CHAPTER 12

1273 Words
Violet's Pov UMAGA ngayon at kagagaling ko lang sa bar kung saan ako nag tra-trabaho. Pagod na pagod ako pero ang piste kong kapitbahay ay parang may disco sa bahay dahil sobrang lakas ng patugtog niya. Malilibing ko talaga siya ng buhay sa sobrang inis ko na sakanya. Dapat pala kumuha na ako ng pala at maghukay na ng libingan niya sa likod ng bahay ko. Araw-araw talaga ako sinusubok ng panginoon kung hanggang saan ang pasensya ko sa lalaking yun. One week na simula ng malaman ko na siya ang kapitbahay ko. Ang kapal pa ng mukha niya na sabihin sa may ari na patay na patay daw ako sakanya. Gusto na yata niya na mapatay ko siya. Sa sobrang inis ko sa lalaki ay bumili talaga ako ng itak at baka may pag gagamitan ako nito. Tataas talaga presyon ko sa lalaking yun. Sa dami ba naman kasi na lilipatan niya ay dito pa talaga sa tabi ng bahay ko. Nagsisisi na tuloy ako na binili ko ang bahay na 'to. Nakipag usap pa nga ako sa may ari at pinakiusapan na kung pwede ay palayasin na niya ang lalaki kung hindi pa man fully paid. Pero shuta.. fully paid pala ng lalaki ang bahay at maging ang katapat namin na lupa ay binili niya at do'n naka park ang kotse niya. Panira talaga ng buhay ang lalaki. Sino ba naman kasing matutuwa kung pati sa bar ay mukha parin niya ang nakikita ko tapos pag uwi ko na naman sa bahay ay mukha parin niya makikita ko. Bwisit na buhay 'to. Idagdag ko pa 'tong bago naming uniform sa bar na hindi nakakatuwa. Mas lalong pinaikli kasi nag skirt at ang malala ay craptop na ang pang itaas na medyo kita ang cleavage. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay baka nag resign na ako sa trabaho ko. Nakaka highblood talaga ang kamalasan ko. Habang nag tatanggal ako ng sapatos ko ay bigla kong narinig ang tagaktak ng ulan sa bubong. Napamura ako dahil nilabas ko pa naman ang mga nilabhan ko kami dahil ang ganda na kasi ng sikat ng araw kanina. Ayos din ang trip ng araw eh. Kung kailan nilabas ang mga damit ay saka din uulan. Hayop talaga. Lumabas ako ng bahay at dali-daling nilapitan ang mga nilabhan ko. Napatigil pa ako dahil nakita ko ang lalaking mahangin na sigurado ako na nagkakape. Ang lakas parin ng music niya at ang sakit no'n sa tenga dahil rock. Hindi ko nalang pinansin ang mongoloid at pinagpatuloy ang pagkuha ko sa mga sinampay. Bigla naman natigil ang music ng lalaki kaya nakahinga ako ng maluwag dahil tahimik na ulit. "Ms. Sungit.." tawag niya sa 'kin kaya napalingon ako sa gago. Pinukol ko siya ng nasamang tingin dahil sa lakas ng boses niya na pati ang dumaan na tricycle driver ay napalingon sa gawi namin. May saltik talaga ang lalaking 'to dahil naka microphone pa talaga siya habang tinatawag niya akong sungit. "Pwede ba manahimik ka! At yang music mo.. pwedeng pakihinaan dahil may kapitbahay ka din. Sana naman naisip mo yun diba?" Galit kong sabi sa lalaki kaya inilapit na naman niya ang microphone sa labi niya. "Pinatay ko na nga eh. Kakantahan kita para makatulog ka agad, Ms. Sungit." Sabi niya habang nakangisi. Inirapan ko naman siya. "Kahit wag na! Lumayo ka lang sa 'kin panigurado na makakatulog ako ng mahimbing." Saad ko sabay tinalikuran siya. "Nalaglag panty mo, Ms. Sungit." Saad niya gamit ang microphone parin. Ako naman si tanga ay tumingin din sa lupa para tignan kung nalaglag ba talaga ang panty ko. Agad nalukot ang mukha ko at tumingin sa lalaki na tawa ng tawa habang nakatingin sa 'kin. "Abnormal!" Galit kong sigaw sakanya saka ako nag martsa papunta sa pintuan ng bahay ko. "Malamig ngayon, Ms, Sungit. Baka kailangan mo ng pang painit. Willing naman ako eh," sabi niya kaya napahinto ako sa paghakbang. "Naku wag na! Baka makakita pa ako ng maliit na mushroom sa pagitan ng mga hita mo." Sagot ko saka ako dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Naririnig ko pa ang mura ng lalaki dahil naka microphone na naman ang loko. "Anong maliit na mushroom ha? Hoy malaki 'to! Tatandaan ko talaga sinabi mong babae ka!" Galit niyang sabi kaya natawa ako habang nga lo-lock ng pinto. Ang galing niyang mampikon tapos kapag gumanti ako nagagalit. Siraulo ba siya. Natuwa tuloy ako dahil nakaganti ako sa kalokohan ng gago. Akala siguro niya hindi ako sasagot sa mga banat niyang walang kwenta. Banatan ko siya ng kahoy eh. Makita talaga niya hinahanap niya. Naghanap nalang ako ng masasabitan ng mga sinampay ko para matuyo. Tuluyan ng bumuhos ang ulan kaya napangiti nalang ako dahil malamig. Wala pa kasi akong aircon dahil pinag iipunan ko pa. Umupo nalang ako sa upuan at magpapahinga lang muna ako saglit saka ako magbibihis. Napagod na naman kasi ako sa mga customer na panay ang tanong kung pwede ba daw ako kahit isang gabi lang. Yung isa sa sobrang kalasingan at kakulitan ay tumawag na si Chim ng bouncer at sapilitang inilabas ang lalaki. Nando'n din naman ang lalaking kinaiinisan ko at mas lalo pa akong nainis ng makita ko na may lumapit na babae sa table niya. Na bwisit din ako sa ngiti ng lalaki dahil ang laki ng ngiti. Sana talaga lumiit ang mushroom niya hanggang sa maging sili nalang yun. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko din alam kung bakit ako nagagalit. Wala naman sana akong paki sa lalaking yun. Kahit pa siguro mag jugjugan sila sa harap ko ng babae ay wala akong paki. Ang gusto ko lang ay umalis siya sa harap ko at wag na niyang ipapakita pa ang nakakairita niyang mukha dahil sawang-sawa na akong makita ang pagmumukha ng loko. Sana naman bigyan naman niya ako ng break kahit papano. Nang mapagod na ako kakaupo ay tumayo na din ako at napag desiyonan na magbihis na muna ng damit bago mag kape. Nagugutom ako pero hindi na ako kakain, sapat na sa 'kin ang kape bago matulog. Sana lang ay hindi mag patugtog ang lalaking yun na naman. Ilang araw na kaya niyang ginagawa yun kaya nireklamo ko sa may ari at ang sabi lang ay pakikiusapan daw niya. Ngunit matigas talaga ang mukha ng lalaki, alam ko naman na sinasadya niya yun para asarin ako. Gusto talaga niyang makita ang tigre kong mukha. Ang mas nakakainis pa ay panay pa ang tawa ng lalaki kapag nakita niya akong naiinis. Mongoloid talaga siya ang sarap bigwasan ng mukha. Agad akong nagtimpla ng kape at ininom yun habang nakatulala. Iniisip ko na naman kasi ang babayaran kong bahay. Kapag may utang talaga ako ay hindi ako mapakali at gusto ko na mabayaran agad. Kaya hindi din ako palautang dahil takot ako sa utang. Hindi din ako nagpapa, utang dahil takot naman ako maningil dahil minsan ay mas matapang pa ang nangutang kapag sinisingil. Kaloka talaga. Gusto ko sanang maghanap ng trabaho kahit part time man lang para mabayaran ko na agad ang utang ko. Naghanap na ako sa online pero para namang mga scam ang iba. Ang hirap naman kasi magtiwala ngayon. Nagtanong-tanong na din ako sa mga ka work ko kung may alam ba sila pero wala daw kaya nga- nga tuloy ako. Napapaisip na nga ako na gayahin ang mga kasamahan ko na sumasama sa mga customer para magkapera na din ako. Hindi naman ako minamadali ng may-ari magbayad pero talagang hindi lang talaga ako mapakali at tumatakbo sa isipan ko yun. Mapapatulala na lang talaga ako habang humihigop ng kape. Diosmiyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD