Violet's Pov
WALA akong pasok ngayong gabi dahil hindi ko kinaya ang sakit ng tiyan ko. Nag text lang ako sa kasama ko na hindi ako makakapasok.
One week kasi ang nakalipas simula ng makalipat na ako sa nabili kong bahay. Lumipat na ako kahit pa nga wala pa akong masyadong gamit sa bahay. Unti-unti ko kasing pinag iipunan para hindi ako mabigla kapag bibili na ako.
Masaya naman ako na nakalipat na ako, tahimik ang buhay sa umaga at sa gabi naman ay pasok ng work parin. Kailangan kumayod dahil maraming bayarin. Kaya kahit tamad ang isang tao kapag may naisip ang mga bayarin ay gaganahan talaga mag trabaho.
Mabuti nga at binigyan ako ng may aring mga tanim na pwede kong itanim sa bakuran.
Kaya kapag umaga galing ko sa trabaho ay naglilinis ako sa harap ng bahay namin. Kaya malinis na tignan.
Balak kong bumiling aircon kaya pinag ipunan ko munalang pangbibili ko. Ayaw ko kasi yung bagsakan ang bili tapos wala ng pera kinabukasan.
Masaya naman si Luke dahil nakabili na ako ng bahay ko. Pumunta nga yun dito kasama si Chim at pati siya ay masaya din sa 'kin. Hindi ko na sinama ang iba ko pang ka trabaho dahil baka pagtawanan lang ang bahay ko na maliit.
Nandito ako ngayon sa sala habang nakaupo sa lumang upuan na pagmamay ari pa ng anak ng may-ari. Saka ko na 'to papalitan kapag may budget na talaga ako. Sa ngayon ay uunahin ko muna ang kulang kong payment at aircon sa kwarto ko. Kaya pa naman kasi ang upuan na to at medyo matibay pa naman. Yun nga lang nag cover ay medyo luma na.
Pero kaya ko naman mag tis, ako pa ba.
Habang nakaupo ako ay panay ang higop ko sa ginawa kong tea. Sinusubukan kong pakalmahin ang tiyan ko dahil kanina pa talaga 'to sumasakit. Siguro ay malapit na ang dalaw ko kaya siguro sumasakit. Ganito kasi ako kapag malapit na, pero nawawala naman agad. Pero ngayon ang tagal mawala at mas lalong sumasakit ang tiyan ko. Naka inom naman na din ako ng gamot pero ganun pa din talaga.
Naubos ko nag tea kaya naisipan ko nalang muna na lumabas ng bahay para magpahangin. Tumambay na muna ako sa labas at nakatingin ako sa kalsada. Minsan ay may dumadaan na tricycle na papunta sa ibang barrio.
Nagtagal lang ako ng mga 30 minutes hanggang sa mapadako ang tingin ko sa katabi kong bahay. Madilim don dahil wala namang nakatira. Ginawa na nga yatang bodega ng may-ari ang bahay na yun. Pero nong isang araw ay may nakita akong babae at lalaki na naglilinis sa kabilang bahay. Akala ko nga ay lilipat sila diyan dahil dalawang beses silang bumabalik sa paglilinis ng bahay dahil na din sa masyadong marumi ang bahay. Pero matapos ang dalawang araw ay hindi na bumalik ang mag asawa kaya sigurado ako na inutusan lang siguro talaga yun ng may ari na palinisan ang bahay. Katakot naman din kasi at baka pinamamahayan na ng ahas pala.
Magkatabing-magkatabi pa naman talaga ang bahay ko at nag bakanteng bahay kaya pwedeng- pwede talaga gapangin ng ahas ang bahay ko. Wala pa naman akong matalas na kutsilyo kapag nagkataon.
Kaya ko din inuna linisan ang paligid ng bahay lalo na sa likod dahil ang dami ng tumubong damo. Katakot at baka may nagtatagong ahas pala.
Naisipan kong pumasok sa bahay at susubukan kong ipahinga 'tong sumasakit na tiyan ko. Sinigurado ko pa talagang naka lock ang pinto ng bahay lalo na't mag isa lang ako.
Medyo malayo pa naman ang mga kapitbahay ko at hindi nila ako matutulungan kung may siraulo man na pumasok dito sa bahay ko.
Mabuti na nga lang din at may double lock ang pinto na 'to kaya hindi ko na kailangan pa ipagawa.
Dumeritso ako sa kwarto ko at kinuha na muna ang pamaypay dahil nga sa wala akong electricfan. Meron naman talaga ako eh dahil bumili ako no'n sa apartment. Ngunit, nahiya akong kunin dahil walang electricfan ang mga kasama ko kaya hinayaan ko nalang at mag iipon nalang ako pambili ng aircon.
Mabuti na lang din at hindi masyadong mainit dito, malamig naman ang problema ko lang nong una ay maraming lamok. Yung kwarto ko kasi ay maliit lang. May single bed, at may aparador na iniwan ng anak ng may-ari. Sa ilalim naman ng bedframe ay pwede kong lagyan pa ng box kung may maisipan pa akong ilagay don. Ang problema nga lang ay pinagtataguan ng lamok. Kaya ang ginawa ko ay hindi ko na nilagyan ng gamit ang ilalim ng kama at sa aparador na lahat ng mga damit ko.
Hindi naman binawi ng may ari ang apardor at freebies na daw niya sa 'kin. Tuwang tuwa ako dahil matibay ang parador at halatang bagong bili ng anak niya. Konting punas ko lang ay kumintab na ulit.
Ang kinailangan ko lang talaga ay pintura dahil medyo luma na ang kulay ng bahay. Kaya bumili ako ng puting pintura at kurtina na din para sa bintana sa sala at kwarto ko.
Nahiga na ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Nanonood lang ako sa social media account ko ng mga video at nagpapalipas ng oras. Masyado pang maaga para matulog dahil 7PM pa naman. Hindi naman na din ako nagugutom dahil sa ininom ko na tea.
Hanggang sa kaka scroll ko ay may nakita akong movie kaya pinanood ko. Hindi ko namamalayan na lumalalim na ang gabi hanggang sa makita kong 10PM na. Nakaka aliv kasi manood ng movie habang nakahiga lang sa kama at walang pinoproblema. Kailan k kaya masusubukan na hindi na kailangan kumayod sa buhay at papetiks-petiks nalang ako. Pambihira naman kasi, buong buhay ko ay puro kayod nalang ako. Kailan ko kaya masusubukan na ako ang kayudin.
Napa iling nalang talaga ako sa naisip ko at pinatay na ang cellphone para matulog.
Inaantok na ako kaya hahayaan ko ang sarili ko na makatulog na.
Kinabukasan, nagising ako sa maingay na tunog na nanggaling mula sa tunog ng sasakyan. Ang totoo niyan ay kanina ko pa nadidinig pero dumadaan lang naman kaya tinutulog ko nalang ulit. Ang sakit sa tenga ng ingay ng kotse dahil sobrang bilis na nagpatakbo kung sino man ang hayop na yun. Hindi nag iisip na baka maka istorbo sa mga taong nadadaanan niya. Akala mo hari ng kalsada ang bwisit.
Sa inis ko ay bumangon nalang ako sa kama. Kinuha ko pa ang cellphone ko at nakitang 8AM na din pala. Kaya siguro ang lalakas mag patakbo ng kotse ng mga dumadaan, pati tricycle din ay maingay. Ang pangit nila ka bonding.
Lumabas nalang ako ng kwarto at dumeritso papunta sa kusina dahil malapit don ang banyo. Pumasok na muna ako para maghilamos at umihi na din. Habang umiihi ako ay may naririnig akong boses.
Hindi ko alam kung saan nanggaling yun kaya tumayo na muna ako at inayos ang sarili ko saka ako lumabas ng banyo.
Dumeritso ako sa sala at tinungo ang pinto saka ko binuksan para sumilip sa labas ng bahay. Baka kasi nandiyan ang may ari ng bahay. Kailangan ko kasi siyang makausap dahil may kailangan ako.
Ngunit ng paglabas ko sa bahay ay napalingon ako sa katabi kong bahay at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang hindi ko inaasahan. Lumingon din siya sa 'kin habang may hawak siyang maliit na box. Ngumiti pa siya sa 'kin sabay kindat kaya inirapan ko siya.
Piste! Akala ko pa naman matatahimik na ang buhay ko pero hindi pala dahil magiging kapitbahay ko pa yata ang mayabang na feeling gwapo na manyakis. Umaga pa lang sira na agad ang araw ko sa pagmumukha niya. Bakit na naman kasi nandito na naman siya.