BIGLA na lamang may tumawag kay Lawrence. “Sorry, lalabas lang ako saglit.” Paghihingi niya nang pasensya sa mga kasama nito. Tumango lang si Justine sa kanya, hindi naman kumibo si Martin. Nang nakalabas na si Lawrence, tiningnan niya kung sinong tumatawag sa phone niya. Sharlene? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. Dali – dali niya itong sinagot. “Lawrence, hindi ka ba abala ngayon?” tanong naman nito sa kanya. Halata sa boses nito na may nais itong puntahan na lugar ngayon. “Why?” tanong naman niya. “Magpapatulong sana ako sa iyo, ang dami kong katanungan ngayon.” napasabi na lamang. “May kausap kasi ako ngayong mga tao.” Napasabi na lamang niya. “But, if you’re okay, I will go to your place, after that.” Napasabi na lamang niya. “Kami na lamang ni Vivianne ang pupunta r

