Violet's Pov
KINAKABAHAN ako habang nakatingin sa paligid habang nanginginig ang mga kamay ko sa takot. Agad akong lumingon sa driver kahit pa nga ay takot na takot ako sa pwedeng mangyari sa 'kin.
"Manong.. mali po ang way na dinadaanan natin." Saad ko at hindi pinahalata na natatakot ako.
"Ang ganda mo naman, hija. Paisa na muna ako bago kita ihatid sa pupuntahan mo. Sa langit kita dadalhin kapag pumayag ka." Sagot ng lalaki na sa hula ko ay nasa 47 ang edad niya or 50. Mas lalo lang ako natakot at pinagpapawisan ng malapot dahil sa sagot niya.
"Wag ka pong magbiro ng ganyan, manong. Ihatid mo na po ako." Saad ko habang takot na takot.
"Mamaya na. Ito naman masyadong nagmamadali sa pupuntahan. Wag ka ng manlaban pa sa 'kin lalo na't may dala akong kutsilyo. Baka malaslas ko lang ang leeg mo." Banta niya sa 'kin kaya napalunok ako ng ilang beses. Nanginginig ang kamay ko na pasekrito na tinawagan ang ka trabaho ko na si Chim, ngunit hindi sumasagot ang babae. Sinubukan ko din si Luke ngunit ganun pa din, nag ri-ring lang ang cellphone siguro ay nasa bar na sila. Lahat kasi ng phone namin ay iniiwan namin sa isang drawer kaya panigurado ako na walang tutulong sa 'kin ngayon.
Ang malas ko naman, bakit sa isang manyak pa ako na saktong sumakay ngayong gabi. Dito na yata ako mamatay tapos mara-rape pa ng hayop na 'to. Kung alam ko lang na mangyayari sa 'kin 'to ay dapat nagpagalaw nalang pala ako sa kapitbahay namin na gwapo kahit mukhang manyak. At least yun gwapo at yummy ang katawan, pero 'tong tricycle driver na 'to ay bukod sa matanda na aya nakakadiri pa ang mukha dahil ang pangit. Pisteng buhay talaga 'to.
Naiiyak na talaga ako sa sitwasyon ko lalo na ng huminto ang sinasakyan kong tricycle at agad na bumaba ang driver. Mas lalo akong napaiyak ng umikot siya papunta sa 'kin at hinawakan agad ang kamay ko.
"Manong wag po.." nagmamakaawa kong sabi habang umiiyak. Ito ang pangalawang beses na umiyak ako, ang una ay nang mamatay ang mga taong nagpa aral sa 'kin dahil sa aksidente. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa 'kin 'to at mukhang katapusan ko na talaga. Ano ba naman kasing laban ko sa lakas ng lalaki. May hawak pa talaga siyang kutsilyo at nakatutok yun sa 'kin..
"Bumaba ka na kasi. Wag ka ng pumalag para hindi kita patayin. Saglit lang naman tayo eh," sabi pa niya sabay hila sa 'kin pababa ng tricycle.
lyak lang ako ng iyak at natatakot ako na baka totohanin niya na papatayin ako. Madilim na talaga ang paligid at kahit isang tao man lang ay wala akong makita. Napapikit nalang ako kaya umagos ang luha sa pisngi ko.
Ngunit napasinghap ako ng may marinig akong tunog
Ang malas ko naman, bakit sa isang manyak pa ako na saktong sumakay ngayong gabi. Dito na yata ako mamatay tapos mara-rape pa ng hayop na 'to. Kung alam ko lang na mangyayari sa 'kin 'to ay dapat nagpagalaw nalang pala ako sa kapitbahay namin na gwapo kahit mukhang manyak. At least yun gwapo at yummy ang katawan, pero 'tong tricycle driver na 'to ay bukod sa matanda na aya nakakadiri pa ang mukha dahil ang pangit. Pisteng buhay talaga 'to.
Naiiyak na talaga ako sa sitwasyon ko lalo na ng huminto ang sinasakyan kong tricycle at agad na -bumaba ang driver. Mas lalo akong napaiyak ng umikot siya papunta sa 'kin at hinawakan agad ang kamay ko.
"Manong wag po.." nagmamakaawa kong sabi habang umiiyak. Ito ang pangalawang beses na umiyak ako, ang una ay nang mamatay ang mga taong nagpa aral sa 'kin dahil sa aksidente. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa 'kin 'to at mukhang katapusan ko na talaga. Ano ba naman kasing laban ko sa lakas ng lalaki. May hawak pa talaga siyang kutsilyo at nakatutok yun sa 'kin.
"Bumaba ka na kasi. Wag ka ng pumalag para hindi kita patayin. Saglit lang naman tayo eh," sabi pa niya sabay hila sa 'kin pababa ng tricycle.
lyak lang ako ng iyak at natatakot ako na baka totohanin niya na papatayin ako. Madilim na talaga ang paligid at kahit isang tao man lang ay wala akong makita. Napapikit nalang ako kaya umagos ang luha sa pisngi ko.
Ngunit napasinghap ako ng may marinig akong tunog
ng motor na papalapit sa gawi namin. Napatili ako sabay takip sa tenga ko ng marinig ko ang putok ng baril at ang daing ng tricycle driver. Nabitawan niya ang ang isa kong kamay at bumagsak siya sa damuhan habang iniinda ang natamaan niyang braso.
Nanginginig akong tumingin sa lalaking naka motor ng huminto ito sa likod ng tricycle. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng helmet.
