NABIGLA na lang si Vivianne nang biglang napasugod ang si Sharlene sa private room na halata sa pagmumukha nito na nalilito. Pabalik – balik lang ang tinging ipinukol ni Sharlene sa kanya at kay Tashia, hindi niya mawari kung anong nangyari kay Sharlene. “A –Ate, ayos ka lang ba?” tanong namang nag – aalala ni Tashia sa kanilang kaharap ngayon. Bigla na lamang silang niyakap nito. “Walang magbabago, ako pa rin ito.” Napakunot naman ang kanyang noo sa sinasabi nito sa kanila ngayon. Nagkatinginan naman silang Tashia na humagolhol sa pag – iyak, ngayon lang niyang nakitang umiyak si Sharlene, dahil simula pa pagkabata nila noon, nagiging matapang ito, hindi ito madaling magpakita nang kahinaan sa harapan ni kahit sino. Pero ngayon, hinayaan na lamang nilang maging mahina ito, pinakalma

