CHAPTER 13

1404 Words
Violet's Pov ARAW-ARAW ay palala ng palala talaga ang inis ko sa lalaking kapitbahay ko. Kung ano-ano nalang ginagawa para talaga inisin ako. Hindi ko alam kung bakit trip niya talaga ko inisin. Katulad nalang ngayon, yung mga sinampay ko sa labas ng bahay ko ay may kulang. Alam kong kulang dahil anim na piraso lang ang isinampay ko. Pero kulang ng isa at panty ko pa talaga ang nawala. Hindi ko alam kung bakit nawala n'ong una. Panay pa ang hanap ko sa bakuran ko at baka nilipad lang ng hangin pero wala talaga. Ngunit alam ko na sinampay ko talaga yun dahil kung sa banyo ko isasampay ay baka mag amoy kulob lang. Ngunit umakyat yata ang dugo ko papunta sa ulo ng makita ko ang lalaking kapitbahay ko na nakasuot sa ulo niya ang itim ko na panty. May hawak pa talaga siyang bolo na parang naglilinis sa bakuran niya. Wala din siyang damit pang itaas at pawis na pawis ang kanyang katawan. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya na may monay. Ang balikat niya ay may muscle din at malapad. Napatulala ako sa nakita ko ngunit agad naman akong natauhan at nag iwas ng tingin. Muntik ko ng makalimutan ang panty ko na nasa ulo niya na ginawang bonnet, "Hoy! Ikaw talagang animal ka! Nakakainis ka talagang lalaki ka!!" Nanggigil kong sigaw sa lalaki. Tumingin naman siya sa 'kin sabay kunot ng noo. "Bakit na naman?" Maang-maangan pa ng gago. "Yung panty ko! Bakit na sa'yo yan?!" Galit kong sigaw sa lalaki. Hinawakan naman niya ang tela na nasa ulo niya saka niya yun hinila. "Ahh ito ba? Akala ko bonnet eh. Nalaglag sa dito sa bakuran ko. Sakto naman na naiinitan ako. Panty mo pala 'to?" Nakangisi niyang sabi kaya uminit ang magkabilaang pisngi ko ng amuyin niya yun. "Ang bango ahh.. amoy downey." Dagdag pa niyang sabi kaya dali-dali akong lumapit sa bakuran niya at inagaw ang hawak niyang panty ko. "Bastos! Kainis ka talagang lalaki ka! Kailan ka ba aalis sa paningin ko ha?!" Sigaw ko habang tinatago ang panty sa likod ko. Kibit balikat lang siya habang nakatingin parin sa 'kin. " Sorry, Ms. Sungit, ngunit hindi mangyayari yun. Kapitbahay mo kaya ako. Ang swerte mo nga eh, gwapo ang kapitbahay mo. Hindi lang gwapo kundi matipuno pa. Busog na busog mata mo sa katawan ko pa lang." Pagbubuhat niya sa sarili niyang upuan. Agad akong yumuko at parang may hinahanap sa lupa. "Anong hinahanap mo?" Tanong sa 'kin ng lalaki ng makita niya ang ginagawa ko. Nag angat ako ng mukha dahilan upang magkasalubong ang tingin namin dalawa. "Yung pake ko!" Mataray kong sabi saka ako tumalikod sakanya. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay ko at malakas na isinara ang pinto. Ang sarap talaga kulamin ng kapitbahay ko. Kung pwede pa lang talaga ay matagal ko ng ginawa. Ngunit hindi naman ako marunong gumawa. Inangat ko ang panty sabay napabuga ng hangin. Hindi ko siguro nilagyan ng ipit kaya nilipad siya sa kung saan lupalop. Tinungo ko nalang ang banyo at nilabhan ang panty ko. Baka mangati pa ako kapag hindi ko nilabhan ulit dahil galing pa naman sa ulo ng lalaki. Nilabhan ko nalang saka ko hinanger at sinabit nalang sa loob ng banyo. Simula ngayon talaga ay sa banyo ko na isasampay ang mga panty ko. May manyakis kasi na taga kuha ng panty. Mabuti nalang talaga at nahuli ko. Naalala ko tuloy kung paano niya inaamoy ang panty ko kaya uminit ang magkabilaang pisngi ko. Matapos ang nangyari ay natulog nalang muna ko para makapag pahinga ako ng maayos dahil mamaya ay may pasok na naman ako. One month na din kasi akong nakatira dito sa bahay na 'to at one month na din simula ng maging kapitbahay ko ang animal na lalaki. One month na akong nagtitiis sa kapitbahay ko. Kung pwede nga lang ay lumipat ako pero duda ko talaga kapag lumipat man ako ay nando'n na naman siya. Humiga ako sa kama at pinilit ang sarili na matulog. Konting konti nalang talaga ay makakabili na ako ng aircon kaya tiis- tiis nalang talaga ako. Hinayaan ko lang ang sarili ko na hilain ng