Napasunod ang tingin ko sa dalawang kamay niya ng hawakan niya ang kanyang helmet at hinubad 'yon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kapitbahay ko na manyak. Iniling pa niya ang kanyang ulo saka siya bumaba sa mamahalin niyang motor.
Tumingin siya sa 'kin saka siya lumapit. "Ayos ka lang ba?" Parang abnormal niyang tanong.
"Ayos lang ba ako? Ayos lang ba na muntik na akong marape dahil sa manyakis na matandang yan. Ayos lang ba ako sa patalim niyang hawak. Natural hindi!!!" Sigaw ko habang mangiyak-ngiyak sa nangyari. V
"Tangina! Niligtas na nga lahat-lahat masungit parin." Reklamo pa niya saka lumapit sa tricycle driver na hindi parin nakabangon at dumadaing sa sakit.
Nakita kong sinipa ng lalaki ang tuhod no'n at ang sumunod no'n ay tunog ng sirena ng pulis. Nakahinga na talaga ako ng maluwag dahil nakaligtas ako.
Lumapit ulit sa 'kin ang lalaki na kinaiinisan ko at hinawakan ang kamay ko. Ang init ng palad niya at hinayaan ko lang siya na hawakan ang kamay ko na nanlalamig parin.
Kinausap ako ng pulis sa nangyari at nalaman ko na isa pala sa wanted ang tricycle driver sa ibang probinsya na nagtatago dito sa Bicol. Yung takot ko kanina ay napalitang ng gulat ng marinig kong tinawag na SPO2 Sanderson ang kapitbahay ko. Mas nakakaginbal pa pala ang malalaman ko dahil isang pulis pala ang tinatawag kong manyak. Hindi lang basta-basta na pulis kundi mataas din ang ranggo. Nakakahiya!
Nagtatakip tuloy ako ng mukha gamit ang cardigan dahil sa hiya ko sa lalaki. Hays.. naalala ko pa ang mga tawag ko sakanya at kung paano ko siya sigawan tapos SPO2 pala siya. Lintik talaga! Gusto ko nalang talaga maging halamang gamot sa bukid.
Dinala pa ako sa police station para makuhaan daw ako ng statement. Gusto pa sana ng kapitbahay kong lalaki na sumakay ako sa motor niya ngunit hindi ako pumayag. Nahihiya talaga kasi ako sakanya. Hindi ko alam kung paano ako mag so-sorry sa mga pinagsasabi ko.
Nakarating kami sa police station at agad akong kinuhaan ng statement ng isa sa mga pulis do'n. Nang matapos na ako ay tinanong ako kung gusto ko ba daw na ihatid ako. Ngunit biglang sumulpot ang kapitbahay ko at hinila ako palabas ng police station.
Kung hindi ko pa alam na isa siyang pulis ay baka kanina ko pa siya sinigawan, pero dahil alam ko na kaya heto ako.. tikom na ang bibig at nagmumukha akong maamong tupa.
Nagtaka pa ako dahil hinila niya ako sa nakaparadang kotse. Sa pagkakaalam ko kasi ay naka motor siya.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng passenger seat kaya wala akong choice kundi pumasok dahil inalalayan niya akong makapasok sa loob. Isinara niya ang pinto at agad siyang umikot papunta sa driver seat. Binuksan niya ang pintuan saka siya pumasok sa loob.
Yumuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya. Napa angat ako ng tingin ng makita ko ang hawak niyang bottled water at parang binibigay niya sa kin.
Ngumiti ako ng pilit at tinanggap ang inabot niya saka ako nagpasalamat. "Ayos ka na ba?" Tanong pa niya sa 'kin kaya tumango ako.
"Bakit parang nawala ang pagiging tigre mo? Ayos ka lang ba talaga?" Tanong pa talaga niya kaya napabuga ako ng hangin. Nawawala talaga pagka tigre ko dahil sa nalaman ko sakanya. Sino ba naman ang hindi lalambot lalo na't SPO2 ang sinisigawan ko. Boset talaga! Dapat na kaya ako mag sorry sakanya.
Tumango lang ako sakanya at hindi parin ako nagsasalita. Binuhay naman niya ang makina ng kotse kaya tumingin ako sakanya.
"S-Sir.." tawag ko sa kanya kaya lumingon siya sa 'kin habang ang mga mata niya ay nanlaki. Siguro ay hindi niya inaasahan ang tinawag ko sakanya. Nahiya naman ako at agad akong nag iwas ng tingin sakanya. "Pwede po bang ihatid mo ko sa bar? Papasok po kasi ako," saad ko sa mahinang boses.
Narinig ko naman ang biglang pag ubo niya na parang nabilaukan ng laway. Piste talaga!
"Hindi ako sanay na ganyan ka, Ms. Sungit. Hindi ko parin makakalimutan na tinawag mong mushroom ang alaga ko." Saad niya at pinausad ang kotse.
Ngumuso ako dahil tandang tanda ko pa ang sinabi kong mushroom. Ang dami ko talagang kasalanan sakanya. Hindi ko din naman alam na pulis siya eh. Kung alam ko lang eh 'di sana hindi ganun ang pakikitungo ko sakanya.
Tumikhim ulit ako habang nakatingin sa unahan. "Sorry po sa mga sinabi ko, sir. Nadala lang po ako sa bugso ng damdamin ko." Palusot ko ngunit tumawa lang ang lalaki at halatang aliw na aliw sa pagiging maamong tupa ko.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Parang gusto ko na nga lumabas ng kotse niya at sumakay nalang ulit ng tricycle, ngunit naalala ko ang nangyari sa 'kin kaya wag nalang at titiisin ko nalang ang kanchaw niya.