MATAPOS ang kanilang pag – uusap, hindi naman iyon inaasahan ni Sharlene na nandoon ang lalaking iyon. Napabuntong – hininga na lamang siya. Napaupo siya at tiningnan niya ang kanyang pulseras. “Ikaw nga iyong batang nakausap ko noon.” Lumapit sa kanya si Martin na hinila pa ang pulseras niya. Napakunot naman ang kanyang noo. “Nakausap ba kita noon? Pasensya ka na kung hindi ko pa naalala iyon.” Paghihingi niya ng pasensya sa kaharap niya. Hindi niya maunawaan kung bakit siya tinitingnan ni Justine ngayon. Baka hinihingi na naman nito ang divorce paper, hindi ko pa naman iyon dala. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. “Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong naman ni Vivianne sa kanya. Napansin niyang hapong – hapo ang katawan nito ngayon, siguro dahil sa paglalakbay nito para makita nila

