CHAPTER 15

1110 Words
Violet's Pov TAHIMIK parin akong nakaupo sa passenger seat at parang hindi ko na din yatang makuhang huminga dahil sa kaba. Kumunot ang noo ko ng mapansin ko na hindi kami papunta sa bar kundi iniliko niya ang sasakyan. "Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko sa mahinang boses. "Sa bahay mo. Hindi ka pa maayos kaya dapat lang na wag ka munang pumasok." Sagot niya habang naka focus sa daan. "P-Pero.. sayang yung gabi ko. Ayos naman na ako," sagot ko kaya lumingon lang siya sa 'kin. "Eh bakit ka ganyan? Bakit parang ang hinhin ng boses mo? Wag mong sabihing bumait ka dahil sa nalaman mo sa 'kin." Saad niya habang palipat- lipat ng tingin sa ' kin at sa daan. Napakagat ako sa ibabang labi ko at nahihiyang sabihin na dahil nalaman ko na pulis siya kaya ako naging mabait. Bumuga ako ng hangin saka ako lumingon sa lalaki. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya akong ilahad ang kamay niya sa harapan ko. "I'm Diego Sanderson, Ms. Sungit. Para naman hindi mo na ako tawagin ng kung ano-ano." Pagpapakilala niya Palipat-lipat ang tingin ko sa kamay niya at sa kanyang mukha na nakangiti sa 'kin. Ibinalik din naman niya ang tingin sa daan ngunit yung kamay niya ay nakalahad parin sa harapan ko. Inabot ko ang kamay niya at napipilitang ngumiti. Ayaw ko sanang sabihin sakanya ang totoo kung pangalan. Pero wala din naman silbi dahil malalaman din naman niya dahil isa siyang pulis. Baka nga alam na niya eh pero gusto lang talaga niya tanungin ang pangalan ko." V-Violet Balthazar." Pagpapakilala ko sa kanya. "Yun.. pinahirapan mo pa ako eh, may pa Lorelai-Lorelai ka pang nalalaman." Sabi niya habang na iiling pa. Napangiwi ako dahil naalala pa pala niya yun. Hinila ko naman ang kamay ko saka ako umayos ng upo. Tumingin nalang ako sa bintana ng kotse at hindi na nagsalita pang muli. "Magpahinga ka muna ngayon. Siguro naman maiintindihan ng boss mo kung bakit hindi ka makakapasok." Saad niya sa seryosong boses. Y Marunong pala mag seryoso ang mukong na 'to. Akala ko kasi puro pang aasar lang ang ginagawa niya eh. Hindi ko nalang sinagot ang sinabi niya at hindi na nagsalita pa. Mamaya ko nalang tatawagan ang mga ka trabaho ko at sabihin ang nangyari sa 'kin. Natakot na tuloy ako sumakay ng tricycle dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung anong sasakyan ko pag pumasok ako ng trabaho lalo na't gabi na. Napabuga nalang ako ng hangin ng pumasok sa isipan ko ang kutsilyo na itinutok ng manyakis na lalaking yun. Nakarating kami sa tapat ng bahay namin mismo at agad na iginilid ni Diego ang sasakyan. Tinanggal ko naman ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko saka ako humarap sakanya. "Thank you po ulit, sir Diego. Thank you po ulit sa pagligtas sa 'kin. Kung hindi ka po dumating ay baka na rape na ako ngayon at baka nga malamig na bangkay na ako. Kaya maraming salamat po at pasensya na sa mga sinabi ko sa'yo. Ikaw naman din kasi eh, mapang asar ka pero sorry parin." Mahaba kong sabi kaya natawa naman siya. Hindi ko tuloy maiwasan mapatitig sa mukha niya. Ang sarap kasing pagmasdan ng mukha niya habang tumatawa. Agad kong iniwas ang mukha ko at ibinalik ang tingin sa harapan. "Yun lang po, sana po kalimutan na po natin ang nakaraan." Dagdag ko pang sabi. "Sorry, Ms. Sungit pero hindi ako tumatanggap ng thank you lalo na ang sorry mo. Nasaktan mo na ang damdamin ko sa mga tawag mo sa 'kin." Madrama niyang sabi. Ang sarap niyang irapan pero hindi ko magawa. "Kasalanan mo din naman kasi kung bakit ko nasasabi ang mga yun. Kay dapat nga din mag sorry ka sa 'kin eh, "depensa ko din naman sa sarili ko. "Hindi ako mag so-sorry dahil wala naman akong ginagawang masama kundi maging gwapo sa mundong 'to." Mahangin niyang sabi. Hindi nalang ako sumagot pa at binuksan nalang ang pintuan ng kotse at baka masigawan ko lang ang hinayupak. Nagtitiis pa naman ako at baka masigawan ko na naman siya. Naisipan kong bumaba ng kotse at hinayaan nalang ang lalaki. Bago ko isinara ang kotse ay tumingin muna ako sa kanya saka ako yumukod para magpaalam. Isinara ko ang kotse at dali-dali akong naglakad papasok ng gate at hindi na isinara dahil papasok pa naman siya. Hindi na ako lumingon pa hanggang sa makarating ako sa harap ng bahay ko. Inilabas ko ang susi ng bahay at binuksan ang pinto gamit nito. Pumasok agad ako at isinara ang pinto at sinigurong naka lock yun. Umupo nalang muna ako dahil napagod ako sa nangyari ngayong gabi. Kinuha ko na din ang cellphone na nasa bag para tawagan si Luke at sabihin ang nangyari sa 'kin. Sumagot naman agad ang kaibigan ko at sinabi ko sakanya ang nangyari. Bakas sa boses ng kaibigan ko ang pag aalala sa 'kin at gusto sana akong puntahan dito sa bahay para ma check daw nila ako ni Chim. Alam ko naman na pagod na sila pag out nila sa trabaho kaya sinabi ko na magpahinga nalang sila at magiging maayos na ako. Inutusan ko din si Luke na tawagan ang boss namin para ipagalam ang nangyari sa 'kin. Nang matapos ang pag uusap namin ni Luke ay tumayo na ako at tinungo ang kwarto. Gusto ko ng magpalit ng damit ko. Napagod talaga ako ngayon at naubusan ako ng lakas sa nangyari. Hindi ko talaga makakalimutan yun na muntik akong marape. Sana ay hindi na makawala ang siraulong matandang yun para hindi na makabiktima pa ng ibang babae. Natapos akong magbihis kaya humiga ako sa kama. Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko dahil may pumasok na message. Nasa kama ko lang naman ang cellphone ko kaya kinapa ko at tinignan kung sino ang nag text. Nakita ko ang pangalan ni Luke at sinabi na nakausap na niya ang boss namin. Tinanong pa ako ng boss ko daw kung kamusta na daw ako. Pinayagan din ako na wag muna pumasok din bukas para magpahinga sa nangyari. Pero parang ayaw kung pumayag dahil sayang ang pera. Sayang ang sahod pero yung boss ko talaga ang nagsabi na wag akong pumasok. Nag reply lang ako sa kaibigan ko saka ko inilapag ang phone sa kama. Napabuga ako ng hangin habang nakatulala na naman sa kisame. Nag aalala ako sa bayarin ko kaya sana gusto kong pumasok ng trabaho bukas. Kainis ang tricycle driver na yun, siya ang dahilan kung bakit 'to nangyari. Pati tuloy pagsakay ko sa tricycle ay kinakatakutan ko na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD