NAKATITIG pa rin si Sharlene sa isang pulseras na kanyang nakita sa cabinet ng kanyang lola ngayon, hinihila siya nito kaya naman, hinilam ito sa kanyang kamay. Ellena, sino ka ba talaga? Napatanong sa kanyang isipan. Kapag binabanggit niya ang pangalan na iyon, tila may gustong magpumiglas na alaala sa kanyang isipan, ngunit, pinipigilan nito ng isang bagay hanggang sumakit ang sentedo niya kapag pinipilit niyang pakawalan iyon. Dinadalaw naman siya ni Lawrence, pero, ngayon, hindi na muna sila magkikita pa, at bumalik na rin si Tashia matapos ang ginagawa nito rito sa bayan. Nagulat siya sa kwentong narinig niya galing kay Lawrence na pamamahay ito ni Leah. Kaya pala may mga koneksyon pa rin ako sa kanya rito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan ngayon. Bukas, kailangan na niyang