antok hanggang sa tuluyan akong nakatulog. Nagising ako ng mga 5AM dahil na naman sa tugtog ng kapitbahay kong may saltik ang utak. Sa susunod talaga ay pupuntahan ko ang kapitan dito para ireklamo siya kapag hindi pa siya tumigil sa ginagawa niya. Bumangon nalang din ako dahil oras na din para mag asikaso. Magluluto pa kasi ako ng pagkain para kakain na muna ako bago ako maliligo. May delata naman ako na nabili nong isang araw kaya magbubukas nalang ako at gigisahin ko para naman sumarap. Lumabas ako ng kwarto at agad na tinungo ang kusina para makapag luto na ako. May kanin naman ako na natira sa sinaing ko kaya yun nalang ang kakainin ko. Sinadya ko talaga yun para tipid sa gas. Nagluto na ako ng ulam para makaligo na ako. Minsan kasi ang tagal dumaan ng mga tricycle kapag mga 6:30PM kaya nahihirapan ako sumakay. Kaya naisipan ko na agahan ang alis dito sa bahay. Kailangan 6PM ay naka abang na ako sa kalsada. Hindi kasi ako sa unahan nag aabang dahil nilalakad ko pa ng konti. Papansin kasi ang kapitbahay ko kapag diyan ako sa kalsada mag aabang. Ginawa niya akong aso na sinisipulan akala mo naman ang gwapo niya. Nang matapos akong magluto ay kumain agad ako. Hindi ko na pinansin pa ang tugtog ng kapitbahay ko na sobrang lakas. Wala talaga siyang paki sa kapitbahay niya. Sana talaga ma stroke nag gago. Natapos akong kumain kaya tumayo na din ako at hinugasan ang pinagkainan ko. Nang matapos ako ay pumunta ako ng banyo para maligo na. Hindi naman ako matagal maligo lalo na kung nagmamadali ako. Wala naman din aamoy sa 'kin kaya ayos lang kung saglit lang ako maliligo. Naligo agad ako at mabilisan lang ang ginagawa ko. Hindi ko na din naririnig ang maingay na music ng kapitbahay ko kaya natuwa ako. Siguro ay nabingi na din siya sa lakas ng ingay ng tugtog niya. Natapos akong maligo at agad akong lumabas ng banyo habang nakatapis lang. Dumeritso ako sa kwarto at ganun parin ang uniform na suot ko. Pinagbawal na talaga suotin ang old uniform namin kaya nakakalungkot talaga. Napapangiwi talaga ako kapag sinusuot ang maikling palda. Konting yuko ko lang talaga nito ay masisiliapan ako. Kaya kapag lalabas ako ng bahay at pauwi ay lagi kong pinapatungan ng cardigan na aabot ang taas hanggang sa tuhod ko para naman matakpan. Inayusan ko nalang ang sarili ko at inilugay lang, muna ang mahaba kong buhok. Basa pa kasi kaya pagdating ko nalang sa bar aayusin. Tapos na ako sa pag aayos kaya kinuha ko na ang pamasok kong bag at lumabas ng kwarto. Cheneck ko na din ang bag ko kung nasa loob na ba ang wallet ko. Nang makita kong meron ay tinungo ko na ang pinto at binuksan yun. Lumabas ako ng bahay at sinigurong naka lock ang pinto. Napalingon pa ako sa katabi kong bahay at nakahinga ng maluwag dahil himala na wala ang bwisit na lalaki. Ayos na din yun para hindi na naman niya ako tignan ng malagkit. Manyakis talaga ang hayop na yun. Kahit wala ang lalaki ay naglakad parin ako papunta sa unahan para mag abang ng tricycle. Nakatayo lang ako sa gilid ng kalsada at nag aabang ng tricycle. Ilang sandali lang ay may nakita akong papunta sa 'kin na tricycle. Agad kong napansin na wala siyang pasahero kaya pinara ko agad si manong. Huminto naman ang lalaki sa harapan ko kaya agad akong sumakay. Pinausad naman niya kaya sinabi ko kung saan ako magpapahatid. Napansin ko pa na panay ang tingin ng lalaki sa legs ko kaya itinakip ko ang laylayan ng cardigan sa legs ko at umusog ako sa may b****a ng babaan para hindi na siya tumingin sa' kin. Kinuha ko nalang muna ang cellphone ko para itext ang kasama ko na papunta na ako sa bar. Nang maisend ko yun ay nag angat ako ng tingin at halos bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko na ibang direksyon ang binabaybay ng sinasakyan kong triycle. Mas lalo pa akong kinabahan dahil wala man lang ka bahay-bahay kaming nadadaanan at higit sa lahat ay madilim na din dahil 6:20PM na din naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD