Violet's Pov
Dalawang araw na din simula ng mangyari ang incidente na muntikan na akong marape. Dalawang araw na din akong hindi pumasok dahil nilalagnat ako. Biglaan nga lang din, siguro ay dahil sa nangyari kaya bigla akong nilagnat.
Ngayong hapon ay naghahanda na ulit ako para pumasok sa trabaho. Magaling naman na ako at uminom naman na din ako ng gamot. Hindi kasi pwedeng hindi pa ako pumasok ngayon dahil kailangan ko ng pera.
Buti sana kung wala akong bayarin para hindi ako pumasok. Pero ako lang naman mag-isa at wala naman akong aasahang iba kaya dapat lang na pumasok ako.
Kumain naman na din ako at tapos na din ako naligo. Yung uniform ko nga ngayon na palda ay hindi ko muna sinuot. Nagsuot na muna ako ng pantalon at balak ko na sa pagdating ko nalang sa bar isusuot ang palda ko.
Dalawang araw akong hindi lumalabas ng bahay at kahit nakaka inis ang ginagawa ng kapitbahay kong pulis na nagpapatugtog ay hindi ako nagreklamo. Hinayaan ko nalang at habaan nalang ang pasensya sakanya. Iniisip ko nalang na may pagka isip bata siya at dapat wag patulan.
Natapos akong mag ayos kaya kinuha ko na ang bag para pumasok na sa trabaho. Inagahan ko talaga ngayon dahil ayaw ko ng maulit ang nangyari sa 'kin.
Lumabas ako ng bahay at nakahinga ng malalim dahil wala ang kapitbahay ko. Dalawang araw ko na din hindi nakikita ang nakakairita niyang mukha, este.. gwapong mukha pala dahil nga sa hindi ako lumalabas.
Sinigurado kong naka lock ang pinto ng bahay saka ako naglakad papunta sa gate at lumabas.
Napalingon pa ako sa bahay ni Diego na tahimik ngunit nakabukas naman ang ilaw.
Ibinalik ko nalang ang aking tingin sa daan at naglakad sa unahan para mag abang ng tricycle.
Tumayo ako at panay ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng kalsada para mag abang ng masasakyan. Panay nga ang dasal ko na kahit sana may kasabay akong sumakay ay ayos lang bastaay kasama ako.
Ngunit lumipas ang 10 minutes ay wala parin akong makitang tricycle. May dumadaan pero papunta naman sa ibang barrio. Ang kailangan ko kasi ay yung papuntang way ng bayan.
Maaga nga ako gumayak para makaalis na ng bahay pero na tengga naman ako dito sa kalsada para mag abang ng tricycle. Kainis naman talaga eh.
Dumidilim na pero nandito parin ako. Hindi pa naman ako late pero ang inaalala ko ay baka makasakay na naman ako ng tricycle na manyak.
Sa pag aabang ko ng tricycle ay may nakita akong naglalakad sa kalsada na lalaki. Napabuga ako ng hangin at nag iisip kung papansinin ko ba siya o hindi. Bakit naman kasi ang tagal dumaan ng mga tricycle? Kapag hindi ako nag aabang panay ang daan, ngayon naman na nag aabang ako wala ng dumadaan. Pambihira talaga!
"Hi, Ms. Sungit." Bati sa 'kin ni Diego ng makarating siya sa harapan ko.
Ngumiti lang ako ng pilit at yumukod sakanya na para bang ginagalang siya. Dapat kong gawin yun para alam niya na mabait naman pala ako at hindi ako tigre.
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko trip siyang kausapin kaya ngumiti lang ako sakanya.
"Papasok ka na sa work mo?" Tanong niya sa 'kin.
Tumango naman ako. "Oo," tipid kong sagot.
"Eh anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka nag aabang ng tricycle kung pwede naman do'n ka maghintay sa tapat ng gate natin." Tanong niya habang nakakunot ang noo. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil simula naman na naging kapitbahay ko siya ay dito talaga ako nag aabang dahil naiinis ako sa pagmumukha niya. Alangan naman sabihin ko sakanya yun.
Hinalukay ko ang isipan ko kung anong isasagot ko sakanya. "Ahm.. mas madali po kasi dito mag abang." Sagot ko nalamang habang nakatingin ako sa kalsada.
"Eh bakit hindi ka parin nakasakay?" Tanong na naman niya. Ang kulit talaga ng lalaking 'to. Konting konti
nalang talaga at masisigawan ko na naman siya. Pero naalala ko na SPO2 siya kaya pipigilan ko na muna ang sungay ko na lumabas.
Hindi nalang ako sumagot at kinagat nalang ang ibabang labi ko para mapigilan ko ang aking sarili.
Hindi parin siya umalis sa harapan ko at nakatitig lang siya sa 'kin. Parang ewan talaga 'tong pulis na 'to eh. Gusto ko sana siyang paalisin sa harap ko pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Piste talaga, hindi ako sanay maging mabait sakanya lalo na kapag hindi niya ako tinatantanan.
"Gusto mo hatid kita sa bar? Baka malate ka kapag naghintay ka pa dito." Pag o-offer niya sa 'kin. Napatingin ako sakanya at hindi ko alam kung sigurado ba siya sa sinasabi niya.
"N-Naku.. wag na po! Baka may dumaan na tricycle naman. Antay- antay nalang po ako." Pagtanggi ko sa offer niya.
"Wala talagang dadaan ngayon dahil may sabong na nagaganap sa pang-apat na barrio. Fiesta kasi do'n at naka gawian nila na may sabong." Sagot niya. Itatanong ko sana kung bakit may sabong pero wala naman akong karapatan magtanong kaya manahimik nalang ako.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko at iniisip ang sinabi ni sir Diego. Mukhang totoo naman yata dahil wala talagang nadaan. Puro papunta do'n sa barrio.
"Hatid na kita," saad niya sabay hawak sa kamay ko.
Agad ko naman hinila ang kamay ko kaya tumingin si sir Diego sa 'kin.
"Wag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng masama sa'yo." Saad niya sabay hawak ulit sa kamay ko.
Nagpatianod nalang ako at hinayaan siya na hilain ako papunta sa nakaparada niyang kotse.
Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng passenger seat saka ako pinapasok sa loob. Gentle dog naman pala ang kapitbahay ko s***h pulis.
Isinara niya ang pinto saka siya umikot papunta sa driver seat. Pumasok siya sa loob ng kotse at agad na binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad.
Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat at nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Narinig kong tumikhim si sir Diego kaya lumingon ako sakanya. Nakita ko na nakatingin pala siya sa 'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya.
"Gawin mo nalang kaya akong driver mo. Taga hatid at sundo mo sa trabaho." Saad niya kaya nanlaki ang mata ko.
Agad akong umiling sa kalokohan niyang naisip. "Wala po akong perang pansahod sa'yo, sir." Sagot ko naman.
"Sir? Wag mo akong tawaging sir. Diego nalang o di kaya tulad ng dati tawagin mo nalang ako ng abnormal o di kaya mahangin o kahit ano." Sabi niya kaya napangiwi ako. May hinanakit pa yata 'to sa 'kin eh.
"Nag sorry naman po ako, sir ahh.. dapat nga mag sorry ka din sa 'kin lalo na yung ginawa mo sa panty ko." Nakanguso kong sabi. Bastos naman talaga siya eh.
"Mainit kasi kaya kailangan ko ng pantakip sa ulo ko nong araw na yun. Katamad pumasok sa bahay para kumuha ng sombrero. Sakto naman na lumipad ang panty mo papunta sa 'kin kaya yun nalang ginamit ko." Sagot niya kaya agad uminit ang magkabilaang pisngi ko.
"K-Kalimutan mo na nga lang yung panty ko, s-sir." Nauutal ko pang sabi dahil sa hiya.
"Ano? Tatanggapin mo ba offer ko? On time akong driver kapag pumayag ka." Sabi na naman niya kaya napangiwi ako.
Bigla naman huminto ang sasakyan dahil medyo traffic. Ewan ko ba kung bakit biglang nag traffic. Madami din kasi ditong mga triycle na dumadaan.
"Wag nalang po, sir. Hindi ko po afford mag bayad ng pamasahe sa ganitong sasakyan. Hanggang tricycle lang po ang kaya ng budget ko." Sagot ko sakanya.
"Eh pano kung sabihin ko na hindi pera ang kailangan kong bayad. Kung pera lang naman ang pag uusapan ay hindi ko kailangan yun." Sabi niya kaya kumunot naman ang noo ko.
"May pwede pa bang ipang bayad bukod sa pera, sir?" Tanong ko pa sakanya, Sinasapian na naman yata siya ng ka abnormalan niya.
"Oo, meron. Ito ohh.." sabi niya sabay lapit sa mukha
niya sa 'kin. Sobrang bilis ng pangyayari at halos napakurap nalang ako ng marealize ko na magkadikit ang labi naming dalawa.
Masusuntok ko na talaga siya sa esophagus dahil sa ginawa niyang paghalik sa 'kin.