahimik lang niyang tiningnan ang kasama niya napatango – tango pa siya. “Kung hindi ba kita nakilala noon, masaya sana ako sa piling ni Leah.” Napasabi naman niya. Napalingon ito sa kanya at masama siyang tinitigan. “Sa palagay mo ba’y maibabalik

